Isang Minutong SMILE – Ibahagi natin sa mga Bata…

Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto
pagbigyan mo ang sarili
mong maging masaya…
kahit isang segundo lang okey na un…
Naalala nyo pa yan? Oo, Isang Minutong SMILE…Nagrequest si The Pope last year na sana magkaruon ng adbokasiya para sa animnapung segundong SMILE o Isang Minutong SMILE. At di naman sya napahiya dahil nagkaruon nga ng malawakang pagngiti nuong Dec. 8, 2009 alas otso ng gabi.

At ngayon nga, muli, ipagpapatuloy natin ang naumpisahan dahil nalalapit na naman ang Dec. 8 o ang SMILE Day.

Darating na naman ang araw kung saan libre tayong ngumiti ano man ang pinagdaraanan natin sa buhay, kalungkutan, kasiyahan, problema, o kahit ano pa yan subukan mong ngumiti kahit isang minuto lang, isang minuto para mawala kahit saglit ang bigat ng iyong problema, isang minuto para kahit papaano may mapasaya ka dahil lamang sa tamis ng iyong ngiti…

Dec. 8, 2010 – SMILE Day, mayroon kaming walong taong pangingitiin(Facebook User/Blogger) at kung papalarin, isang grupo ng mag aaral sa isang paaralan sa Baguio ang mapapa-SMILE, at kung susuwertehin, sana, isang buong school na puno ng ngiti sa labi ang makikita natin.

Samahan nyo po kami sa adbokasiyang ito, upang nang sa gayon, hindi lamang sarili natin ang mapangiti sa darating na SMILE Day, kundi pati na rin ang mga batang mas nangangailangan.

Magkakaruon po ang Isang Minutong SMILE nang pa-contest para sa bloggers at FaceBook Users na nasa Pinas, walo ang mananalo ng shirt na may logo ng Isang Minutong SMILE, at isang school ng mga bata ang susubukan naming pangitiin sa tulong ng mga mabubuting sponsors ng Isang Minutong SMILE.

At para sa mga gustong tumulong para sa adbokasiyang ito, dito lang po kami matatagpuan isangminutongsmile@yahoo.com

Samahan nyo kaming ibahagi ang Isang Minutong SMILE sa mga batang mas nangangailangan.

Isang malakeng pasasalamat na rin po kung gagawan nyo ng entry sa sarili nyong pahina ang Isang Minutong SMILE…Hangad din po naming maipakalat sa karamihan ang Isang Minutong SMILE
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MiDniGHt DriVer says

    Boss Cm, sana po ay mabigyan nyo ko ng karapatan para maiposte ang napakagandang adbokasyang ito sa aking mundo. 🙂

  2. saul krisna says

    hala isang taon na pala ang nakaraan … hang bilis naman ng panahon… gagawa ulit ako ng post na medyo ikakatuwa niyo at mapapasmile kayo… hehehehe salamat sa pag papaalala parekoy… smile naman jan hehehehe

  3. Unnamed Psalmist/ Kiko says

    Sir LordCM,

    nag post na rin po ako, at nag usap na kami ni YanaH tungkol sa alam mo na yun hehehe?

    please check my blog na lang?

    salamat

  4. The Pope says

    Nakikiisa sa makabuluhang adbokasiya, nawa'y magbigay daan ito para sa layuning makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng nagkakaisang blogistang Pilipino.

  5. animus says

    hello LordCM!!!!!!
    nakikiisa ako sa mabuting hangarin na ito. interesado akong tumulong kahit sa munting paraan.

    inaantay ko ang sagot mo kay Bino kung magkano ba ang sponsorship? interesado kami ng aking kaibigan na blogger din sana, kung kaya namin ito. kung hindi naman, makakaasa ka pa rin sa tulong namin.

    ps: walang comment section yung latest post. 🙂

  6. Lord CM says

    Ay sorry naman po, naging busy eh, di na nakareply sa comment…

    kahit ano pong tulong, kahit gaano kaliit basta galing sa puso tinatanggap namin…

    di ko po talaga in-allow ung comment sa latest entry, dun na lang po sa new site kayo mag comment…

    pwede nyo rin kaming email sa isangminutongsmile@yahoo.com

    salamat ng marami sa suporta 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *