Anak saan ka pupunta?

anak saan ka pupunta?
bakit sa kapitbahay ka hahanap ng tadhana?
ako ay nag aalala baka ikaw ay mapariwara

 

inay inay, ako’y sawa na
sa hirap ng buhay sa payak na pagkain
ako ay hahayo kikita ng pera
ako ay babalik pag may dalang maraming pera

huwag na anak, dito ka na lamang
pagsilbihan mo na lamang ang ating tahanan
ika’y kanyang kinupkop mula nung ikay musmos pa lamang

ayaw ko sa ating tahanan inay
wala nang pag asa
ang pag asenso ay sadyang masalimuot
pupunta ako sa kapitbahay doon hahanap ng pag asa

anak anak, sige humayo ka
sana naman ay magtagumpay ka
ako ay maghihintay kahit nananaghoy
dito muna ako sa tahanang nalapastangan

anak anak bakit di ka na bumabalik
nagustuhan mo na ba ang masigabong buhay
narito lamang ako at naghihintay
ikaw na may katalinuhan, na maayos ang sariling tahanan

anak anak, sa kapitbahay ka na tumira
jan ka na pala nagsimula ng pamilya
datapwat nakalimutan mo na ang ating tahanan
ang kapitbahay na ang iyong pinagsisilbihan

anak anak umuwi ka na
dapithapon na…

galing kay linlazo ng BCO
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. BlogusVox says

    Inay, inay, hinde sana ako aalis kung ang panganay nyong anak ay marunong sa gawaing bahay, hinde makasarili at ina-alagaan ang mga bunsong kapatid.

  2. Joyo says

    aw minsan nakakaguilty… kaso minsan kailangan makipagsapalaran kesa sama-sama kayong titirik ang mata sa gutom… bawat nangingibang-bnsa naman ay may kwento… sino bang gustong lumayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *