Simpleng Palau, Simpleng Buhay

Palau’s Capitol

Simpleng Palau – Sabi nila generator lang ang nagbibigay kuryente sa buong Palau, wlang power plant na gaya ng sa Pinas. At sabi rin ng ilan, kayang pailawin ng generator ng Mall of Asia ang buong Palau na may posibilidad namang mangyari.

Simpleng Buhay – Pero di gaya sa Pinas, hindi problema ang kuryente dito, madalang ang brownout, magbrownout man maswerte na ang isang beses sa isang buwan at di tatagal ng 6 na oras

Simpleng Palau – Walang mga pampasaherong jeep o bus dito, taxi lang madalang pa, karamihan may sariling sasakyan o kaya nama’y may service na provided ng kumpanya

Simpleng Buhay – Yun ang kinaganda dito eh, walang usok, walang polusyon at walang trapik. Sa liit ng Palau at sa di kainitang klima kaya mong lakarin mula opisina hanggang sa tinutuluyan mo. Oo nga pala, may $500 ka may kotse ka na dito

Simpleng Palau – Kapag new year dito wala kang marinig na putukan, bawal daw…penalty ka o kulong kapag nahuli ka

Simpleng Buhay – sa pitong taon ko dito sa Palau, wala pa naman akong nabalitaang naputakan ng labintador o kahit anong paputok…iwas disgrasya, iwas gastos diba

Simpleng Palau – kapag nahuli ka ng pulis sa illegal na gawain maaari kang makulong pero Six to Six lang. Kulong ka ng alas sais ng gabi, labas ka ng alas sais ng umaga para magtrabaho, at bumalik sa kulungan bago mag alas sais ng gabi

Simpleng Buhay – Kinulong ka man nila sa police station para madisiplina, di ka pa rin mawawalan ng pagkakakitaan. Kaya siguro pabalik-balik ung mga fisherman na galing ng Gen. Santos dito eh, kasi mahuhuli sila dahil pumasok sila ng Palau ng walang permit man lang o visa makapangisda lang, Six to Six din sila, binibigyan sila ng trabaho ng Palau at suswelduhan ng $1.50 kada oras tapos kulong uli sila from 6pm to 6am.

Simpleng Palau – Maliit sila magpasahod kumpara sa ibang bansa

Simpleng Buhay – maliit man, di ko pa namang naranasan ma-delay ang sahod ko o kaya’y hindi pasuwelduhin ng kumpanya kahit may krisis, at masasabi kong sapat na ang kinikita ko para sa aking pamilya.

Simpleng Palau, Simpleng Buhay…ok na sana, ang sarap mamuhay sa ganitong lugar pero hindi ko kayang isakripisyo ang talento at talino ng mga anak ko para lang sa mababang quality ng edukasyon dito. Naniniwala pa rin akong mas malayo ang mararating ng mga anak ko kung sa Pinas mag aaral…at syempre gusto ko pa rin umuwi ng Pinas tulad ng ibang OFW at hindi na bumalik sa lugar na to…sana…para tuluyan ko na ring makasama ang pamilya ko. 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Axl says

    ay $500 ka may kotse ka na dito << wow.. mura naman 😀
    $1.50 kada oras << pude na rin. kaso kakatakot makulong may record ka na…

    wow… may masarap ang simple buhay.. di ka nagkakproblem sa mga bagay-bagay!!

  2. pamatayhomesick says

    homesick pre!…tama wala ng sisimple pa sa buhay pinas…kahit sa anung simple pa sa ibang lugar.di parin kayang ipagpalit ang nakalakihan…

  3. Lord CM says

    @axl…
    oo pre, mura lang sasakyan dito pero second hand,pero maayos pa naman…anong hindi nagkakaproblema?tao rin ako pre 😀

    @pamatayhomesick…
    nadale mo pre 🙂

  4. rainbow box says

    rainbow box <<< tinatamaan din ng homesick. as is right now.

    kahit maraming polusyon, bahain, o maingay sa pinas, mas gusto ko parin don.

  5. Renz says

    I love Pinas :]
    Mas gusto ko ang komplikadong buhay dito. May thrill XD
    May asawa at anak ka na pala kuya? 🙂 Akala ko wala

  6. ?superjaid? says

    post ng nahohome sick ba to?hehehe cheer up kuya..

    anyway..ang simple nga ng palau parang isang probinsya lang dito sa pinas pero maganda dyan di ba?

    ang mura naman ng kotse dyan..pwede pabili ng isa?hehehe

  7. Nortehanon says

    Informative itong post mo na ito.

    Hindi pa rin nawawala ang aking kagustuhan na marating ang Palau. Dalawang taon na rin naming pinag-iisipan yan ng kaibigan ko.

    Kumusta naman ang presyo ng mga accommodation dyan? At ang presyo ng transpo kung sakali at maglilibot kami?

    Tungkol sa klase ng edukasyon, akala ko'y mas maganda ang curriculum dyan kesa dito. Isang eye-opener ang post mo na ito para sa akin sa aspeto ng edukasyon.

  8. Lord CM says

    @empi…
    gusto mo pre, pakulong kita? lolzz

    @rose…
    uwi na rose, naghihintay si jack 😀

    @renz…
    kaya nga pre gusto ko bumalik dahil sa mga naiwan ko 🙂

    @jaid…
    siguro nga homesick lang 🙁

    padala ko na lang jan ung kotse, balikbayan box 😀

    @glentot…
    palong-palo talaga!

    @Ms. N…
    Kung mag tour lang kayo dito Ms. N mas magandang sa Tour Agency na kayo pumunta, meron mga agency dito na meron jan sa Pinas, mas makakamura kayo pag sa agency…kasama na transpo, accomodation saka ung mga tour sa iba't ibang tourist spot dito…kung interesado ka magsabi ka lang at magtatanong tanong ako…

    sa klase ng edukasyon dito, mukha lang matalino ung bata kasi ang galing mag english, pero pagdating sa ibang bagay medyo di na gaya sa atin…isa pa bihira lang akong makabalita ng quiz bee, palarong pambansa na gaya ng sa atin, o kaya ung mga aktibidad na mahahasa talaga ung utak ng mga bata…

    Eto na lang, mas maraming pinoy ang nasa opisina namin kaysa mga locals.nakakapagtrabaho lang sa opisina ang mga tagarito kung nag aral sila sa labas ng Palau gaya ng US…

  9. Ishmael Fischer Ahab says

    Bright idea ang six to six.

    Halimbawa may nakapatay…ikulong lang ng six to six then palabasin sa umaga. Yun nga lang baka hindi na bumalik. 😛

    Hindi pwede dito sa Pinas yan

  10. Lord CM says

    @Ishmael…
    di mangyayari parekoy na hindi bumalik, ang liit ng Palau para magtago, maski ako gugustuhin kong makulong ng ganun kasi libre pagkain sa gabi, aga ka pa tulog, tapos wala namang gulo sa kulungan kaya rin siguro di magawang tumakas ng mga nakakulong dito kapag nakakalabas sila at nagtatrabaho 🙂

  11. Ishmael Fischer Ahab says

    Talaga? Kahit murder ba ang krimen eh hinahayaan ding lumabas? Curious lang ako sa style nila jan sa Palau eh

  12. Lord CM says

    @ishmael…
    eto na lang pre. last year nagkaruon ng negosasyon between Palau at US, may 17 Muslim Uighurs na nakakulong sa Guantanamo Bay as possible terrorists.Ililipat ng US dito ang 17 na yan syempre may kasamang budget, pumayag ang Palau, pero 6 lang ang dumating,di ko alam kung bakit nabawasan…

    andito ngayon ung 6 na Muslim Uighurs, nabubuhay ng payapa sa isang bahay kasama ang pamilya nila, ni-train silang makapag salita ng english para sa posibleng pagtatrabaho dito sa Palau…

    Suspected Terrorist ang mga yan na nakakulong sa Guantanamo Bay, di nman sa inaakusahan ko sila pero andun pa rin syempre ung takot diba, pero pagala gala sila dito sa Palau at namumuhay ng tahimik…

    Hindi sila kinulong tulad ng ginawa sa kanila bago dumating dito, binigyan lang sila ng pagkakataong buuin muli ang kanilang buhay ng tahimik.

    Isipin mo pre kung paano pa nila itrato ung mga simpleng kaso lang.

  13. animus says

    mukhang ang sarap magbakasyon at magmuni-muni sa Palau. napakasimple at tahimik. 🙂

    pero i agree with u LordCM, iba pa rin sympre ang saya sa Pinas kasi nandoon ang pamilya natin.

    wag ka na masyadong ma-homesick dyan konting tiis at sakripisyo pa. before u know it, magkakasama na muli kayo ng iyong pamilya.
    (waaahhh, homesick na din yata ako..hehe)

  14. Ishmael Fischer Ahab says

    @Lord:

    Wow! Matindi pala talaga d'yan. Ibang iba siguro kasi yung kultura d'yan kaya ganyan.

    Astig!!! May napulot na naman ako mula sa iyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *