SASALI KA BA O SASALI KA?! (Re-Post)

Hehehe 😀 Di ako galit, natutuwa lang ako at malapit na naman ang awarding ng PEBA…Mabibigyang parangal na naman ang mga astig na blogero’t blogera na gaya ko lolz joke lang…

Sandali at maglaway muna kayo sa mga ipapakita ko!!!

Gusto mo bang umakyat sa Stage ng PEBA…

…at tumanggap ng trophy
kasama ang naggagandahang
volunteers ng PEBA…

…gusto mo lahat ng ito, sayo na!

…tapos mag speech ka sa harap
ng napakaraming audience…


…habang hawak at buong pinagmamalake
mo ang trophy na nakapangalan para sayo…

…o kaya nama’y celphone na
brand new…

…eto pa oh!
meron sanang refrigerator kaso
baka di mo maiuwi sobrang bigat…

…baka naman eto ang trip mo,
ang manuod ng mga talentadong Pinoy…


…okey, meet nyo na lang ang
mga gwapo’t magandang organizer
ng PEBA…

GMA?!!!
…o sige, magpa-interview ka na rin…


…pagkatapos, pa-picture ka na kagaya nito…

…at ito ang pinakamalupit!!!
makikilala mo na ang ibang bloggers,
makikita mo na sila ng personal,
isang malakeng EYEBALL!!!

…eh ano pa hinihintay mo?,
SALI na ba!!!

Wag kang mag-alala, basta blogger ka,
at mahigit anim na buwan ka na
sa mundo ng blogsphere,
WELCOME ka sa PEBA!!!

Oo, kasama ka!
Hindi lang ito pang OFW/Expat,
pang lahatan to!!!

Eto, basahin mo ang
Guidelines
tapos fill up mo ung
Nomination Form

Tapos gawa ka na ng entry
base sa tema ng PEBA 2010 na

“Strengthening the OFW Families:
Stronger Homes for a Stronger Nation.”

Oh!, wag mo kalimutang pumunta
sa Awarding Night,

  December 16, 2010
sa Teatrino Promenade, 
Greenhills, San Juan, Metro Manila

Kita-kits tayo dun!!!

Photos from PEBA Inc.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Poldo says

    huwaw!! gusto kong pumunta!! gusto kong pumunta!! kahit di ako nominees gusto kong sumama dyan.. tsk… kaso di pwede hayss….

    Boboto nalang ako!!! support PEBA! hehe

  2. animus says

    hello LordCM! expect my full support sa patimpalak na ito! kasali ako bilang voter/supporter! 🙂

    note: nde re-post itong comment ko ah..hehe..

  3. Leah says

    I totally support PEBA!. Meron din akong entry.. kaka-post ko lang din.. Though, hindi yun official entry. Wahaha!!! Feeling…

    Ako rin, like glentot.. i wanna attend the ceremony. Para maka EB lang.. hekhek..

  4. BatangGala says

    nice!!malapit na malapit na nga! sana isang tumbling lang ang layo ng greenhills para makaatend din po ako, at mamit ang mga idol kong bloggers! God bless PEBA!:)

  5. Nortehanon says

    haha! This is such a tease, Sir Charlie. This is such a tease!!!!!!
    Hmn, December 16, simula yun ng pangangaroling ko. Sa PEBA na lang ako kaa mangaroling? haha!

    Nag-send na pala ako ng invitation to some bloggers in Visayas and Mindanao para naman may mga representative sila sa contest. Marami tayong mga kapatid din kasi na OFW na may mga relatives doon.

  6. Rhodey says

    wow cool… ibang level na talaga ang PEBA, hindi man ako OFW, isa rin namna akong mangagawang malayo sa pamilya kayat pasok na pasok ang aking suporta dito…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *