Pinasok ng Imortal ang Blogsphere?!!!

Nanonood ka ba ng IMORTAL? Yup! Si Angel Locsin and John Loyd Cruz…Si Mateo(JLC) at Lia(Angel) ang itinakda upang maging tagapagtanggol ng kanikanilang lahi…Si Mateo ay para sa mga Bampira at si Lia nama’y para sa mga Lobo.

Manuod ka na lang at mahabang kwento eh…eto lang naman ang gusto kong sabihin, Pinasok na ng Imortal ang Blogsphere, Oo, habang nagbabrowse si Lia sa net at nagreresearch tungkol sa sakit ni Mateo, nakita nya ang isang blog na pagmamay-ari ni Jethro kung saan ang mga kwento ay tutuong nangyari kina Lia at Mateo.

Ang matindi, naisulat ang isang kwento bago pa man mangyari ito kina Lia at Mateo…Parang Madam Auring lang enoh?

Eto ang nakakabilib…Tutuo ang blog ni Jethro, nasa blogroll ko nga sya. At kung babasahin mo ang mga comments, andun si Lia at nagko-comment din! Galing no? Sa teleserye mapapanood na nagko-comment si Lia sa blog ni Jethro, at kung pupuntahan mo ang blog ni Jethro, andun ang comment ni Lia…

Bisitahin nyo rin ang Mga Pangitain ni Jethro at manood ng Imortal para kumpleto.

Oo, mahilig ako sa teleserye! Ikaw lumagay sa pwesto ko bilang OFW! 🙂
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Poldo says

    Di ako makarelate talaga.. pero
    basta iba ang naalala ko pag may nagsabing..

    "sino ang nakapanood ng IMORTAL?"
    Bwahahahaha
    diba LORDCM?? hihihi

  2. Chingoy says

    na delete na yung comment ni Lia hehehe hinanap ko talaga..

    i guess the blog was made for Imortal talaga… 🙂

    nice move

  3. ladyinadvance says

    ohmegash inde nga?!..kaya pala pamilyar ung jethro..hihihihihi..

    ako fan na fan ako ni angel kaya updated ako sa imortal… hehe

  4. BatangGala says

    waaah!napanood ko din po ito sa tv kanina, so cool! peborit din ni mamangG ang imortal. naiinis ako dun sa girl na laging nangaaway kay lia, ang sarap sapakin.wahaha:))joks! :DD

  5. YanaH says

    at dahil sa naalala ni poldo sa "sino ang nanood ng imortal" na naalala ko ren.. nipanuod ko sa net kagabi.. ang masasabi ko lang…

    hmmmm wala masyadow! hahahahaha

    sorrrrryyyyyyyyyy walang wentang comment =))

  6. sikoletlover says

    dahil wala pang update ang pinapanood kong true blood at the vampire diaries e pati imortal pinatos ko 😀 i'm a big sucker for vampire chenes heee 😛

    peyborit ko na sha ngayon 😀 perstaym hir. add po kita sa blogroll ko 🙂

  7. Diamond R says

    talaga naman, mapuntahan nga ang blog na yan.
    di ko mapanood yan gabi na masayado ang airing dito. kasama ko sa work pinapatay ang tv pag gabi na oldies na kasi.

  8. ro anne says

    OFW ako pero di ako mahilig sa teleserye LOL! Joke lang CM… di ako familiar sa Imortal, ma search nga para mahook din ako hehe

  9. animus says

    hahaha…natawa talaga ako sa statement mo na "oo, mahilig ako sa teleserye! Ikaw lumagay sa pwesto ko bilang OFW!" parang may kalaban ah..hehe…
    sabihan mo lng ako, kung susugod na tayo. sama ako! haha… 🙂

  10. BEA says

    i am not fond of vampire stories, prto imortal really caught my interest. ang galing ng nag-isip ng concept and the writer is insanely creative. 🙂 obviously, the blog was created for imortal talaga, to add another element to the story. binago lang 'yung date to make it look realistic! :0 ganyan ka-creative ang mga writer. 🙂

    by the way, thank you for dropping by my blog LORD CM. 🙂

  11. Dhianz says

    nde koh ren alam kokoment kohd itoh.. parang sa page lang nitong nasa taas koh.. don lang akoh galing eh… si glentot… lolz.. ingatz kuya CM.. Godbless! -di

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *