Nagbabagang Blog Award

Minsan ko nang ipinamigay ang award na ito sa mga sumusunod; Abnuy Pajay, Abnuy Kosa, Dhianz, Supergulaman, RJ, Marco, POGI, Jen, Yanah, Pareng Abnuy Amor, Jhosel, AZEL, Jee, Dylan, Donna, MikeAvenue, Chyng, Mulong, Oracle, Jez, Kenji, The Pope, RonB, Marlon, Desert AquaForce, Nebz, Bomzz,Josha…dahil sa pag asang ang apoy sa aking pahina ay magbabaga na gaya ng mga napupuntahang kong blog…pero mukhang hindi na ata mangyayari…
Kaya imbes na maghintay akong magbaga ang aking pahina, muli kong ipamimigay ang award na base pa sa aking pahina sa mga blogero’t blogerang madalas kong mapuntahan, na kung inyong bibisitahin ay talaga namang nagbabaga sa tindi nang mensahe at pagdeliver ng kanilang mga artikulo. Andiyan ang maluluha ka dahil sa nakakatouch na kwento ng kanilang buhay, ngingiti, sisinghot, hahagalpak ng tawa o kaya nama’y aatungal ng iyak dahil lamang sa mababasa mong artikulo sa kanilang pahina…
Sa iyo, binibigay ko ang Nagbabagang Blog Award na ito, patunay na namamangha ako sa iyong mga sinusulat sa bawat pagbisita ko sa iyong pahina…at asahan mong patuloy akong manggugulo sa iyong comment box basta dalasan mo lang ang dalaw sa pahina ko, hehehe, give and take syempre alangan kayo lang ang masaya!

Sa mga nabanggit na pangalan sa taas, pasensya na kayo at nabigyan na kayo nung isang taon eh! ipaubaya na natin to sa iba.Sa mga sumusunod, kunin nyo na lang ung award sa taas at gawan ng entry, ipasa sa iba kung kinakailangan bilang pasasalamat na rin sa magagandang artikulong hatid nila sa ating mga mambabasa..
At sa lahat ng nakalimutan ko, di ko kayo kinalimutan, di ko lang talaga maalala, dahil siguro di kayo active ngayon at tinatamad na ako lolzz, hugutin nyo na lang ung imahe sa taas kung nasa blog roll nyo ako, sa shoutbox, sa cbox, o basta nakita nyo ako sa inyong pahina, para sa inyo ang award na ito.
Wag maglalaro ng apoy ah!

Burger lang katapat ko, pwde nyo na kunin ng libre yang award na yan kahit wala kayo sa listahan…nakakadalawang burger na ako!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    andaya!
    hindi ba pwedeng sumekond taym around?
    wahahahaha..
    last year pa yun.. nag exired na. nahipan na ng hangin. nyahahaha
    gusto ko rin ng may nagbabagang apoy sa pahina ko..
    ayyyy on sekontot! wak na lang pala. baka masunog ang mga papel ko dun wahahahahaha

    gratz sa mga nakapanalo sa raffle este sa mga Naglalagablab aawardees this year nyhahaha

    morningness Pare

  2. Unni-gl4ze^_^ says

    lol dun sa unang pagcomment ko old gmail account ko pa ang nagamit ko bwahahah tsk tsk
    sorry dinelete ko na makikita nyo ang very old blog ko hahaha….

    wala bang award para sa anonyMUSE este anonymous?ahihi~~
    thanks LORDCm dahil jan naglog in ako baka di ko maclaim ang price ko haha~~~yey!may award nanaman aketch ahihi….(palpak pa yung paglog in ko hahaha sus mi )
    c yanah oh muntik ng magwelga hahhaa,,,,
    happy Monday~~

  3. =supergulaman= says

    wenks…natawa nmn ako dun sa sabi mo na, At sa lahat ng nakalimutan ko, di ko kayo kinalimutan, di ko lang talaga maalala… ahahaha… parang ang gulo…wooot…pis…

    pero sana sa susunod may cash na kasama… ahahaha… hop hop… gandang umaga ^_^

  4. Lord CM says

    @yanah…
    toink!na expired ba? lolzz kunin mo na wag ka na mahiya 😀

    @Unni…
    ayun eh!ginamit ang lumang account lolzz at para sa anonymous, pinag iisipan ko pa 😀

    @superg…
    wak makealam! lolzz naguluhan nga rin ako pero ok na yan 😀

    @empi…
    parekoy!!! wala lang 😀

  5. BatangGala says

    naks! nakita ko po ang neym ko. hihi:)) maraming maraming thank you po ng bonggang bongga! dadalaw na po ko lagi dito, para next yir meron ulit. haha:)) joks! thanks po ulit! 😀

  6. I am Xprosaic says

    Wohoo! Ayos parekoy maraming salamat sa award na yan! Naku it's an honor to be considered in your list! naks! napaspeech bigla! hehehehehehehe… tenks tenks ah!

  7. Dhianz says

    kunin nyo na yan folkz kc next time eh may bayad na yan.. pramis… aheheh… lolz… sige na mga ale mga manong kunin nyo na yan… bago pa magkaubusan… limited time offer lang yan.. haha… hang adik… ingatz lagi kuyah… salamat sa walang sawang pagdaan sa kweba koh.. anyareh kwebah na lang ngaun? lolz.. i realized it can't be castle kc lang prince.. lolz… laterz.. Godbless! -di

  8. nafacamot says

    wow.. haykentbilibit… kasali talagi me??? thanks d2 parekoy. teka sinali mo ba ko d2 para di ko ibunyag mga sikreto mo sa chat? LOL…

  9. Lord CM says

    @batangG…
    ayun!dadalaw na sya ng madalas sa akin 😀

    @xprosaic…
    may ganun? lolz walang anuman parekoy

    @~B~…
    Kuya B, baka naman masunog pahina mo kung lalagyan mo pa ng gasolina 😀

    @dhianz…
    hahaha, nagmakaawa bang kunin yung award lolzz

    pwede pa rin namang maging castle yun dahil may princess naman 🙂

    @nafa…
    ha?! ano chat? sino ka? lolzz

  10. Ishmael Fischer Ahab says

    Wow parekoy. Salamat sa nagbabagang pagbanggit sa pangalan ko.

    Ilalagay ko rin ito sa aking blog para magbaga rin at tuluyang magliyab.

  11. Dhianz says

    naks nemen.. humaba hair koh don.. feeling princes akoh… ahehhe… oh yeah… naaliw nemen akoh sa komentz moh.. natawa akoh as in hahaha.. lolz… yan ang namiss koh ang mga nakakatuwang komentz nyoh.. isa na ren mga komentz moh.. u can be pretty funny sumtimes… sometimes lang kc minsan seryoso ka devah? nagtanong eh noh.. nde sigurado.. lolz… nd naks.. active-activan tayoh sa blog ngaun ahh… hep hep hooray.. lolz. nite nite! =) Godbless! -di

  12. Lord CM says

    @jag…
    walang anuman parekoy 😀

    @leah…
    sensya na po talaga, at salamat sa madalas na pagdalaw 🙂

    @rose…
    wala! wala akong pera! lolzz

    @ishmael..
    hahaha, baka masunog mga readers mo 😀

    @dhianz…
    sinong seryoso, hindi ako seryoso ah! lolzz mahirap din minsan ung hindi nangiti, paminsan minsan kelangan makulit tayo at panay ang ngiti at pagpapangiti sa mga nakapaligid 😀

  13. fiel-kun says

    Isang nagbabagang hapon sa iyo parekoy!

    Yay naks! may awarding ceremony pala dito.

    Congrats sa mga nakatanggap! ingat-ingat, mainit-init pa yan! baka mapaso kayo 🙂

  14. Rej says

    "…at asahan mong patuloy akong manggugulo sa iyong comment box basta dalasan mo lang ang dalaw sa pahina ko, hehehe, give and take syempre alangan kayo lang ang masaya!"

    oo nga naman. hehe! salamat sa award kuya CM. 🙂

  15. bulakbolero.sg says

    wow. salamat sa award. akalain mong magkakaganito ako. paiwan muna ng award. kunin ko memeya. busy pa. hehe.

    \m/

  16. Renz says

    Buti na lang at nagiwan ka ng bakas sa hiatus poste ko :]
    Magandang baon ito sa pag-alis. Iiwan ko din ang konting apoy sa blog ko para magsilbing ilaw na nageexist pa yon :]
    hanggang sa muling pagbabalik.
    Sobrang natuwa ako dito.. look mo po sa blog ko, ilalagay ko siya XD :]
    maraming salamat LordCM :]

  17. DRAKE says

    maraming maraming salamat sa award mo LORDCM, isang malaking karangalan ang mabigyan ng ganitong pagkilala lalo pa na ang basehan ay kagwapuhan at kagandahan ng isang blogger!LOLS

    Ingat parekoy!

  18. animus says

    maraming maraming salamat LordCM sa award! sobrang natuwa ako nung mabasa ko na kasama ako. (paano ko ba maipapadala sa'yo ang eat-all-you-can burger na treat ko sa'yo? hehe)
    first-ever award ko ito! gagawan ko ito for sure ng entry…btw, nde pala ako marunong kumuha ng award..hehe…pero, gusto kong ipaalam sa'yo na malugod kong tinatanggap ang binigay mong award. isang karangalan ito sa akin. thanks ulit! 🙂

  19. glentot says

    OK aaminin ko hinanap ko agad ang pangalan ko at naisip ko Puta pag wala ako dito hindi na ako babalik sa blog ni Lord CM so mabuti at nakita ko ito naflatter naman ako hindi ko inexpect pramis.

    Ahihihiih maraming salamat Lord CM alam kong bored na bored at homesick ka diyan kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo gaya ng badge mong yari sa apoy at sana napasaya ka rin ng mga blogs namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *