Ang dalawang mukha ng OFW

50 Dollars

 

I was once in an internet shop in Phnom Penh where people go to make cheap internet generated call. While I was busy on my own corner, a Mr X came in and I heard him asked the internet staff that he?s gonna make a call. After a few second I heard him saying ?o ano anak musta ka na?? A few more lines followed then I heard him saying ?ha? Ano? Yung bago mong tatay diyan nakatira? Ha? Kasama yung anak?…..?. Anak, pasensiya na wala pang trabaho ang tatay mo, i-pag-pray mo na makatrabaho ako agad. Mamaya, iwi-western union ko yung natitirang 50 dollars pagastos niyo muna diyan.?

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

70 Dollars

ni LordCM

 

Sa Western Union habang nakapila, dalawang Kababayan ang magpapadala rin sa Pinas at nagkakwentuhan…”Brod, magkano padala mo ngayon?” tanong ng isa, “Eto, isandaan(100 dollars) lang at kapos na rin eh” … “Buti ka pa nga, isandaan mapapadala mo, ako 70 Dollars na lang, isandaan din sana padala ko kaso napasarap ang inuman kagabi, napagastos pa, baka kapusin ang pamilya ko nito”

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Madalas, puro sakripisyo ng isang OFW ang nababasa natin, mga paghihirap ng isang OFW, pagtitiis sa mababang sweldo, pagtityaga sa nabiting sweldo, baon sa utang may maipadala lamang sa Pinas na kailanman hindi nalaman ng naiwan nyang pamilya dahil na rin sa dahilang ayaw nyang mag alala ang mga ito, mapanatiling masaya at kumakain sa oras ang kanyang mga mahal sa buhay.

 

Pero nakabasa na ba kayo ng kwentong habang nagsasaya ang isang OFW sa walang kakwenta-kwentang bagay, ang mga sinasabi nyang mahal nya sa buhay ay nagtitiis at? kumakalam ang sikmura dahil lamang sa walang perang pambili ng pagkain. Oo, marami ring kwentong ganyan tungkol sa mga OFW, pero bakit mo pa ipagmamalake, isusulat at ipapangalandakan na inubos mo sa inuman ang perang dapat sana’y ipambibili ng pagkain ng pamilya mong kumakalam ang sikmura.

 

Hindi lamang iisa ang mukha ng OFW, dalawa ito o kung minsan ay mas higit pa. May matatawag kang Bagong Bayani dahil sa pagsasakripisyo nito maiahon lamang ang pamilya sa kahirapan,? at mayroon naman Bagong Bayani ng kanyang kainuman dahil sagot nya ang alak na pagsasaluhan.

 

Marami pang klase ng OFW sa iba’t-ibang panig ng mundo, di pa lang natin naririnig ang kwento nila.
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Xprosaic says

    Lagi talagang may 2 side of the story kasi naman iba iba ang tao depende sa kanila kung ano mas pipiliin nila… pero lahat may dahilan kung bakit…

  2. Artiemous says

    naranasan ko rin maging OFW, at alam ko yung dalawang klase ng bayani. Oo naging bayani din ako sa mga kaibigan ko dahil sa pangsariling saya, at after nung saya eh balik lungkot na ulit. 😀

  3. Noel says

    Nakakalungkot yung isang bahagi o isang mukha ng OFW. Mayroon din akong kakilala hindi na raw makapagpapadala dahil daming binabayarang utang dito. Ang nakakalungkot ay yung utang ay dahil sa sugal.

    Ang hirap-hirap na nga ng buhay sa Pinas at maging dito ay halos murahin na kami ng mga amo tapos nauuwi lamang sa mga walang kapararakang bagay yung perang pinag-paguran nila. Kaya yung iba ay umaabot ng ilang taon sa ibang bansa tapos kapag umuwi ay wala ring halos dala.

    Tunay na maraming mukha ang OFW at ilan lamang ang mga nabanggit mo. Salamat sa pag-share.

  4. ro anne says

    maraming mukha ang ofw… yung iba mukhang anghel ehem! LOL!

    but seriously, sa dalawang bagay lang naman talaga umiikot ang kwento ng ofw, sa pangit at sa maganda… pero sana hindi lang lahat pangit ang ilabas na kwento ng pagiging ofw, madaming ofw ang nag eexcel sa ibang bansa, sana mas maraming kwentong ganito mula sa mga ofw bloggers.

  5. glentot says

    Kudos kudos what a meaningful read, parang journalist lang, two sides of the coin. Ngayon lang ata ako nakaencounter ng ganitong kwento. Aminin mo, ikaw yun ano???? Hahahaha jk.

  6. animus says

    galing ng pagkakagawa mo LordCM! may kurot sa puso. bilang isang OFW, nakakalungkot sympreng marinig/makita/maisulat/mabasa ang 'pangit' na mukha ng isang OFW…pero yun nga, hindi naman talaga lahat 'maganda'.

    sori LordCM, mas pipiliin ko ang 50 Dollars ni Pinikpikan King kaysa sa 70 Dollars mo, kahit feeling close pa ako sa'yo..hehe.. 🙂

  7. BONISTATION says

    gusto kong gumawa ng other side of the story, ung masaya naman! YUNG hindi kinakapos, yung kuntento sa sinusweldo, yung masaya ang pamilya dahil sa biyayang natatanggap, yung hindi naghihirap ang OFW kahit malayo sa pamilya, yung maraming kaibigan, yung magandang kompanyang napasukan, yung thousand dollars ang usapan! hahah

    diba ang saya nun! =) pero kahit na ganun.. hindi parin natin pwedeng talikuran ang katotohanan na, mas MARAMI ang naghihirap at nagtitiis na OFW para sa kanyang pamilya na naiwan sa pilipinas!

    cheers!
    napadaan lang po, tapos nakigulo sa comment haha!! =)

    Mr. Montemayor! hehe

  8. Jag says

    It's like a tossed coin…nothing is in between the head and tail…I'm having a nice read here…God bless po lahat ng ating mga BAYANI.

  9. Axl says

    so much relate on this story….. thats the reason i only buy the thing i need when i was in HS… ika nga nila bawat sentimo kinikita ng mga OFW sobrang mahala 😀

  10. bulakbolero.sg says

    Nakakalongkot ang istorya mo Ser. Sa dalawang mukha ng OFW na pinakita mo, nalongkot ako pareho. =(

    Ambigat sa pakiramdam. huhu.

  11. siyetehan says

    marami talagang kwentong OFW. Kaya nga sumikat yung kantang "napakasakit kuya eddie" di ba? 🙂

    maramin na rin akong kilalang OFW na nasira ang buhay sa ibang bansa- mga kababayan na naubos ang pera sa pakikipag tong its at pakikipag pusoy kaya't pag uwi sa Pilipinas ay walang naiuwi kundi isang lumang component set.

  12. Dhianz says

    hmmm… nabasa koh na… i dunno exactly wat to say but i guess… lahat nang ginagawa naten eh choice naten… oh well… choice nilah un eh… so 'unz… ingatz kuyah.. Godbless! -di

  13. Life Moto says

    tulad ngayon nagpang abot ang finals and enrollment ng binata ko sa kolehiyo. kaya sagad and padala ko. knowing na may 27 riyals pa ko sa ATM, yn pala kinaltas na rin ng bank.
    life is sacrifice for our love ones

  14. Sardonyx says

    Korek ka dyan, iba-iba talaga ang mukha ng OFW pero nakakaawa naman yun unang kwento mo. May kalaguyo pa ang asawa tapos nagpapadala pa rin….bayani yun para sa kin 😉

    miss u na CM!!!

  15. Super Balentong says

    pagsasakripsiyo nga naman, malayo na nga sa pamilya, kumakalam na ang sikmura, punong puno pa ng pag aalala sa mga naiwanan.

    totoo ang lahat ng ito.

  16. Ishmael Fischer Ahab says

    Dahil iba-ibang tao ang OFWs, syempre may iba't ibang istorya ang buhay OFW. Ika nga nila, no two life stories are exactly alike.

    Merong nalugmok sa sugal, alak, at kung ano pang bisyo. Merong todo kayod sa ibang bansa tapos hindi niya alam sa wala rin napupunta ang pinagsusumikapan niya.

    Parang katulad din yan ng mga tao dito sa Pinas. Ang daming masisipag at marami rin ang inaatupag lang ay yung pagbibisyo, ang masama pa n'yan maraming masipag mang-loko ng mga tao para sa sariling kapakinabangan. (at kilala niyo na kung sino-sino ang mga taong iyon)

  17. says

    One of the reasons din nyan eh yung mga lalaking may asawa at pamilyado sa Pnas eh may mga binabahay din sa ibang bansa, and worst halos kasing edad ng panganay nilang anak sa Pnas. I’ve seen work colleagues who had this face, kakaawa kasi obvious naman na pineperahan din lang ng mga babae nila. Unfortunately and sad, mga Pinay din yun.

  18. says

    Meron akong naalala nang mabasa ko ang post na to. Kapitbahat namin noon na lumipat sa city at nag korea ang padre de pamilya at naiwanang asa at dalawang anak. Then nung time na nagbakasyon siya bumisita sa amin at proud na proud pa sya bago sya babalik dadaan muna sya sa cebu kasi me ibang ka relasyon. Ngayon wask na pamilya nya…. Hirapng buhay…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *