TRAFFIC ( Re-Post)

Sabi nga ni Sterndal In real life, traffic is definitely annoying. But in the world of blogging, everybody wants to have tremendous traffic … Sino ba naman gustong langawin ang ating pahina? Well, kung trip mo lang talagang magsulat at sarilinin ang lahat ng lumalabas sa utak mo, okey lang na walang bumisita sa pahina mo at walang magbasa sa mga article na ginagawa mo, close mo na lang blog mo!..
Ang tutuo, nung una kaya ako nag blog para lang may mapaglagyan ako ng lahat ng gusto kong isulat pero habang tumatagal, ang sarap pala ng pakiramdam na alam mong maraming nagbabasa sa article na gawa mo tapos makikita mo pang pinuputakte ka ng kumento sa kadahilanang marami ang nakakarelate sa bawat gawa mo…
At ngayon nga…lagi na lang akong naghihintay ng mga kumento na darating sa bawat artikulong ginagawa ko, ang saya kasing magbasa ng mga kumento ng iba…dito mo nalalaman kung maganda o pangit ung ginawa mo…minsan pa nga ng dahil sa palitan ng kumento nagiging parang chat room na ang comment box mo eh…pero diba masaya?, ni hindi mo pa nakita ng personal ung mga blogero na bumibisita sa pahina mo pero parang ang haba na ng pinagsamahan nyo at kung magpalitan kayo ng kuro kuro eh parang magkakilala talaga kayo…
Yun ang pinakamahalaga dun eh, ung magkaruon ka ng maraming kakilala, kaibigan o minsan best friends pa ng dahil lang sa pagsusulat…
 
So…sa mahigit apat na buwan isang taon kong andito sa mundo ng blogosperyo ay marami na rin akong napansin sa bawat pahinang nabibisita ko…siguro eto rin ung kelangan natin pag ukulan ng pansin para kahit papaano ay magkaruon ng halaga sa iba ung pinaggagawa natin…opinyon ko lang to, maaari nyong dagdagan o gawan ng reklamo para tanggalin ko…
Ilan sa mga dahilan para madagdagan ang mga kakilala nyo sa mundo ng blogosphere at magkaruon ng comment box na parang chat room…
Comment approval – halos karamihan sa atin hindi na in-enable ung feature na to…na sa bawat comment ng bumisita sa pahina mo eh kelangan pang aprobahan ng author ang comment bago ma-ipost…Okey lang naman eh, para makontrol natin ung mga kumentong papasok sa ating comment box…pero alam nyo ba na minsan ang ibang blogero binabase ung gagawin nyang kumento sa mga kumento ng naunang blogero? Hehehe , minsan gawain ko yan pag masyadong mahaba ang article na binabasa ko…basahin ko lang ung comment ng iba then may idea na ako kung ano pinag uusapan nila…
Kung walang mababasang comment ung mga mambabasa ng article mo, minsan tatamarin na rin mag comment yan, o kaya pag alam nyang sya ang unang makakapag comment, magbe-based pa yan…at least kahit wala ka at hindi mo maaprobahan ung mga kumento eh anjan ung mga bisita mo para magpalitan ng kuro kuro base sa kumento ng bawat isa…
Do unto others as you would have them do unto you – Siguro naman alam ng karamihan to, syempre kelangan mong bumisita sa pahina ng ibang blogero at makisali sa usapan nila kahit di mo sila kakilala, darating ang araw magiging kaibigan mo pa yang mga yan…at nang sa gayon, lahat ng blogerong binisita mo sigurado bibisitahin ka rin kahit walang kwenta ang artikulo mo, parang ung sa akin, nyahahaha lolzzz
NoseBleed – Alam nyo to? Hehehe, si Inday yan!!!Sobrang lalim ng english eh wala nang gusto makinig sa pinagsasabi nya…hindi lahat ng blogero marunong mag decipher (Scoon!!hanggang dito sikat ka!!!) …Okey lang nman puro english ang laman ng blog mo eh, pero sana nman ung madaling maintindihan, nagbabasa kami ng artilkulo ng mga blogero para makakuha ng inpormasyon o makapaglibang sa bawat mababasa namin, at hindi ung duguan…
CBox/ShoutBox – Kung inaakala nyong darami ang bisita nyo sa pahina nyo dahil nag iiwan kayo ng mensahe sa cbox/shoutbox ng iba…hindi po mangyayari un, kelangan nyo pa rin makisalamuha sa ibang blogero at makipagkulitan sa comment box ng isang blogero…
Ano pa ba? Yan na lang muna, kung may idadagdag kayo…dagdag nyo na lang…violent reactions? sa Police Station meron comment box, hulog nyo lang dun…Okies…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. E??su?J says

    ahahaa..
    meron pa talagang terminologies pre!

    ako eh kelangan munang sipagan magikot ikot para marealize ng mga tao na bumalik na ko :))

    ingats pre 🙂

  2. ~B~ says

    baka nga kailangan ko ding magikot-ikot pre hanggang mahilo at mawalan ng malay este para naman may iba akong makilala hindi si khate lng ng si khate. 😀 hahaha

  3. Dhianz says

    parang hanghaba.. nitatamad akoh magbasa… haha… at lashing na akoh sa antokz.. lolz… pa-haller lang… hi kuyyyaahhh!!!! un lang po.. haha.. Godbless! -di

  4. Lord CM says

    @jen…
    mare anong terminologies? lolzz

    ikot-ikot lang at ng marami maging kebigan 😀

    @~B~
    Kuya B! 😀 , wag ka naman papahilo sa kakaikot at baka mawalan si khate ng Kuya B lolzz

  5. Ishmael Fischer Ahab says

    Building a community. Yan ang isa sa mga ultimate goals ng blogging.

    Ito yung tipong makakabuo ka ng isang samahan through your blog. Isa rin ito sa mga kinatutuwaan ko sa blog ko. ^_^

    Guilty ako sa number one ah. I mean, kailangan pa ng approval yung mga comments sa blog ko. Umiiwas lang ako sa spammer eh. Pero one time subukan ko ring alisin ito. Pang-experiment lang baga.

    Tama ka sa ikalawa. Siyempre kailangan din nating bumusita sa ibang blog. Hindi ka makakabuo ng isang malakas na samahan with other bloggers kung ayaw mo man lang dumalaw sa site nila.

    Third item: Hmmm…inglesero ako sa blog ko. Nakaka-nosebleed ba ako? Mini-survey lang baga.

    Naku. Ang daming ganyan. Binabaha nga yung cbox ko ng spam comments eh. Hindi ko na lang pinapansin. Buti ba kung mga blogger friends ko ang mga nag-comment dun eh OK lang.

  6. Lord CM says

    @ishmael…
    parehas tayo pre, sa buhay naming mga ofw kelangan namin ng mga makakausap kahit saan, minsan kahit hindi kakilala ok lang basta ang mahalaga nagkakasalubong ang mga gusto nyo 🙂

    depende rin sa blog parekoy na magkaruon ng mga spammers, sa tagal kong naka disable ung approval ng comments eh isa pa lang naman ang naging problema ko, pero di ko prinoblema 😀

    at tungkol sa nosebleed, aaminin ko hindi lang ako makarelate sa entry mo pero hindi naman nosebleed entry mo…binabasa ko pero wala tlaga akong macomment 😀

    @empi…
    ano na naman?!!! wala akong ginagawa lolzz

  7. Poldo says

    Ayos sa article very interesting….
    Ako, para saakin lang bossing ok lang kahit walang nagbabasa ng mga post ko..

    ang pinakareason ko lang naman e parang labasan lang nang sariling Point of view sa mga nararanasan ko sa buhay.. BONUS na ang mga Overwhelming comment,..

    at tama ka dahil din sa blog e maraming nakikilalang mga friendly friends na kahit di mo pa nakikita e parang kilala na ang isat isa…

    nice post sir!

  8. Dhianz says

    @kuya CM and @marco paolo: PARANG HANGSWIT NYO LANG MAG-USAP SA BLOG… haha… la lang… pansin koh lang… un lang po… NITE!!! =)

  9. Lord CM says

    @Poldo…
    baliktad tayo pre, nitatamad akong magpost pag wala nang nagbabasa ng ginawa ko 😀 kasi naman kaya nga ako gumawa ng entry para ishare sa kanila tapos wala man lang makakabasa 😀

    friends? yan ang di ko makakalimutan sa pagbablog…dami kong nakilala, natulungan, naloko lolzz ng dahil sa blog 🙂

  10. Nortehanon says

    Ayus to, parang tip sa mga baguhang blogger 😉

    "Ang sarap pala ng pakiramdam na alam mong maraming nagbabasa sa article na gawa mo tapos makikita mo pang pinuputakte ka ng kumento sa kadahilanang marami ang nakakarelate sa bawat gawa mo">>>>Ito ang bonus para sa akin sa pagba-blog. Dahil ang intensyon ko ay makapagpahayag. Sobrang bonus sa akin kapag may naka-relate.

    Siyanga pala, gumawa ako ng post para sa PEBA 2010, hindi contest entry pero bilang pagsuporta sa simulain ninyo.

    Have a blessed day, Kapatid!

  11. Lord CM says

    @Ms. N…
    para kasing hindi ka nag iisa sa mga kwento mo kapag may nakakarelate dba, para ka na ring may kadamay sa lahat kapag ganun…kaya masaya na rin 🙂

    Salamat po sa pagsuporta sa PEBA 🙂

  12. I am Xprosaic says

    wala nang mas sasarap pa sa pagkakaroon ng mga kaibigan sa blog lalo pa kung di naman ito ang pinuntirya mo at basta na lang dumating… hehehehhehe…

  13. siyetehan says

    iba kasi ang feeling kapag maraming comments sa mga sinusulat mo.

    pero ang totoo, nakakawalang gana yung mga comments na:

    ?Base!
    ?hi poh
    ?jejeje
    ?napadaan lang.

    anyway, ayos lang naman, ganun talaga. siguro hindi lang ako makasunod sa paraan ng pagpaparamdam ng ilang bloggers.

  14. rainbow box says

    ako den dati nung nag-blog akong una gusto ko aken lang eh. hahaha. pribadong buhay sa net? takte, kalokahan pala yon, maganda pala yung may nakaka-relate at nakiki-comment sa mga non sense ko..

    kaya natutunan ko na ren maglagay ng comment sa bagong post. improving na kuya! frendly na! lol!

  15. Lord CM says

    @xprosaic…
    sinabi mo pa pre, di mo inaasahan tapos biglang mayron ka nang kaibigan 🙂

    @syetehan…
    ay ung mga ganyang magcomment, burahin mo agad, masabi lang na dumaan hindi naman nagbasa!

    @rose…
    yun yun eh!kahit nonsense merong nakakarelate lolzz

  16. ?superjaid? says

    tama tama!medyo hirap talagang magbasa ng mahahabang post kaya nakakatulong talga ang pagbabasa ng comments..tapos masakit din sa utak at ilong ang purong english na post..hihihi

  17. Anonymous says

    sana nilagay mo Kuya i disable ang mag anonymous para sa mga tamad mag log in gaya ko hahhaa,,,
    masaya magblog lalo na kung may nagrereact sa mga poste mo,,,
    natatawa ako sa mga comment box na ginagawang chatbox parang conference lng haha~~

    wahhhh ok lng mag english wag lng yung nakkaanemic dahil ubos na dugo mo sa english nya hahaa,,,

    hoorraay~~

    -unni-
    ang tamad mag log in~~:P

  18. Anonymous says

    bat nawala comment ko?
    ai adik di ko ata nasubmit arrgghhh….

    ayan nakalimutan ko tuloy yung previous comment ko haha,,
    ai tama buti nlng d naka enable yung bawal mag anonymous para sa mga tamad mag log in tulad ko lols~~:P

    oks lng mag english wag lng yung nakaka anemic dahil naubusan ng dugo bwahaha,,,

    horayyy

    -unni-
    ang tamad maglog-in 😛

  19. Ishmael Fischer Ahab says

    ^_^ Thanks for the feedback ah. Kailangan ko talaga yung mga feedback from other people. Syempre, para mas mapabuti pa ang aking pagba-blog.

  20. Lord CM says

    @unni…
    hayaan mo ilang araw pa at disable ko na anonymous dito lolzz

    @ishmael…
    lahat tayo kailangan yan, at dapat alam natin tanggapin gaya ng pagtanggap mo 🙂

  21. Rej says

    dahil sa blogging nagtagpo kami ng classmate ko nung grade 6. at parang close nga kayo eh kasi nasa iisang lungga lang kayo. parang ung pelikulang "Jologs." small world:D

    naalala ko tuloy nung first time akong nagblog puro Malaysian nationals ang nakakadaupang palad ko. ngayon kahit pano may mga noypi na. di na ko nagnonosebleed. 😀

  22. glentot says

    Tama yung sinabi mo about chatbox, hindi porke nag-iwan ka ng message dun like "read my latest post" eh babasahin talaga nila sya hehehe me kakilala nga akong nagpapanggap na "blogger" na mahilig mag-iwan ng mga links sa cbox ayun marami naasar sa kanya lalo na ako ayun nakikita ko sya ngayon nakikipagsagutan na sa comments natuto na sya. engot kasi sya ahaha…

  23. DRAKE says

    naniniwala akong its not the quantity but the quality ng mga bisita mo ang mas mahalaga!

    Masarap yung kung sino ang kaututang dila mo ay sila din ang walang sawang nagkukumento sa iyo, walang kwenta man o hindi!

    ingat bro

  24. Pong says

    naniniwala ako na ang pagsusulat ay hindi para sa iba, secondary na lang yun na may magbasa, kailimitan kasi ito ang nagiging outlet para maexpress ang saloobin ng isang tao. plus factor nalang para sa akin kung may magbasa at magkumento.

    pero madaldal ako sa mga comment box, eheheheh

    be blessed po sir!

  25. fiel-kun says

    Naku pareho pala tayo ng dahilan kung bakit ako nagba-blog parekoy! Unang dahilan is upang mai-express ko kung ano ang mga nasa isipan ko at nararamdaman ko and second, para magkaroon na rin ng madaming online friends 🙂

    Sa comment box naman, nasanay na ko sa automatic na saving… di ako sanay sa pag-aaprove ng bawat comments ng manu-mano.

  26. JETTRO says

    parekoy bumisita i-quote ko lang ito hehe

    quote
    ""alam nyo ba na minsan ang ibang blogero binabase ung gagawin nyang kumento sa mga kumento ng naunang blogero? Hehehe , minsan gawain ko yan pag masyadong mahaba ang article na binabasa ko…basahin ko lang ung comment ng iba then may idea na ako kung ano pinag uusapan nila…""

    parekoy lumabas din na tunay na kulay mo haha ganyan pala style mo ha parekoy noon ginagawa mo.. ngayon kaya hindi na ba? juk juk
    Ngayon ko lang narinig o nabasa ang ganito akala ko sa election lang may dayaan dito din pala sa blogging may dayaan narin pala haha magiging unfair sa mga nag co-comment sa iyo dahil sila hindi nila alam yung ganitong ginagawa mo noon nagbabasa sila ng entry mo saka sila mag co-comment iba ka naman pala parekoy sa comment ka nalang nila bumabatay. Tama yung kasabihan ang isda sa bibig nahuhuli haha juk lang parekoy.

    May mga blogero at blogera na mas gusto nilang mag sulat ng english nasa kanila iyon parekoy malaya silang gawin ano man ang gusto nila sa pag aari nila kung ayaw mong basahin huwag mong basahin ganon lang yon parekoy.

    Minsan may mga blogero din na hindi masyado pinapahalagahan kung may mag comment man sa blog nila o wala nasa tao lang yon kung gusto lang niyang magsulat pero kahit sinong blogera at blogero kung gugustuhin niyang maraming mag comment sa artikulo niya kaya niyang maghakot ng mag co-comment kahit walang sense yung artikulo mo kung gusto mong maghakot ng magko-comment kaya mong gawin yan parang hakot butante lang yan basta tunay lang na magbabasa tayo sa artikulo nila hindi yung babatay lang tayo sa comment nila. mahahalata naman ng mga blogero at blagera kung may sense ang isang artikulo ng isang bloger pero kung walang sense naman at maraming nag comment maaring bayad utang lang yon.

    napadaan lang parekoy.

  27. JETTRO says

    meron din akong natutunan sa loob ng halos dalawang taon ko sa pag ba-blogging ngayon lang ako nakabasa ng ganito sa comment nalang ako babatay ng iko-comment ko haha ano kayang purpose ng ganon parekoy ask ko lang tutal nagawa mo noon (ewan ko lang ngayon) maaring meron kang paliwanag diyan at maaring may purpose ka kaya ginagawa mo yung ganyan… hakot botante ba parekoy?

    payo ko lang parekoy "sana" hindi mo pinipintasan ang kapwa nating bloggera at bloggero ano man ang katayuan ng pag ba-blogging nila unang-una yung mga pinupuna mong nag e-english sa blog nila baka isa sa mga suporters ng PEBA at KABLOGS isa ka pa naman kilala sa mga iyan tapos kapwa mo blogger pinupuna mo pag ba-blogging nila baka pagkaisahan ka nila. payong kaibigan lang parekoy.

  28. Lord CM says

    @Jettro…
    salamat parekoy sa mga juk juk mo, naiintindihan kita sa nararamdaman mo…pero baka naghihintay ka ng sagot ko, sasagutin kita…

    Yung ni-quote mo binasa mo ba ng maige? sana napansin mo ung "minsan" na word…at kung bakit ko ginagawa yan? kasi parekoy ang haba haba ng article tapos di mo maintindihan, para bang walang patutunguhan ung sinasabi pero dhil gusto kong makipagkaibigan sa blogero ang ginagawa ko binabasa ko ung mga comment at makikisalamuha ako dun, makikipag kwentuhan..ok na ba ung dahilan ko pre?

    Sa english, di ko naman sinabing bawal magsulat sa english ah, ang sinasabi ko ung mga nakakanosebleed na pag eenglish, yun bang english ng english kahit nahihirapan na, sige pa rin…at di mo pala ako kailangan utusan, di ko talaga binabasa ung ganun.

    Hakot botante? saan ba ako tumatakbo parekoy? di naman ako kasali sa kahit anong eleksyon, di rin ako kasali sa kahit anong contest.

    Sa mga supporter ng PEBA at KaBlogs, siguro pre makitid lang ang utak ng gagawa na pagkaisahan ako dahil lamang sa artikulong to.

    Tanong ko lang pre, payong KAIBIGAN nga ba yan o payong MAY HINANAKIT?

    kung may nasabi man akong hindi maganda, sorry pre, pero tulad ng sabi mo juk juk lang yan

  29. Lord CM says

    @jettro…
    di ko alam kung madalas ka dito sa pahina ko, pero ang alam ko bihira ka mag comment dito, o ngayon lang ata, first time? at dahil jan, i-quote ko na rin ung galing sa pahina mo

    "ALAM MO BA… ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
    AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO"

    at tulad ng dati, juk juk lang yan!

    GodBless Parekoy 🙂

  30. JETTRO says

    Ok close topic bahala na ang nag babasa mag analisa ng mga paliwanag natin nag comment lang naman ako nothing personal parekoy kung may mali ako sa comment ko ipagpaumanhin mo nalang nakita mo naman bihira din akong pumasyal sa kahit saang blogsite kahit dito bihira din meron lang nagbangit sa akin tungkol sa sinabi mo nga na nosebleed sa english meron lang sigurong nasagasaan na blogger kaya sumilip ako. wala naman sa akin yung ki-nowt mo na quotation ko sana maintindihan mo din nakalagay diyan "LAGING" SUMISILIP NG KAMALIAN ikaw na nagsabi minsan lang ako nag comment "hindi lagi" parekoy at totoo naman sinabi mo dahil ako tahimik akong tao nagsusulat lang ako sa blog ko para ibuhos ko lang mga laman ng isipan ko hindi para mag parami ng trafic hindi yan ang purpose ko sa pagsusulat. siguro mas marami ka pa ngang nai-comment sa entry ko di ba? nag comment lang naman ako ng ayon sa mga sinulat mo tulad mo nag co-comment karin sa mga entry ng ayon sa mga sinusulat ko pero ni minsan hindi mo ako kinakitaan ng ano pa man tinatangap ko ng maluwag ano man ang sabihin mo sa comment mo sa blog ko sana ganon ka rin matuto karing tumangap ng mga nagatibong komento tulad sa mga negatibo mong pahayag tungkol sa mga blogger. wala akong sinabing iba sa mga pinahayag mo parekoy. salamat parekoy

  31. Lord CM says

    @jettro…
    kung may tinamaan ako sa part ng pag eenglish, pagpaumanhin mo parekoy pero parang inamin nya na ring maski sya hirap na intindihin ung pag eenglish nya..sana basahin mong muli ung entry ko tungkol jan para malinaw sayo.

    kahit kanino pa man galing ung dahilan kung bakit ka nagcomment sa page ko, wala na akong pake dun, pero sana brod inisip mo muna ung mga sinabi mo…ikaw n rin nagsabi na nagko-comment ako sa page mo, sana nalaman mo rin sa mga comment ko sayo na binabasa ko ng buo ang artikulo mo at hindi comment lang, dahil ung mga comment ko sayo, kung di ako nagkakamali eh panay seryosong usapin at mahahabang kumento na kung babasahin malalaman mong inintindi ko ng maige ang entry mo…kaya wag mong sasabihin sa akin na MANDARAYA ako gaya ng sa election.

    Yun na nga parekoy, di ka na nga palage sa blog ko eh ng dahil lang sa isang entry kung ano ano na naicomment mo sa akin? tanggap ko naman mga mali ko, mga negatibong kumento, yun eh kung tutuo, pero kung dahil lang sa may nagsabi sa inyo na mali ang entry ko at hindi nyo mapatunayan eh mahirap atang tanggapin yun.

    di rin ako namemersonal parekoy, pero kailangan kong sagutin comment mo, mas nakakabastos naman kung di kita papansinin…at sana maintindihan mong nagpapaliwanag lang ako.

    pagpaumanhin mo parekoy kung may nasabi akong di maganda, yun eh dahil gusto ko lang maliwanagan ka sa comment mo sa akin…

    hindi ako nagbablog para mamintas ng mga bloggers, ang article na to ay iniintindi ng iba as TIP para sa kanilang pagbablog, di ko na sakop kung paano mo intindihin ang entry ko…

    Sabi mo nga, close topic na…pero asahan mong magrereply ako sa mga comment dito sa blog ko…

    sorry parekoy

  32. JETTRO says

    parekoy wala akong hinanakit sa iyo at kahit kanginong blogger kahit sa iyo wala akong dapat ikagalit nakita mo naman ngayon lang ako nag comment dito sa iyo kahit anong isulat mo wala akong sinasabing ano pa man at ni isa parekoy sa halos dalawang taon kong pagblo-blogging ni minsan wala akong sinusulat na pagpuna sa kahit sinong blogger negatibo man ang kanilang komento sa mga sinusulat ko pero ni minsan wala akong ginawang entry na laban sa kapwa ko bloggero dahil alam ko rin kung paano makipag kaibigan. siguro alam mo rin yan parekoy sana huwag mong isipin na meron akong hinanakit sa iyo kita mo naman ngayon lang ako nagsulat dito sa hangout mo. salamat parekoy kalimutan na natin yan.

  33. Lord CM says

    Gaya ng sabi ko, hindi pamimintas sa ibang bloggers ang entry ko…Tip yan para sa ibang bloggers, sana pre, tulad ng ibang nagkumento dito, ganun din ang pagkakaintindi mo…

    Ok pre, kalimutan na yan…sensya na

  34. JETTRO says

    cge ok lang magreply ka sa kanila pero sa akin wala na yan.
    nauunawaan kita parekoy siyensya na nagulo ko pa isipan mo parekoy.

  35. YanaH says

    para siguro maiwasan yung mga ganitong batuhan ng mga hindi magagandang komento, siguro nararapat na INTINDIHIN muna MAIGE yung sinulat nung blogger bago bumira ng bumira ng comment.. unintentional man ang mga negative comments, still NAKAKASAGASA pa din…
    tulad ng madalas sabihin at madalas natin marinig.. kung wala kang masasabing matino, better keep your mouth shut kase kung babanat ka lang ng hindi mganda, lalo at HINDI mo naman pala naintindihan MAIGE yung binasa mo, magcreate lang yun ng hindi magandang rfesulta, instead na maganda at mapayapang pagkakaibigan ang makukuha mo dito sa blogworld.. away, kaaway at sama ng loob lang ang aabutin mo.

    hindi sa nakikisawsaw ako sa isyu.. its just that, tulad mo CM, kung minsan ugali ko din yan… at pagkaminsan din, ams pinipili kong manahimik kesa magkomento…kung meron mang artikulo akong binasa na hindi ko nagustuhan, tahimik na lang ako kesa punahin ko un ng negatibo sa sarili nyang pahina.. respeto na lang din sa nagsulat.. after all.. pahina nya yun.. you can always write about it.. or rant about nthe negativities u saw in an article youve read in your OWN page.. hindi sa mismong pahina mismo ng nagsulat ng artikulong hindi mo nagustuhan… respeto lang.. yun lang naman yun…

    i commented on this issue kase.. nangyari na rin sa akin ito before..

    we should always keep in mind na kahit gaano kainformal or kaloko tayo amgblog, it doesnt give the OTHER people the license na gawin un saten sa sarili nating pahina..

    yun lng..

    i hoper everyone learned a lesson from this incident..

  36. Lord CM says

    @jettro…
    salamat parekoy sa pag unawa…

    @yanah…
    ang haba ng comment mo! di ko na babasahin lolzz

    open naman sa kahit ano tong blog ko, pero tulad ng iba, asahan din nilang sasagot ako sa paraan kung paano sila nagkumento sa pahina ko…

    pero tama, sana nga respeto na lang kung di rin lang masyado naintindihan ung entry…

  37. Bhing says

    dati, walang araw na hndi ako dumadalaw sa page ng mga paboritong kong page ng blogger, nag iiwan ng comments hndi para bumisita cla sa pahina ko or iparating na bumisita ako sa knla. gsto ko lng ipahayag ang opinion ko sa artikulo kung nakarelate ba or hndi. ngunit ngyon ang blog ko nakasara sa mga comments dahil madaming nag iikot ng masasamang elemento at muntik ng masabotahe ang page ko. nagbabasa ako, nag-iikot pa rn pero iniiwasan ko ng mag iwan ng comments kc ung page na iiwanan ko, mag comment dn cia dun. so ano gagawin ko?? manahimik at sarilinin ang pahina ko. :))

    kanya kanyang trip, as long as walang inaapakan sa mga sinusulat, go lng ng go :))keep it up CM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *