SASALI KA BA O SASALI KA?!!!

Hehehe 😀 Di ako galit, natutuwa lang ako at malapit na naman ang awarding ng PEBA…Mabibigyang parangal na naman ang mga astig na blogero’t blogera na gaya ko lolz joke lang…

Sandali at maglaway muna kayo sa mga ipapakita ko!!!

Gusto mo bang umakyat sa Stage ng PEBA…

…at tumanggap ng trophy
kasama ang naggagandahang
volunteers ng PEBA…

…gusto mo lahat ng ito, sayo na!

…tapos mag speech ka sa harap
ng napakaraming audience…


…habang hawak at buong pinagmamalake
mo ang trophy na nakapangalan para sayo…

…o kaya nama’y celphone na
brand new…

…eto pa oh!
meron sanang refrigerator kaso
baka di mo maiuwi sobrang bigat…

…baka naman eto ang trip mo,
ang manuod ng mga talentadong Pinoy…


…okey, meet nyo na lang ang
mga gwapo’t magandang organizer
ng PEBA…

GMA?!!!
…o sige, magpa-interview ka na rin…


…pagkatapos, pa-picture ka na kagaya nito…

…at ito ang pinakamalupit!!!
makikilala mo na ang ibang bloggers,
makikita mo na sila ng personal,
isang malakeng EYEBALL!!!

…eh ano pa hinihintay mo?,
SALI na ba!!!

Wag kang mag-alala, basta blogger ka,
at mahigit anim na buwan ka na
sa mundo ng blogsphere,
WELCOME ka sa PEBA!!!

Oo, kasama ka!
Hindi lang ito pang OFW/Expat,
pang lahatan to!!!

Eto, basahin mo ang
Guidelines
tapos fill up mo ung
Nomination Form

Tapos gawa ka na ng entry
base sa tema ng PEBA 2010 na

“Strengthening the OFW Families:
Stronger Homes for a Stronger Nation.”

Oh!, wag mo kalimutang pumunta
sa Awarding Night…
somewhere in Manila,
sa December 16, 2010

Kita-kits tayo dun!!!

Photos from PEBA Inc.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Unni-gl4ze^_^ says

    sasali ako hihi~~wahhh kailangan ng matinding oxygen para makagawa ng poste hehehe,,salamat po ulit sa invitation~~

  2. Mr. Thoughtskoto says

    Wow, napaluha ako sa, sa tawa sa palitan niyo ni Marco ng comments.

    December 16 po, tentatively sa may Teatrino Promenade sa may Greenhills Shopping Center. Mamumudmud na naman, hopefully ang PEBA ng maraming awards at freebies.

  3. Ishmael Fischer Ahab says

    Tempting, very tempting!

    Sige na nga. Mag-iisip na ako ng aking "obra" para sa PEBA. Baka maka-tsamba ako ng mabigat na ref. ^_^

  4. an_indecent_mind says

    nakahanda na ang pinakamalupit kong obra na magpapataob sa sinulat ng lahat ng kalahok… pero nagdalawang isip ako kung ibabandera ko ang aking kagandahang lalaki at ipaparamdam ang malamyos kong tinig.. camera shy kasi ako e…

    to be or not to be? lol

  5. Lord CM says

    Hehehe 😀 Hihintayin ko mga entry nyo, kapag wala, magkalimutan na tayo! lolzz

    Bilis isip na ng magandang entry 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *