Lalake ma’y, tumutulo rin…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Homesick
Tatlong empleyado, bagong dating galing Pinas habang kumakain;

empleyado1 : P@$#@!%!Di n lang sana tayo tumuloy dito!edi sana nasa Pinas pa tayo!

empleyado2 : *tumulo ang luha* tama na pre, masakit na sa dibdib eh.

empleyado2 : *inom ng tubig*

naikuwento lang naman nila yan sa inuman na nagiging dahilan ng masasayang kwentuhan, tawanan, biruan na parang sinasabing pagkatapos ng tawanan na ito, balik na naman tayo sa pagiging homesick…

~~~~~~~~~~~~~~~~


Salimpusa

Kainuman : Bakit ganun pre?, minsan pakiramdam ko mag isa ako, hindi mahalaga, hindi importante, hindi priority, pang huli sa pila, hindi man lang maging first sa trabaho, sa bahay, sa kaibigan o kung sino mang nilalang?

Ako : Ganun talaga pre, minsan pakiramdam mo lang yan, minsan tutuo yang nararamdaman mo!

Kainuman : *tumulo ang luha, inubos ang beer*

“Hala ka! Pinaiyak mo!” Hehehe, biro lang ung sagot ko para sana pangitiin man lang sya, napasama pa ata!, eh anong magagawa ko? wala talaga akong maisip na isasagot sa tanong nya. Ito ngang blog ko bihira ko nang maalala dahil wala talaga akong maisip na isulat, magpapayo pa ako sa kanya!…

~~~~~~~~~~~~~~~~


Pagmumuni-muni

gusto kong huminto kahit saglit para di na mag isip at piliting namnamin ang sarap ng pagiging inosente sa anumang bagay na gumugulo sa pag inog ng mundo at nagpapakumplikado sa pag ikot ng kamay ng relo upang ng sa gayon makasabay sa paglipad ng laruang eroplano na kontrolado ng batang walang kamuwang-muwang O kaya’y tumakbo sa ilalim ng buwan kasalubong ang sasakyang nakakasilaw ang ilaw upang makaiwas sa nagbabantang pag ulan na sa bumbunan ko’y tutusok ng walang humpay at aagos sa mura kong katawan upang subukang basain ang natutuyo kong kalamnan at balaking buhayin ang naghihingalo nang isipan.

ikaw : *tulo laway, sabay punas* 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. I am Xprosaic says

    Ikaw na! at talagang sa huli masinsinang pagbabasa ang ginawa ko muntik ko nang di marurok… tumulo sipon ko…lol

  2. chikletz says

    langya lalim ng pagmumuni-muni mo. hindi ko masisid. hehe. pero bakit nga kaya ganun minsan noh kuya.. pakiramdam natin kahit anung sikap gawin natin hindi pa rin tayo napaprioritize ng mga taong importante satin. tsk. ewan ko ba…

  3. Lord CM says

    @marco…
    oo naman parekoy 🙂

    @xprosaic…
    sabi na eh, tutulo rin yan 😀

    @chikletz…
    nangyayari talaga yan chikz, isipin na lang natin na may mga kakilala rin tayong naghahanap ng pagpapahalaga natin na di natin naibibigay, quits lang 😀

  4. bulakbolero.sg says

    teka teka. naubos ang hininga ko sa pagbasa sa last na pangungusap. walang tuldok. hehe.

    tama ka pre. lalaki ma't tumutulo din. :'(

  5. an_indecent_mind says

    muntik na akong maghingalo sa pagbabasa ng walang sukat mong huling saknong… wheeww!

    sang ayon ako kay KOSA, DI KA NAG-IISA!

  6. Jag says

    Nakakahingal yung pagmumuni muni mo wala man lang break break hahaha…it's so malalim hindi kinaya ng mababaw kong utak hahaha…

    Musta na jan? Ayos lang ba ang buhay buhay?

    Ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *