Kwentuhang OFW…

Ang susunod na kwentuhan ay hango sa BCO Forum, kung saan karamihang forumer ay taga-Baguio, ang ilan ay nanatiling nakatira sa Baguio at ang karamihan ay nasa magkakaibang bansa. 

Iba’t-ibang tao, iba’t ibang kinalakihang pamilya, magkakaibang karanasan, magkakaibang pananaw…ngunit iisa ang ninanais, ang magkasama-sama ang kanilang pamilya

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tina : Eto matanong nga ang opinion mo, may katrabaho ako nagka anak sila ng asawa nya at pinadala agad yong anak nya sa pilipinas dahil ang dahilan eh, mag re-review daw sya sa kanyang board. Pinadala yong anak nya sa nanay nya. Hanggang ngayon makalipas na ng limang taon at naka isa pang anak eh, di pa rin sya nag ta take ng kanyang board. Makatwiran ba yong ginawa nya? Sa akin, hindi ko pa magagawa yon. Nandito na rin yong kanyang anak at ang kanyang nanay.

LordCM : wala namang dapat question-in sa ginawa ng katrabaho mo kung tutuusin, lalo’t maayos ang pagpapalake ng nanay nya sa anak ng katrabaho mo, kung nasustentuhan ba lahat ng pangangailangan ng kanyang anak habang nasa nanay nya to…wala rin naman kaso kung nag take ba sya ng board o hindi as long as naibibigay nya ang pangangailangan ng anak nya…

Ang mahirap kung pinadala nya yung anak nya sa Pinas para lang magbuhay dalaga(gimik, disco, inom,etc) uli sya at ipaako sa nanay nya lahat ng gastusin ng anak nya.

Kakaiba mga tanong mo ngayon, Tina

Tina : abagay, yon nga lang ang sa akin ay hindi ko magagawa yon.

Kakaiba? Marami lang kasi akong naisip. Umulan kasi eh. Tapos sa labas malagkit ang pakiramdam.

LordCM : May mga parents talaga na hindi kayang mahiwalay sa kanilang mga anak, lalo’t baby pa lang ang anak mo. pero sa hirap ng buhay minsan kelangan mong sumugal para magkaruon ng kinabukasan ang mga anak mo..

Tina : bakit palagi dito humahantong ang usapan natin? hehehehe
oo nga naiwan kami sa pilipinas para meron kaming magandang kinabukasan, pero is it worth it? I don’t know Charlie.

LordCM : Sa tingin mo?

Actually ang pagtatrabaho sa ibang bansa na malayo sa mga anak mo ay hindi dapat panghabambuhay, sabi nga nila gawin mo lang stepping stone ito para pagkalipas ng lima o sampung taon ay magkasama sama uli kayo na hindi nagkakaproblema sa kung saan kukuha ng perang ipangkakain ng pamilya mo…

Tina : ewan ko pa rin charlie, sa akin lang mas gugustohin ko na nandyan mga magulang ko para sa supporta, sa mga school happenings na completo kayo. kahit na mahirap lang kami.

malditang bruha : tama yan charlie, kaya nga ako habang maaga gusto ko mag abroad, un nga lang di pa malinaw kung saan at anong klase ng trabaho…ayoko kasing tumanda na lagi na lang naghihirap, alam mo yun, parang sa parents ko..syempre gusto ko naman maiba ako sa kanila…Sa ating mga pinoy ngayon, di na mahalaga kung may maiiwan ba dito kasi mahirap talga ang life dito..grabe, lalo na ng mga gantong panahon ng tag-ulan..

LordCM : tutuo naman na kahit sino mas gusto ang kasama nila ang kanilang mga magulang pero kung wala ka nang maipakain sa kanila at may opportunity na maiahon mo sila sa hirap ngunit kailangan nyong maghiwalay ng ilang taon, eh ano pang gagawin mo? sunggaban ang opportunity diba? kaysa naman isumpa ka ng mga anak mo dahil ginutom mo sila sa prinsipyong di ka naman mapakain…

Tina : but does the consequences justifies the means? loss years, family indifferences, heartaches? ewan ko pa rin..

LordCM : Yan ang “sakripisyo” na tinatawag ng mga OFW, Ano ba naman yung limang taon na magkahiwalay upang pagdating ng araw ay habambuhay na magkasama kayo at may kinakain, kaysa magkasama kayong namamatay sa gutom.

Tina : Five years is fine charlie but pero minsan merong mas matagal pa dyan…

LordCM : meron talaga, dahil nga sa hirap ng buhay…o kaya naman hindi nagamit ng maayos ang perang kinikita kaya kahit ilang taon sa ibang bansa ay walang nangyayari.

linlazo : sorry to butt in. but i go for tina. i grew up without my mom she was an ofw like you guys. when i was young, whenever my tooth ache, whenever i have a fever, whenever i am sick, i look for my mom. i dont need that fancy barbie toys, i dont need the fancy talking dolls na pasalubong nia sa akin before. i am delighted but only for a short time. now i grew up, i hate her for leaving us when we needed them most. she should be there during the sensitive years that affects our whole personality. she should be there when we need encouragement, should be there when we need to take our medicine, she should be there when when we have parents meeting at school. she should be there to appreciate our sunday bible school drawings, she should be there during our birthdays. etc.

me, as my two daughters mom, with the blessings from God, i will forever strive for us to survive, for as long as im with my kids – money can never buy the times you were with them.

i dont know about lcm, lalaki cia eh. iba ata ang pananaw ng lalaki, just like my hub. he, too, want to go, i support him, but i do not encourage him.

LordCM : Wala na akong masasabi Lin, tutuo lahat ng sinabi mo.

Ang sa akin naman, naisip ko lang, tutal anjan naman mama nila para gabayan sila sa lahat ng oras dahil sa tutuo lang simula nung umalis ako, nakatutok ang misis ko 24/7 sa mga anak ko, ok lang na humiwalay ako para sa kinabukasan nila.

linlazo : sabi ko nga na iba pa rin ang pananaw ng isang ama at ng isang lalaki. wala rin akong masabi sa u pareng charlie, i know u want the best for ur kids. pero ang drama mo ngay. naiiyak ako sau.

LordCM : Ikaw kaya nag umpisa, di ko lang masabing nangilid ang luha ko sa sinabi mo eh kasi kahit iba ang pananaw ko, alam ko sa sarili kong kelangan ko rin ung TIME na sinasabi mo kasama ang mga anak ko

ogyaBgrown : huhuhu… napahagulgol ako sa inyo..kase..kase…kase…i can relate waaaahuhuhuhu
ngayon kahit umalis ako o dumating, hindi masyadong close sa akin mga anak ko…ahuhuhu
pero *hikbi* tulad ng sabi ni.. *hikbi* hikbi* preng charlie…kailangang gawin para sa kanila huwaaaaa….

ogyaBgrown : pero totoo pare, my kids…i come and go and no effect na sa kanila, sabi pa ng isa minsan nung sabihin kong bukas babalik na naman ako sa japan… sagot niya “dad, i am so used to you leaving us, i don’t feel sad anymore” …hanggang ngayon nag e echo pa sa utak ko yun. waaahuhuhuhu

ogyaBgrown : i truly feel i don’t belong where i am now, i feel useless at work, i feel useless anywhere. and when i am home i watch my family go about their daily routine not needing me, even at home i feel useless. i’m gonna go write a poem.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

May mga taong nagbabago ang pananaw sa kwentuhang tulad ng nasa itaas, ako?, dahil sa pakikipagkwentuhan sa mga taong ni hindi ko pa nakita o nakilala ng personal, unti-unting nabubuo ang isang desisyong matagal ko na dapat ginawa… 

Pwede ba akong sumali sa PEBA? Eto na ang entry ko lolzz

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mr. Thoughtskoto says

    anong nominee number na ito, walang advise sa akin eh.. galing touch ako… salamat sa Dungeon, may Tambayan Forum dito…
    pakirepost sa PEBA? with your family's picture?

    haha, sige nga, entry mo sa PEBA di ba?

  2. Ishmael Fischer Ahab says

    Grabe ah. Malalimang usapan. Though kahit hindi ako masyadong maka-relate (dahil hindi naman nag-abroad kahit sino sa parents ko) eh ramdam ko talaga yung gusto iparating ng ng mga forumers.

    Dilemma talaga topic n'yo. To be with the family or to go abroad?

  3. animus says

    tama ka LordCM, iisa lang ang hangad nating mga OFW at iyon ay ang makasama ang ating pamilya.

    dati madalas kong tanungin ang sarili ko, tama ba ang naging desisyon ko na mag-abroad? nagi-guilty ako. may edad na ang nanay ko at feeling ko dapat ako ang kasama niya sa bahay para alagaan siya. Pero dahil nagkakaintindihan naman kami na para sa aming pamilya ang aking ginagawa, somehow unti-unting nawala ang guilt feeling na ito. (napa-drama na din tuloy ako. hehe)

    agree din ako na dapat kasama sa plano at merong target date ang pagsasama-sama ng buong pamilya for good—sa Pilipinas man ito o kahit sa ibang bansa pa. 🙂

  4. Gremliness says

    Ay, emote naman ako.

    Hindi ko alam kung ako naging manhid na rin, pero siguro it's just that I get in touch. Almost every weekday I give my parents a 3-minutes call (iba pa yung hourlong call sa weekends), kasi if I dont mag-aalala sila. On my first months here, parang automatic every 2am I wake up and sometimes cry kasi I'm too far FOR my family, kaya I end up praying that everything will be well for them.

    Pasalamat na lang ako na andun mga kapatid who make sure our parents are ok too.

    Merry Christmas Lord CM =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *