Palau…Palau…Part 2

Kung gusto mo pumunta ng Palau, check mo muna tong Part 1, at itong mga sumusunod na bayarin na nakapagpapasakit ng ulo ng karamihang OFW dito. 

Pagpalagay na nating susuweldo ka ng $600 sa isang buwan bilang isang regular na empleyado…

  • ROB Tax o ang tinatawag ng mga kababayan nating ROBBERY Tax – 6%, o 10% para sa mas mataas pang sahod
  • ROB SS o SSS kung tawagin sa Pinas – 6%
  • Health Insurance Tax o PhilHealth sa Pinas – 2.5% (effective October 1, 2010)
  • Yearly Registration para sa mga alien (exempted dapat aq dito at hindi ako alien) – $25 (Effective August 1, 2010) – CANCELLED
  • Travel Tax kung ika’y palabas ng Palau – $20 + $15(updated 09/29/2011)
Sa isang taon susuweldo ka ng $7200, bawasan ng ROB Tax na $432 ganun din ang ROB SS. Ibawas mo pa ang Health Insurance na $180, tapos $25 para sa Yearly Registration. Dahil sa sakit ng ulo sa bayarin, uuwi ka na after 1 year, bayad ka sa Airport ng $20 para sa Travel Tax. 

Ito ang matitira sayo, $6111 para sa isang taong pagtatrabaho sa Palau.

Isama mo pa ang buwanan mong bayarin dahil naengganyo ka sa “Fly now, Pay Later” na pakulo ng ahensya sa Pilipinas.

Oh! Di ko pa pala naisama ang mga personal na gastusin gaya ng pagkain, ilaw, tubig, at kung minamalas ka pa sagot mo pa bahay mo, yung airtime na pang tawag o pang text sa Pinas, isama mo na rin. Ung pang internet mo, para naman makita mo sa webcam ung mga mahal mo dba. O ayan, Ikaw na bahalang mag compute!

Wag mo palang kalimutang magpadala sa mga naiwan mo sa Pinas! at iba pang gastusin na nakalimutan kong banggitin.

Kaya sa mga nagbabalak pumunta dito, mag isip kayong mabuti. Isaalang alang ang buwanang sweldo na daratnan dito dahil hindi porke’t dolyar ay malake na…Pero kung susuweldo ka ng alam mong sapat o sobra para mabuhay ka at ang mga naiwan mo sa Pinas, siguro’y di mo na kailangang mag isip…Lipad na!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. animus says

    hi LordCM! nice post. 🙂
    i'm sure makakatulong ang mga impormasyong iyong binanggit sa mga nagbabalak pumunta dyan sa Palau.
    maswerte kaming mga nagta-trabaho dito sa Dubai, wala kaming tax na binabayaran. (though merong usap-usapan dati na magkakaroon na din daw in the coming years. sana wag matuloy)

  2. Kosa says

    hahaha. talagang inisa-isa.

    taena. talagang para-paraan na 'to ng kanya kanyang bansa.

    basta usapang Tax, masakit sa bulsa.

    Teka tsong, may utang pa pala akong email sayo… nagreresearch pa kase ako ng konti at nagtatanung tanung na rin! nakakahiya naman kung mali-mali yung masabi ko sayo.

  3. Lord CM says

    @tin…
    yun nga pagkakaalam ko jan sa Dubai, pero kung sakali mang magkaruon ng tax jan siguro naman mababa lang, di gaya d2 o sa ibang bansa

    @kosa…
    wala eh, kaysa magsiksikan sa utak ko yang bayarin edi ipamahagi ko n lang sa inyo! lolzz

    Sige pre, naghihintay pa rin ako ng reply mo 🙂

  4. DRAKE says

    I'm sure parekoy hindi $600 ang sweldo mo!hahahhaa!

    Pero kung magkaganun man, pwede na rin yun kesa naman sa Pinas na halos wala rin natitira dahil sa tax.hehhee

    Ingat

  5. Lord CM says

    @drake…
    $650 ako parekoy! lolzz

    Sinabi mo pa, tapos ang taas pa ng bilihin sa pinas, ubos ang sweldo! 😀

    • Anne says

      hellow po pan koh pumunta s palau nahired po kc akoh as office clerk s jezrae grabee nman pla ung tax jan s palau baka wala nah matira s sahod koh

      • LordCM says

        May Contact Us po sa menu sa bandang taas nitong page. Click nyo po yun para maemail ako at matanong nyo na rin ung iba pang dapat itanong, at nang masagot ko po ng maayos sa abot ng aking makakaya 😀

        Di po ba sagot ng Jezrae ang pamasahe nyo papunta dito? Sa pagkakaalam ko po kasi sagot ng mga company ang pamasahe ng employee. Tourist ka ba lalabas ng pinas o dumaan ka sa POEA?

        Continental Airlines ang sinasakyan from Manila to Palau, Tuesday and Friday ang flight. 2 Hours mahigit ang byahe.

        Kung may tanong pa po kayo, Click nyo lang ung Contact Us sa taas ng page..

  6. Ishmael Fischer Ahab says

    Tsk tsk tsk…grabe ang mga kaltas ah. Bago ka pala makapagpadala sa pamilya mo dito sa Pinas eh bawas na gad 'yung kinita mo.

    Kaya sa mga nagbabalak d'yan pumunta ng Palau, magtanong muna kay LordCM.

  7. Noel says

    Buti pala ay nakapagtitiis ka pa diyan sa liit ng sahod mo. Dito sa Jeddah, Saudi Arabia ay magtitiis ka nga lang na madalas ay delayed and salary mo pero sa lifestyle dito ay di ka naman gaanong mahihirapan dahil talagang mababa lang ang cost of living dito.

    Kaya if ever na you have an offer sa Jeddah, try to consider it. Kasi I am sure if you na kung tumagal ka diyan sa Palau ay mas tatagal ka di sa Jeddah.

    Matagal na rin akong di nakakapamasyal sa ibang mga blogs and it is good to see this informative posts of yours.

    Kumusta pala ang journey mo sa web designing?

  8. Deth says

    hmmmm,dapat may ganyang post ang mga OFW blogger para alam ng mga nasa pinas na hindi tayo sagana sa pera tulad ng iniisip nila…

    marami din taung gastusin at mga bayarin;P

  9. chikletz says

    ang sakit naman sa dibdib nyan kung iisipin talaga..pati na din sa bulsa. ayoko ng isipin. LOL!

  10. bizjoker-of-the-philippines says

    Liit pala dyan sa Palau, dito na lang kayo sa Afghanistan.. walang TAX…

    Ikaw pa magra-Rob sa company..hehehehe!

  11. says

    nicely said.. tama nga naman..

    isa sa dapat iconsider ang sweldo, di porke sa ibang bansa (kahit di sa Palau) eh malaki na sweldo. Kailangan iconsider ang living expenses kasama pa ang mga taxes at etc. Ngayon kung icocompare mo yun at equivalent din naman sa sweswelduhin mo rito “halos”, eh bakit kailangan pang umalis di ba?

    eto ay base lang sa usapan namin ng friend ko na nagpunta sa Malaysia… di ko sariling experience pero may point naman di ba? 🙂

    nice write up LordCM

  12. Balsem says

    Sir ok pa.ba mag work dyn sa palau ganu katgl visa dyn mag work sna akp sa royal palau resort ok po ba doon mrmi raw kasi tax dyn slmat sir

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *