Dugtungan Series 002

Oh eto naman ang dugtungan mo!!!

LordCM wrote:

Aba’y ano pang ginagawa,
ng tulad mong makata?
Ika’y maghanda
at sa akin ay sumama

Hehehe 😀 pasyal ka dito KaBlogs-PEBA Forum

animus wrote:

Di pa rin makapaniwala
Pag tinatawag na makata
Nakakaramdam ng konting hiya
Lalu pa kung galing ito sa bihasa

nakapasyal na ako..grabeh! ang galing galing ninyo as in! binasa ko lahat ng tula/post doon (5 pages)..wala akong masabi…super napahanga ako sa mga tula nina baguioboy, az3l at LordCM..hehe…keep up the good work! ang galing!!!!!!!!!!!

LordCM wrote:

hahaha, karamihan dun impromptu, as in magrereply ka ng patula, ang hirap! 😀

animus wrote:

grabeh nga! as in ang galing ninyo! mga talentadong tao talaga. 🙂

lampas sampung minuto na ang dumaan
ngunit ‘di pa rin magawan ng paraan
wag naman sana akong ugatan
impromptung reply nais lamang iwan 🙂

LordCM wrote:

Hahaha

Sampung minuto man o ilang araw ang lumipas
Ilang bagyo o lindol man ang dinanas
Ang mahalaga’y isinama mo ang puso
sa paggawa ng tula na impromptu

animus wrote:

hahaha…ang galing! 🙂

Ako’y lubos na sumasang-ayon
Sa iyong sinabi puso’y napatalon
Gagawin itong inspirasyon
Kahit lumipas pa ang mahabang panahon 🙂

Galing naman po yan sa blog ni animus…napagtripan lang magsagutan ng patula hehehe

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. DRAKE says

    Ang bawat tiktik at letra
    Ng iyong mga lahok at akda
    Bawat saknong at prosa
    tila musika sa aking tenga

    Naks tutula tula din!

    ingat Lord

  2. animus says

    Ang tagal kong pinag-isipan
    Kung paano ko ito madudugtungan
    LordCM, ikaw ba ay sadista?
    Alam mo namang ako'y di makata! 🙂

    OMG! yan ang unang namutawi sa labi
    Bigla akong nahiya na di mawari
    Blog ko na galing lang sa tabi-tabi
    Dito'y nagawa mong may sinasabi

    Ako'y lubos na nagpapasalamat
    LordCM, ikaw ay isa ng Alamat
    Blog mo'y hinding-hindi lilimutin
    Pagkat napakalakas mo sa akin! 🙂

    LordCM, todo na talaga ito…nosebleed na ako..waaahhh!!!! 🙂

  3. Ishmael Fischer Ahab says

    Ah! Ilong ko….epistaxis!

    Ang gagaling ninyo ah. Hirap makipagsabayan sa inyo.

    O aking katoto,
    Hindi ko kaya ang gawa n'yo dito
    Kaya tanging pagbabasa
    Ang aking magagawa.

  4. modernonglapis says

    napawow ako sa inyong galing
    mga henyo ng tunay na sining
    basahin ito'y kala'y napakadali
    ngunit paggawa'y di mawari-wari

    🙂 hehe.. ang hirap! whew!

  5. Lord CM says

    ako ang bida dapat dito,
    kaso wala akong maisip ngayon,
    hindi nagra-rhyme ang bawat iniisip ko,
    walang tono ang salitang lumalabas sa bibig ko,
    bahala na kayo!

    lolzz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *