Dugtungan Series 001

LordCM wrote:

Yan ang hindi ko kaya pareng baguioboy, impromptu!

Az3l wrote:

yakang-yaka mo yan
LordCM ng Palau
Minsan mong gawin
mamahalin mo rin.
Tulad ng pagsulat
ng malayang berso
ang tula ay gayundin
lagyan lang ng tono

baguioboy wrote:

Alam mo ba kumpare ko
Ang buhay ay isang impromptu
Nung isilang ka sa mundong ito
Nung unang pag ibig mo na nabigo
Nung makilala mo ang soulmate mo
Noong isilang ang panganay mo
Pati pag alis mo ng inang bayan
Alin sa mga ito iyong pinaghandaan
Lahat ito ay impromptu

LordCM wrote:

Sabagay pare ko
tama ang lahat ng nasabi mo
ngunit sadya yatang ganito
ang pagiging makata ng kumpare mo
ay minsan lang natatamo

Hayaan mo’t pag sinumpong ako
buong puso ko’y iaalay sa thread na to

baguioboy wrote:

gusto ko pag nag alay ka
lubos lubusan talaga
ayaw ko ng puso lamang
gusto kasama atay pati balunbalunan
bopis! hahahaha

LordCM wrote:

Mahirap atang tuparin
request mong katayin
katawan kong patpatin
at atay ko’y alisin

Az3l wrote:

ano ito’t tila yata
gumagaling ang balana
lahat ay tugma-tugma
mahuhusay na makata!

Galing po yan sa KaBlogs-PEBA Forum, usapan ng mga forumer na nagpipilit maging makata, hehehe ung mga kasama ko makata, ako lang ang nagpipilit…

DUGTUNGAN MO NGA!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. iya_khin says

    aba'y ako? napahanga
    bahagyang bibig ko? napanganga
    sa nabasa? di makapaniwala
    lahat ng salita ay tugma-tugma.

  2. Jag says

    nakakagiliw basahin
    ang ganitong usapin
    pero hindi ko yata kaya
    ang maging isang makata

    (tissue please dumugo ilong ko)

    dB-D

  3. Lord CM says

    Jag, Di mo kelangan maging makata
    para makagawa ng tula
    Sabi nga ng isang makata
    isapuso mo lang ang pagtula
    tiyak lalabas ang pinakamagandang tula

    😀

  4. iya_khin says

    kay lordcm ako? sumasang-ayon
    huwag matakot JAG at ituloy ang hamon;
    yamang din ito? nasimulan
    wala kang magagawa kundi ito? patulan!

    c",)

  5. ?superjaid? says

    sumasakit ang ilong ko
    sa mga tulaan ganito
    di man ako sanay
    pero pipilitin ko pa rin 'day
    para ako namay makasabay

    hehehehe

  6. KESO says

    At heto na si keso
    Ibig din ay pumatol
    Sa mga salita ninyong walang kagatol-gatol
    Ngunit ang dila ko?y tila mapuputol
    Di mawari ang ipupukol
    Kaya heto na?t nagmamaktol

    hehe. (nagdugo din ilong ko)

  7. animus says

    Ako ay labis na natuwa
    Pagkabasa ng iyong gawa
    Kahit di man ako makata
    Dito'y gusto laging makisaya 🙂

    Minsan nang nabasa
    Mga tula ng tatlong makata
    Aba'y pagkakataon ko na
    Maiparating ang aking paghanga!

  8. Unni-gl4ze^_^ says

    Kahit ako'y di makata
    Susubukan kong gumawa
    Ng tulang kahit di kaaya aya
    basta inyo lang mabasa
    Ang mensaheng hanggad kong iparating

    nosebleed lols~~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *