Tres! Tres na!!!

Kung magkasama-sama at magkakwentuhan man ang magkakabarkada na tulad kong OFW, ito ay sa gabi ng sabado. Walang pasok kinabukasan at kahit magpuyat ay walang problema…

Gabi ng sabado nang magkaumpukan sa parking area ng barracks ang mga barkada ko, kwentuhan, tawanan, asaran, kantahan…para bang di nauubusan ng istorya, hanggang sa…

“Tres! Tres na!!!”

“Para saan?”

“Mas masarap magkwentuhan kapag may red horse, tig-tatlo lang, pampatulog!”

“Ok”

Isa-isang nawala ang mga tao sa harapan ko at maya-maya lang eto na sila at isa-isa ring nagbibigay ng tres o three dollars, .95 cents kasi ang isang lata ng red horse kaya sakto lang yung tres mo sa tatlong lata. Abot na yan hanggang hatinggabi.

Habang nangongolekta ang isang barkada, napadaan ang isang kababayan.

“Brod,  tres-tres, inom tayo”

“Sige pre, may kunin lang ako..hintay nyo ako”

Kumpleto na ang koleksyon, hinihintay na lang si kabayang dumating para makuha na rin ang tres nya at makabili na ng inumin.

Lumipas ang limang minuto…

“IBILI NA NATIN YAN!!!” , sigaw ng isa

“Sandali lang, sayang ung tres ni kabayan”

“Eh kanina pa tayo naghihintay ah!

“Konting tiis pa, hehehe”

Sampung minuto…

dalawampung minuto…

“Tara!!! #$#@^%& di na darating yun!”

Paglabas ng barracks, papuntang store, nakita namin yung hinihintay namin…MAY HINIHINTAY NA IBA…

Natuloy ang inuman ng wala si kabayan. at nung sumunod na araw bumawi naman sya at humingi ng pasensya dahil hindi nya nasabing wag na syang hintayin at may hinihintay syang iba…

Tapos na! ano pa hinihintay mo? wala nang kasunod kwento ko, wala ka nang hinihintay!
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Ishmael Fischer Ahab says

    Uso rin pala sa inyo 'yang Red Horse?

    Dito sa amin sa Montalban, kulang yang tres tres na 'yan. Sugapa mga tao dito eh.

  2. ?superjaid? says

    nice..di ko trip ang beer ewan ko kung bakit pero masarap uminom kapag di ka nagiisa at kasama ang barkada..^_^

  3. Lord CM says

    @Ishmael…
    yup, mas makakamura sa red horse dahil mas matapang, konti lang eh tamang tulog k na 😀

    @chikz…
    hahaha, nakangiti ba yun?

    @jaid…
    sinabi mo pa, kapag nag iisa kasi masyadong marami kang maiisip,tamang emo ka nun pag mag isang nag iinom 😀

  4. an_indecent_mind says

    hehehe! bitin! akala ko may kasunod pa yung kwento mo!

    parekoy, may lahi bang indyan yung si kabayan?? ehehehe!

    potek! kelan pa kaya masasayaran ng malamig na red horse ang tigang na lalamunan na ito…. tsk!

  5. Jag says

    Ayos din pala trip nyo pawala-homesick parang Pinas lng din heheh…may redhorse pla sa Palau? Ayos! Sa Japan wala kasi hehehe…

  6. ladyinadvance says

    nakakamiss din ang ganyan,, nung nasa pinas kac kami yan lagi ginagawa namin nung mga barkada ko pag wala kaming magawa…d2 kac mahal at hindi ka basta basta makakabili nyan, kelangan pa ng contact..hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *