ADVERTISEMENTS
Ang buong akala ko sira na ang araw ko dahil sa pagbalikwas mula sa pagkakatulog ng alas dos y medya ng madaling araw sa mismong Araw ng mga Tatay. Kasi naman, nasa kasarapan at kalagitnaan ka ng tulog ay bigla ka na lang magigising ng walang maisip na dahilan kung bakit.

Ano pa nga bang gagawin ko? Bumalik sa pagkakatulog at masyado pang maaga para sa oras ng trabaho. Oo, Sunday, Araw ng mga Tatay ay may trabaho ako. Pero hindi…, hindi ako makatulog!Bwisit!

Alam ko may dahilan kung bakit pero di ko maisip kung ano…kaya imbes na pilitin ang sariling matulog, check muna ng FB, adik lang talaga! lolzz, ayun!andun ang dahilan! Ang mensahe at pagbati na galing sa aking mga mahal sa buhay para sa Araw ng mga Tatay. At sa muling pagdikit ng katawan ko sa kama ay himalang bumalik ako sa napakahimbing na pagtulog.

Sunday, 7:30am, Araw ko na at ng lahat ng Tatay. Gumising ng may ngiti sa labi Pero imbes na mag celebrate, kailangan maligo, mag ayos ng sarili at pumasok sa trabaho. Eto pa ang masama, nagsimula ang trabaho ng alas otso ng umaga, natapos ito sa parehong oras ngunit madilim na. Tama ka, 8am to 8pm ang trabaho nung Araw ng mga Tatay dahil sa taunang inbentaryo ng aming kumpanya.

Uwian, madilim na at parang tapos na ang Araw ng mga Tatay. Pero sabi ko hindi matatapos yun ng ganun-ganun lang…Bago umuwi, umakyat muna ako sa Department Store ng kumpanya at duon naghanap ng regalo para sa aking sarili…Alam mong nahanap ko? Simpleng Leather Bracelet na tig $6, ok na yan para sa aking sarili…


Pag uwi sa barracks, umpukan ng mga Tatay ang naabutan ko. At syempre, Alam na!

Natapos ang Araw ng mga Tatay na medyo umiikot ang paligid at tamang antok.

Nakakahilo man ang pagtatapos ng Araw ng mga Tatay para sa akin ay masaya akong haharapin muli ang bukas na malayo sa mga taong tumatawag sa akin ng Papa. Baon ang mensahe at pagbati na nagpasaya sa akin sa Araw ng mga Tatay, muli kong lalabanan ang sakit ng bawat OFW.

Maligayang Araw ng mga Tatay muli!

ADVERTISEMENTS
Search Terms : araw ng mga ama mensahe,mensahe para sa araw ng mga ama,mensahe para sa araw ng mga tatay,araw ng mga tatay mensahe,mensahe para sa tatay