Halungkat Series No. 009

Sa mga di nakakaalam, ang Halungkat Series ay serye ng mga kumento at payo ng inyong lingkod sa mga kakilala, kamag-anak, kaibigan o kung sino pa man na nasa mundo ng sapot…Mga kumentong hinalungkat pa sa kani-kanilang pamamahay (blog, forum, Facebook, etc…) na maaaring makapag bigay aral sa mga mambabasa…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang mahalaga Anak sinubukan mo,
at kaya mong tanggapin kung ano man maging resulta.

At kung ano man maging resulta,
isipin mo lang na may magandang rason
si Bro kaya nangyari ang lahat,
Goodluck 🙂

Txt agad kung may result na ah 😀

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahalaga ang nakaraan Insan
kung gagamitin sa tamang paraan,
maaari mo itong gamiting leksyon
para sa kasalukuyan at sa mga darating pang araw.

Hindi madali, oo..
pero kung maitatama ang nakaraan
at magkakaruon ng kapatawaran
malamang maging mas matatag
ang relasyon iniingatan…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi naman kailangang malito ng damdamin, Insan.
Kailangan mo lang matutunan
na gamitin ang puso’t isipan ng sabay
sa tamang paraan
at tanggapin na may magandang dahilan
kung bakit iba ang sinasabi ng isip
kaysa nilalaman ng puso…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan na lang muna po, at sana’y nakapagbigay aral (kung meron man) sa mga mambabasa…at para sa mga nakaraang serye, click lamang po ito
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Ishmael Fischer Ahab says

    Astig ka ah. Andami mong tagapayong—este tagapayo. ^_^

    Sigurado 'yan marami kang natututnan sa buhay.

  2. Ishmael Fischer Ahab says

    Que barbaridad! I misread parekoy. Sorry sorry.

    Marami palang natutunan from you ang mga taong nakapalgid sa iyo. ^_^

    Nice nice.

  3. Lord CM says

    @Jaid…
    ay jaid, isa ka pa lolzz

    Akin lahat yan, yung una sinabi ko sa anak ko, at ung sumunod eh sa pinsan ko 😀

  4. nortehanon says

    "Kailangan mo lang matutunan
    na gamitin ang puso't isipan ng sabay
    sa tamang paraan">>>>Minsan po kasi, mahirap itong gawin. Minsan nga, when there's too much emotion and strong feelings, mahirap bigyan ng distinction kung ang pasya ba ay galing sa puso o sa isip 😀

  5. Lord CM says

    @Miss N…
    mahirap nga sabi ng karamihan, kaya nga ipinapayo ng iba na wag kang gagawa ng desisyon kung ika'y galit, o sobrang saya o kung ano mang sobrang emosyon meron ka 😀

  6. Kosa says

    isa 'to sa mga segment(?)[halungkat series] na nakakapagbigay ng inspirasyon sa akin… tagos hanggang buto tsong!

  7. Lord CM says

    @kosa…
    nambola ka pa parekoy eh, hayaan mo pinag iisipan ko na ung picture greeting kung magbibigay ako 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *