First Taymmm…

November 2003, bandang hapon nuong lumapag ang sinasakyan kong eroplano sa Palau International Airport (PIA). First time kong mangibang bansa at makasakay ng malakeng eroplano, kaya di ko inaasahang may mali sa pag landing ng sinasakyan namin.

 

Palau International Airport

Pagkalapag na pagkalapag ng gulong ng eroplano sa PIA ay sya namang preno nito kaya kung di ka naka seatbelt malamang nauna ka pa sa eroplano…Isipin mo kung gaano kahaba ang runway ng PIA at kailangang magpreno kaagad pagsayad ng gulong ng eroplano sa lupa.

First time, astig sa experience, extreme sports ang dating!!!

Ayun na nga at bumaba ako ng eroplano, dumaan sa immigration, at pina check ang bagahe sa mga security ng PIA at presto! nakalabas ako ng matiwasay sa airport

Paglabas ng airport sabay tingin sa paligid, Wow! nasa ibang bansa na talaga ako, nasa abroad na nga sabi ng karamihan. Sakay ng kotseng dinadrive ng barkada ko, hindi ko maiwasan mamangha sa mga nakikita ko lalong lalo na nung dumaan kami sa KB Bridge.

KB Bridge, sinumulang itayo to nuong 1997 dahil nasira
ang dating tulay. Hanggang sa ngayon
nakalubog pa rin ang ilang bahagi ng lumang tulay
sa dagat na may lalim ng 200+ feet, kwento ng tumagal na dito

Wow!Nasa abroad na talaga ako!, sa isip isip ko sigurado mas marami pa akong makikitang mas maganda sa tulay na nadaanan namin…Nakalipas na ang ilang minuto’y puro puno ang nakikita ko, may building man ay di naman kataasan, at ang celphone ng barkada ko, analog?! ung may antenna!…ano to?! Probinsyang napapaligiran ng dagat?!!!

Brod, text sana ako kay misis para ipaalam na andito na ako

Di pa umabot ang text dito pre, punta na lang tayo sa isang hotel ng kumpanya at may internet dun… sagot ng barkada ko

Yun naman pala eh, may hotel ang kumpanya, may internet! ok na rin.

Nakarating kami ng Koror, kung saan ang karamihang negosyo ay makikita…Ito ang nagsisilbing Business Center ng Palau, at ang nakikita nyong imahe sa baba ay ang nag iisang main road sa Koror, ibig sabihin di ka pwedeng lumiko at magbago ng daan para makaiwas sa traffic, walang shortcut at mismong jan ka lang dadaan, wala nang iba…

Koror, Palau

Ganda no? Para ka lang nasa Olongapo… Hehehe 😀

Nakarating kami ng barracks ng mga empleyado at pinakita na sa akin ang magiging kwarto ko, pangdalawahan ang room ko pero solo lang daw ako duon para may privacy (Praybate ang tawag ng ibang kasamahan ko, ikaw na bahala mag isip kung bakit)…

Room ko ngayon, pandalawahan ang dati kong room.
Lumipat ako sa single dahil ang hirap linisin at ayusan
ng malakeng kwarto

Palau? Ok na rin, maganda, simple, tahimik at mas mabibigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga mahal ko sa buhay.

At nagsimula na nga ang pakikipagsapalaran ni LordCM sa Palau…

Opis namin ung nakikita nyong building,
madilim kasi pa gabi na nung kinuhanan ko to..
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Coffeeveggie addict. says

    Naalala k0 tuloy yung unang dating k0 d2 sa taiwan sa kalsada,TULAY AT sa luwag ng traffic ak0 unang humanga,magaganda mga tulay d2 gnagastusan talaga,pwedi m0ng iview ang 2 tulay na entry k0 last m0nday at nung last week,sumali k0 kase sa sunday bridges meme

  2. Jag says

    Wow! Ganyan pla sa Palau! Parang npaka tahimik at mapayapa jan…
    at natawa n mn ako sa praybate room n yun hahaha…

    Ako naman nung una kong lapag sa Japan, takot n takot ako kasi mga kasama ko mukhang mga Yakuza…di ko akalaing magiging tropa ko sila kaya naman linggo linggo laman kami ng bar hehehe…

  3. ?superjaid? says

    nice ang ganda naman ng last pic..anyway..napaisip tuloy ako kung anong baqnsa ako unang magtatrabaho pagkagraduate ko..^_^

  4. animus says

    Hi LordCM!
    Nov 2005 naman, mga 9:30pm nang lumapag ang sinasakyan kong eroplano sa Dubai International Airport. sobrang excitement at pagkamangha din ang naramdaman ko habang tinatahak namin ang napakaliwanag at napakaluwang na daan ng Dubai sakay ng kotse na hire ng dalawa kong kaibigan na nauna sa akin dito ng 2 mos. naki-text din ako sa mga kaibigan ko para ipaalam sa pamilya ko na maluwalhati akong nakarating sa Dubai..hehe..usong-uso na ang text noon dito. (haay, dahil sa post mo naalala ko din ang first taym experience ko)

    back to your post…
    ang ganda naman ng location ng ofis ninyo. sarap siguro magtrabaho dyan parang nagbabakasyon lang! 🙂

  5. Kosa says

    wow parekoy!
    kelan pa itong kwentong ito…
    nakauwi at nakabalik ka nat lahat ngayon mo lang to kinuwento?

    hehe.. astig nga ang Palau. parang isang city province lang..

    ————–>

  6. Lord CM says

    @Blue…
    matingnan nga 🙂

    @Renz…
    hanggat maaari pre wag mo nang pangarapin maging OFW

    @jag…
    parang ikaw lang nakapansin ng praybate ah lolzz

    sana pre tiningnan mo ung daliri kung putol, kung putol sigurado yakuza yan 😀

    @jaid…
    isa pa to! 😀 jan muna kayo sa pinas maghanap ng swerte no, baka di nyo kayanin ang buhay OFW

    @The Pope…
    halos lahat ng buildings dito pre malapit sa dagat, pati daraanan mo eh tabing dagat 😀

    @Life Moto…
    excited, pero kapag nag iisa ka na, ayan na! 🙁

    @Tin…
    hahaha, sana pala blog mo na lang ung comment mo sa akin lolzz

    @kosa…
    di mo nabasa pre? Nov 2003 pa! lolzz naalala ko lang pre kaya eto naikwento ko

  7. Ishmael Fischer Ahab says

    Wow. Nagbalik tanaw ka ah. Ako di ko pa na experience 'yan. Sana makapaggala na rin ako sa ibang bansa in the future.

  8. Toilet Thoughts says

    wow! parang Survivor (palau) lang. cool.

    Hmmm onga kung tahimik at simple, ayos nga dyan. Makagala nga dyan minsan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *