Riders

Naikwento ko na to dati eh, pero isa pa lang ang readers ko nun, Oo may S ung readers para kahit man lang jan dumami ang nag iisa kong reader…Kwento ko lang uli ngayon, ngayong dalawa na ang mambabasa ng blog ko lolzz

Dumating na ba kayo sa puntong konti na lang dedbol ka na, o tepok?, Yung sasabihin mong “Hayy, muntik na ako dun ah”, pero di natuloy at naiblog mo pa ang karanasan mo…Sigurado marami sa atin, oo ang sagot…At kasama na ako dun, pero sa tanang buhay ko di ko inisip na umabot ako sa ganung sitwasyon, magkasakit, aksidente o sadyaing makita ang mundo ng mga taong nakalimutang huminga…kasi naman ni sa panaginip hindi ko ninais na kalimutang huminga, ewan siguro tama ung sabi nilang ‘Habang may buhay may pag asa’.

Napahaba ang pasakalye, sensya na…eto ang kwento;

High School, Riders pa ako nun, naks…ung mga lumilipad habang nakasakay sa bmx…at pasirko sirko at kung minsan pa eh gumugulong sa pader…Isang gabing pagkatapos magpractice ng barkada eh uwian na, syempre gutom…gala muna ako at hanap ng mabibilhan ng siopao..dun ako syempre sa main road para maraming nakikitang tao, langya kakalingon di ko napansin ung butas, maliit lang naman pero anjan na eh…nasa harap ko na, bago pa man ma shoot sa butas ung gulong ng bike ko, lumagpas ang isang napakalaking sasakyan, kala ko kung ano na…Victory Liner lang pala, VICTORY LINER?!!! Buti n lang nakalagpas na nung mashoot ung gulong ko sa butas, sira na ang bike ko, sira pa pati pagmumukha ko…

Duguan ako nun kala ko walang tutulong eh, may lumapit na matanda, tinulungan ako at tinanong, Boy, nasaktan ka ba?… gusto ko kayang sapakin, kita nya nang duguan ako, magtatanong pa…

Nung nakauwi ako sa bahay, oo….nakauwi pa ako, sa akin nga lang nakasakay ung bike at hindi ako ang nakasakay…Dun ko naisip, kung nauna una ako sa Victory Liner, siguro isa na ako sa mga tangang hindi humihinga, buti na lang mabilis ung Victory Liner…

Moral lesson?, wag ka nang umasang may tutulong sayo kapag naaksidente ka, tiyak, aasarin ka lang!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. .skyflakes. says

    wild ka pala :O
    riders. hahahaha 🙂
    buti nauna nga ung bus kunde,
    nasa balita ka nung gabing un :O

  2. chikletz says

    gangster ang dating ah.. "Riders" haha! buti na lang hindi ka tanga..
    tanga lang ung tumulong. nagtanong pa ampf! dapat sinabi mo natapunan ka lang ng ketchup sabay sipa! LOL! baka di ka na tinulungan nun..

  3. bulakbolero.sg says

    buti nalang. kthanksbye. lol joke lang.

    ang masamang damo daw kasi mahaba ang buhay. hehe.. piz naman.

    ganun talaga mukhang may purpose ka pa sa mundong ito ang mag blog na ikaw ay BMX rider dati kaya binigyan ka pa ng pagkakataon mabuhay.

  4. Lord CM says

    @Jaid…
    hehehe 😀 kung sakali man jaid, di naman ako kawalan

    @skyflakes…
    yun nga pre, pero baka kinabukasan pa ako nasa balita o malamang hindi na kasi may news blockout sa gapo 😀

    @engr…
    pag iisipan ko pre 😀

    @chikletz…
    tanga nga!di ko makalimutan yun ah! duguan na eh nakuha pang magtanong kung nasaktan ako 😀

    @Drake…
    hehehe 😀 sayang talaga pre!

    @marco…
    buti na lang talaga! 😀

    @bulakbolero…
    hahaha, ganun na nga siguro pre, at ngayon na iblog ko na, tapos na ang misyon ko, kunin mo na ako Lord, Please lolzz

    @AIM…
    oo nga sayang, pero na fix naman agad 😀

  5. I am Xprosaic says

    Ahahhahahahaha lintek na bike yan… naku sa nangyari sa akin nasubukan ko na ring umalis ng bahay na buo pa ang bike pero umuwi akong pira piraso na…

  6. Chyng says

    haha at least may concern sa paligid. naaksidente din ako noon, nabangga ako. may mag-asawang hinto at tinulungan ako.

  7. animus says

    hi Lord CM! pwedi ba kitang i-correct? mali ang bilang mo ng iyong readers ngaun. i'm sure na nde lang dalawa ang mga readers mo, ako pa lang katumbas na ay dalawa (dahil usually pabalik-balik ako dito)..hehe…
    on a serious note, ingat-ingat lang….malulungkot ang mga maiiwan natin dito..pareho tayo, wala din akong 'suicidal tendency', nde ko pa din ninais na kalimutang huminga..hehe..

  8. Lord CM says

    @xprosaic…
    ha?paano ka nakauwi ng pira-piraso?

    @chyng…
    buti hindi nagtanong? lolzz

    @tin…
    hehehe oa lang ako masyado, alam ko namang marami kayong nag aabang eh lolzz

    @glentot…
    sabi ko kasi pre, ok lang ako eh…pag gumalaw pa sya, tutuluyan ko na eh lolzz

  9. Toilet Thoughts says

    Takot ako sa bus. hahaha!

    Nung naaksidente ako, unang sinabi sakin, bayaran ko daw ung poste. Pati towing kelangan bayaran. Di man lang tinanong kung me bali ba ako, pera agad. Take note, gobyerno ito. pfft!

    hehe, next time, wag mag bike sa main road (inassume ko lang kasi may Bus).

  10. KESO says

    naks riders, astigin ang dating. haha. buti na lng, buti na lng, mdami ka pa dw gagawin sa mundong ibabaw kaya di ka muna kinuha ni god. :))

  11. Lord CM says

    @toilet…
    dapat pre, binayaran mo ung poste, bigay mo pera sa poste 😀

    natuto na nga ako, di na sa main road 🙂

    @keso…
    madaming gagawin? o masama lang talaga ako at matagal mamatay lolzz

  12. Francesca says

    ako, nadulas sa palayan, nahulog ako sa irrigation water, naanod ng tubig, natagpuan ako ng mga kalaro ko, sa dulo, meron kalabaw na nag tatampisaw kasama ko.
    Pag uwi ko,puro putik ako nun ha, pinalo ako ng nanay ko. Lakwatsera daw ako.
    Grounded ako to go out for a week!
    pano daw kung sinungkab ako ng kalabaw.

    I was then ten years old.

  13. Ishmael Fischer Ahab says

    Whoa! Parang may nangyari na ganyang scenario rin sa akin nun.

    Sa tunnel sa EDSA yun nangyari, sa may bandang Makati. Bumangga yung taxi na sinasakyan ko dun sa bus.

    Ang bilis pa naman ng takbo ng taxi ko. Pero buti nabuhay pa ako at na-i-blog ko pa ang experience ko na yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *