Ikaw lang…

Paalala : Habang binabasa wag kalimutang tingnan ang mga link upang hindi iligaw ng sariling pag iisip.
Para sayo, 
Ilang araw na rin kitang di kinakausap ng matino, kausapin man kita’y bilang sa mga  daliri ng kamay ko ang salitang lumalabas sa aking bibig. Di ko alam kung nawawalan ba ako ng gana sayo o sadyang nangyayari sa lahat na pansamantalang magpahinga sa isang bagay na nakasanayan na.

Nung nakaraang linggo binalak kong ayusan ka, pagandahin sa paningin ko at ng ibang nakakakita. Inisip na sa ganitong paraan ay manumbalik ang dating ako at ang dating tayo, ngunit s di malamang dahilan mas pinili ko ang kagandahang mayroon ka at minabuting huwag na lang gawin ang binabalak na pagbabago sa iyong panlabas na anyo…

Kaylan lang ay nagdesisyon akong palitan ka, lumipat sa piling ng iba at tuluyan nang iwan, nagbabakasakaling manumbalik ang dating saya kahit nasa piling ng iba…

Inaamin kong ako’y natukso, nagpakilala at nakipagkwentuhan sa iba, di naman kasi kaila ang taglay nitong ganda. Ngunit sa pakikipag usap sa kanya’y bigla hinanap kita,  nagtatanong kung mararamdaman ko ba ang sayang dulot nuong ika’y kasama.

Hindi ako nawalan ng gana na tulad ng sabi ng iba, dahil di pa rin lumipas ang isang araw na di kita pagmamasdan, balikan ang nakaraan at muli ay mag smile. Siguro nga’y kailangan ko lang magpahinga, magsawalang kibo at maghintay, upang nang sa gayun kusang manumbalik ang masasayang nakaraan.

Eto ako ngayon, kausap ka. Ipinaparamdam na wala nang iba, hindi ipagpapalit, o sasama sa iba…Ikaw lang mula nuong simula, ikaw lang hanggang sa dulo ng walang hanggan ( hehehe, teleserye na naman! )

Muling magbabalik sayo,
LordCM
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. mokying says

    okay din ang WP pero mas type ko ang blogger. kasi di tulad ng WP, sa blogger pwede mo gawin ang lahat sa kanya…. lahat men… lahat… hehe.

    pa-join po ako sa isang minutong smile… thanks.

  2. Lord CM says

    @mokying…
    sinabi mo pa, gagawa lang ako ng isang entry aysus! hirap na hirap ako ah lolz, o di lang ako sanay sa WP…

    May FB Fan page ang IMS, join ka dun, nasa right sidebar ko lang ung link 🙂

  3. I am Xprosaic says

    Nangyari na rin sa akin yan before lalo na nung nawala lahat ng comments ko simula umpisa hanggang dec last year… nakakapanlumo pero di ako bumitiw… mas masarap pa rin kapag sa orig… samahang mula umpisa… hehehehehehehe… Maligayang pagbabalik! nyahahahhahaha

  4. Lord CM says

    @Xprosaic…
    di naman sa may nangyari sa blog ko kaya ako tinatamad magsulat uli, basta na lang parang bigla wala akong maisip na ipost, tapos di pa ako makapag ikot sa mga blogmates ko…pero ngayon balik na sana sa dati ang lahat 😀

  5. BlogusVox says

    Nangyayari talaga yan kahit kanino. Pag wala, huwag pigain. Humanap ng ibang mapaglibangan. Malalaman mo nalang, ping, magkakaroon ka ulit ng inspirasyong sumulat.

  6. Lord CM says

    @Blogusvox…
    siguro nga ganun talaga, saka pansin ko rin sa ibang bloggers na medyo tumahimik, di ako nag iisa 😀

  7. an_indecent_mind says

    huwelkam bak!

    kelangan mo pa muna mag-emo para makapagpost ng bago.. hehehe!

    at gaya ng kumento mo sa post ko… "magsarili muna parekoy at konting tiis" LOLZ

  8. Jag says

    At sa wakas bumalik k n din parekoy! Wellkambak! Masyado kang npasarap sa pagbakasyon ah? hehehe…

    ikaw kung saan k masya go lng ng go andito lng kaming tagasubaybay hehehe…

  9. animus says

    hi LordCM! buti naman at bumalik na ang tamis ng pagmamahal mo sa kanya! 🙂
    "ikaw lang mula noong simula." ang swit! hehe…
    isa ako sa madaming malulungkot pag tuluyan mo siyang iniwan. kaya naman, napasaya mo ako sa statement mo na siya lang hanggang sa dulo ng walang hanggan! hehe..:-)

  10. Lord CM says

    @AIM…
    tagal ko na kayang gusto magsulat ng seryoso kaso talagang walang lumalabas sa utak ko lolzz

    magsarili? malamang, yun na nga lang gagawin 😀

    @Jag…
    Oo nga, isang buwan nang natapos bakasyon ko pero ung blog ko nasa bakasyon pa rin 😀

    @The Pope…
    Oo nga pala pre, malapit na naman ang PEBA, pero mukhang di na tayo pwedeng sumali 😀

    @Tin…
    Epekto yan ng mga teleseryeng napapanuod ko, 😀

  11. Lord CM says

    @Dale…
    Inspirasyon? marami ako nyan, kelangan ko lang talagang magpahinga at sana tuloy tuloy na to 🙂

  12. Ishmael Fischer Ahab says

    Haha…at talagang napa click click ako sa blog post mo na ito. Huwag ka mag-alala. Pag naubusan ang utak mo ng bala, sigurado naman na mag re reload 'yan. Hintayin mo lang.

    Welcome back bro. ^_^

  13. Francesca says

    habang binabasa ko, ang hula ko, papalitan mo na laptop mo sawa ka na, kaya kinakausap mo laptop mo na may nakilala kang mas maganda. Sus, blogger vs WP pala, haha. Na dupe ako dun ah!

  14. Lord CM says

    @Ishmael…
    bayad tong entry na to eh lolzz

    @siyetehan…
    oh yeah! napakanta pa eh 😀

    @shiena…
    tama ka dun! pero sabi nga nila di na mawawala ang pagiging blogger ng isang blogger

    @Life Moto…
    hahaha, di naman pre

    @Francesca…
    Employer ko ang magpapalit ng laptop ko at di ako, pero di na ako umaasa dun lolzz, sensya na po sa entry ko 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *