Ako ang Simula!!!….Tapos na ba?!!!

 
Tapos na ang eleksyon,nanalo man o natalo ang kandidato mo ang mahalaga ginawa mo ang dapat na ginawa ng isang Filipino. Mag-isip at magdesisyon kung sino ang mamumuno para sa ating mahal na bansa…

Tapos na nga ba ang partisipasyon mo para sa pagbabago ng bansa?…Hindi pa! Nagsisimula ka pa lang, Pinoy!…Ngayon mo ipakita ang tutuong pagmamalasakit mo sa ating bayan, ngayon ka tumulong para sa ikakaganda ng bayan nating sinilangan…

Hindi natatapos ang responsibilidad nating mga Filipino sa pagboto ng tama, oo nga’t nag isip tayo ng tama, nag desisyon tayo ayon sa sarili nating pananaw ngunit andyan na yan! nanalo man o natalo ang kandidato mo, ipagpatuloy natin ang responsibilidad natin bilang isang mamamayang Filipino…

Imbes na kamuhian ang uupong Presidente ng Pilipinas dahil hindi mo sya kandidato, gumawa pa rin tayo ng tama…Gumawa ng mga simpleng bagay na alam nating makakadagdag sa pagbabagong inaasam natin para sa bayan. Hindi porke’t ayaw mo sa nanalong Presidente ay wala ka nang gagawin, mag isip ka Pinoy! Tayo pa rin ang maaapektuhan, makikinabang sa lahat ng proyekto ng bagong Pangulo…at kung wala kang gagawin malamang mawala rin ang pag asang babangon pang muli ang bayan mo!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. SCOFIELD JR. says

    naku renz runner up ka lang…hehehe

    Plugging ng ABS-CBN?

    TAMA!!! all we gonna do now is support each other & patunayan natin ang lagi nating sinasabi na 'proud pinoy ako'…do your part as a filipino, walang hilahan sa isat-isa pababa, bagkus magsama-sama paakyat sa pagbangon sa magandang hinaharap…amen

  2. ladyinadvance says

    awww nice post…at tama lahat ng sinabi mo……at dalangin ko na kung sino man ang maupo sa gobyerno, suportahan pa rin ng pinoy..hindi naman kac matatapos ang problema steng bansa kung puro reklamo lang gawin natin…

    namiss ko blog mo…

  3. saul krisna says

    amen brod… hehehe nakiki sang ayon ako sa sinabi mo… hehehehe taga channel 2 ka pala… kapuso kasi ako eh ahahahaha malabo ang reception ng 2 sa amin eh

  4. Ayie says

    Konting hakbang na lang para sa malaking pagbabago–simulan natin sa ating sarili.

    Tama ka Kuya! Simpleng bagay lang malaking pagbabago na ang katumbas.

  5. The Pope says

    Matapos ang madamdaming eleksyon, di pa tapos ang simula, maraming dapat linisin, yung mga iniwang kalat mula sa mga poster na kung saan saan nakakabit, nakadikit at nakasabit, ngayun ang simula ng pagbabago, simulan sa paglilinis ng bakuran bago ang mas malawak na komunidad bago tayo maglinis ng buong bansa.

  6. Chyng says

    true!
    this is just the start, now what?
    pero sympre Im positive. the people has spoken and so be it kung sino mas gusto ng nakararami.

    no HIGH expectations though.. hihi

  7. animus says

    I agree sa lahat ng mga sinabi mo! 🙂 Ipagpatuloy natin ang magandang simula para sa pagbabago ng ating bansa na matagal na nating inaasam. Kaya natin ito. Magtulungan tayo!

  8. Lord CM says

    @bulakbolero
    salamat pre 🙂

    @renz…
    hehehe sayang pre hindi ka based, next time

    @scofield…
    amen! parekoy 🙂

    @ladyinadvance…
    bago ka dito miss? lolzzz

    @saul…
    hindi nman pre, tinamad lang ako maghanap ng image 😀

    @ayie…
    eto na ang simula, gumawa na tayo 😀

    @The Pope…
    Yan!Jan tayo magsimula, linisin ang sariling bakod at isunod ang malawak na komunidad

    @chyng…
    suportahan na lang natin, taumbayan na ang nagdesisyon 🙂

    @tin…
    yeah! kaya natin to! 🙂

  9. ?superjaid? says

    tama tama..suportahan na lang ang nanalong pangulo kahit di siya ang gusto natin..dapat sa panahong ganito sinusuportahan anatin ang isatisa..

  10. aaron says

    I second the motion. Dapat lahat tayo ay magsikilos at maging vigilant.

    'Pag nakita tayo na kumikilos lahat eh baka mahiya na ang mga politiko na magkuyakoy sa opisina kaya magsisikilos na rin sila.

  11. fiel-kun says

    Very well said indeed. Nasa atin ang pagbabago. Kailangan lang natin kumilos ng tama at wasto para sa ikauunlad ng ating inang bayan.

  12. chikletz says

    tama.. nasa mga tao ang gawa. nasa Diyos ang awa. gudlak na lang sa lahat. haha! kasi minsan kahit gaano mo kadalas sabihin ang tama… eh kung walang makikinig at susunod, eh wala din mangyayari..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *