Pasukan na naman ( Repost & Edited ) …

Pasukan na naman, may mga magulang na naman na imbes na inaasikaso ang mga anak ay eto at naghahanap ng mapapasukan…Naghahanap ng pagkakakitaan para pang enrol sana ng kanyang anak…Kaso problema walang mapasukan…CRISIS NGA EH!!!

Pasukan na naman, May mga kabataan na naman na imbes na mag aral ay nakikipag inuman sa tropa at kung minsan pa napapasabak sa gulo at droga…Masisisi mo ba sila?, bunga lang sila ng magulong mundong ginagalawan nila…

Pasukan na naman, may mga bata ka na namang makikita sa lansangan na imbes na nag aaral sa eskwelahan ay nagtitinda ng sampagita, ng yosi at kung ano pang pwedeng pagkakitaan makakain lang..Kasi naman, pangkain na nga lang wala na sila, pang enrol pa kaya…

Pasukan na naman, TAKTE!!!Gastos sila ng gastos sa pangangampanya, di ba pwedeng ibigay na lang nila to sa mga batang walang pang aral o kaya naman magpatayo sila ng isang eskwelahan para naman hindi nagsisiksikan ang mga estudyante sa napakaliit na klasrum at umuugang upuan…

Pasukan na naman, PUTEK!!!Wala pa ring solusyon sa mga mga kababayan nating un-employed…Nasan na ung mga kinita ng Gobyerno sa pagpapadala ng dolyar ng mga OFW? Ung mga tax na kinukuha nila sa bawat remittance ng OFW?, Nuong kumikita ang OFW nakikinabang sila, ngayon naghahanap ng pagkakakitaan ang OFW dahil sa CRISIS na yan hindi naman sila mapakinabangan…

Pasukan na naman, LANGYA!!!Nakakasawa!!!Hindi ba pwedeng pag usapan ng mga Pulitiko kung paano masosolusyunan ang problema ng karamihan kaysa magsiraan sila sa harap ng telebisyon?

Ay!!!Sorry,oo nga…
ELECTION NA NAMAN PALA!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ?superjaid? says

    korek!naku naku naman..sana this time tama na ang maging desisyon ng mga pinoy..sana maging matalino na tayong lahat sa pagpili ng iboboto..anyway..tagal mong nawala kuya..kamusta na?^_^

  2. Lord CM says

    @Jaid…
    Sana nga…sana nga…

    Bakasyon ako Jaid, inubos ang oras sa pamilya, at ngayon nasa abroad na naman 🙁

    @Marco…
    Sandali..nag-aaral ka pa?!!!

  3. Misalyn says

    Welcome back!!

    Sana maging matalino ang mga Pinoy sa pagpili ng mga bagong manunungkulan sa ating pamahalaan.

    Minsan mahirap buhayin sa kalooban ang pag-asang makakabangon pa ang Pinas.

    off topic:
    Pwede nyong i-grab ang pictures ko anytime basta para sa Kablogs at sa Kablogs Journal. Once na mabawasan ang extra gawain ko sa hospital, try ko mag-contribute sa Kablogs Journal.Thanks sa pag invite.

  4. Ishmael Fischer Ahab says

    Pasukan na naman at marami na namang mga kabataan ang walang matutunan.

    Mga kabataan na walang nutrisyon sa katawan para magkaroon ng lakas para matuto.

    Mga classroom na siksikan at sira-sira

    Mga textbooks na kulang at ang mga laman ay kulang kulang.

    Mga teachers na nagtitinda na lang ng kung anu-ano tuwing recess para may pangdagdag sa maliit na kita.

    Ang daming problema ng edukasyon. Kelan pa gagawa ng totoong sulusyon ang ating gobyerno?

  5. KESO says

    wb kuya!
    pasukan na nman, mkikita ko na nman sa tv ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa maliit na classroom, bigyang pansin naman sana ito ng susunod nting presidente.

  6. Ayie says

    Welcome back! Anong pasalubong mo kuya–puro reklamo yan ha. eheheheh! Oo nga ako rin meron nang mag tutuition fee—buhay!

  7. Jag says

    At dahil sa mga sinabi mo, PASOK kA JAN! Ganyang ganyan din ang mga angil ko nung umuwi ako sa amin…

    WELKAMBAK parekoy!

  8. Coffeeveggie addict. says

    very nice,k0rek lahat…well,asa kpa b0ssing ak0 kahit sin0 maup0 wala na pagasa kumbaga sa sugat naknak na eh kaya di nako umaasa pa sa mga uupo!nga pala di ak0 marun0ng mgupload ng pix sa kablogs eh.

  9. I am Xprosaic says

    Ahahahahahhahahah ang lutong ng mura ah! jejejejejejejejeje…. Asa pa! eh sa ngayon wala pang pag-asa ang Pinas dahil sa gobyerno… sana sa susunod meron na! hayz….

  10. animus says

    hello LordCM!!!!!!Welcome Back!!!!!!!!:-)(sobrang excitement at saya ko kaya madaming exclamation point..hehe) for sure, you enjoyed ur vacation..cia nga pala, asan na ang pasalubong? hehe….

    naisip ko agad na andito ka na kasi meron akong comment to be moderated (after almost a month!)..hehe…nde ako nagkamali! i'm so happy you're back!!! 🙂

    Pasukan na ba? Ang alam ko bakasyon pa sa Pinas..naalala ko ganitong time ko pa lang talagang na-ienjoy ang bakasyon ko nung nag-aaral pa ako kasi madaming okasyon sa amin pag May. Pero dahil post mo ito, cge pasukan na! hehe…naalala ko tuloy yung kanta noong nasa grade 4 ako "our vacation is past, it's school time at last…."

    na miss ko mag-comment dito kaya pasencia na medyo napahaba ang kwento ko. 🙂

  11. Lord CM says

    @Misalyn…
    mahirap man buhayin ang pag asang inaasam natin, pero sana makamtam pa rin natin…kahit ng mga apo na natin…

    @Ishmael…
    Tutuo ka jan parekoy, ang daming problema.Lumipas na ang ilang dekada, papalit palit ng namumuno pero hanggang ngayon wala pang solusyon sa problema

    @Keso…
    sana nga makita na nila

    @Ayie…
    Hehehe 😀 Ayan ang pasalubong ko, reklamo!

    @jag…
    oo nga eh, walang pagbabago…

    @Goyo…
    wala akong tama ah! lolzz

    @Blue…
    Ako umaasa pa rin na sana may pagbabago…

    Email mo lang ang KaBlogs Journal at silang bahalang mag upload ng mga pix mo 🙂

    @Enhenyero…
    oo nga ano?! lolzz

    @The Pope…
    Pumasok na ako sa work pre 😀 … ok naman ang bakasyon, masaya, kaso bitin…

    @Xprosaic…
    Sana nga sa susunod meron na…

    @Tin…
    Hehehe 😀 Wala na akong maalalang kanta nung elementary, pati nga mga classmate ko di ko na maalala names nila eh 😀

    Thanks sa pag welcome 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *