PBB Big Night : May 10, 2010

Pabiro man o seryoso ang suggestion ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, Magandang suggestion yan! Para lang makapili tayo ng mabuting mamumuno sa ating mahal na Pinas…

Sandali…Ano ba ung suggestion nya?

Kung papayag ang ABS-CBN, ang lahat ng kandidato bilang Presidente nitong darating na eleksyon ay ipapasok sa Bahay ni Kuya, may mga trials din at mga kung ano-anong games ng sa gayun makilala natin sila ng mabuti at makapili tayo ng karapat-dapat na maging Presidente ng Pinas…Tapos sa May 10 ang Big Night!

Ano sa palagay mo? Di ba magandang idea? Ipasok na lang sila sa Bahay ni Kuya! at gawing housemate ng Pinoy Big Brother, Presidentiable Edition…Sa ganitong paraan hindi na sila kailangan gumastos ng malake sa pangangampanya, hindi na sila kailangan pumunta sa iba’t ibang probinsya upang mangampanya dahil sigurado buong mundo basta Filipino ay panunuorin to.

Sa ganitong paraan, malalaman natin kung sino ang nagpapakatutuo, sino ang nakikipagplastikan lang, at kung ano nga ba ang tunay na ugali ng bawat housemate. Sigurado bago dumating ang May 10 Election ay alam na natin kung sino ba ang karapat-dapat na mamuno sa Pinas.

Alam naman na natin kung ano ung mga nagawa nila sa bansang Pinas, at kung ano pa ang pwede nilang magawa para sa ikagaganda ng ating bansa…ang hindi natin alam ay kung ano ang tunay nilang pagkatao…

Ikaw? Ano sa palagay mo?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Coffeeveggie addict. says

    hahhahhaa,natawa naman ako dito sorry pero never kase ko nanood ng pbb at kung mangyayari yan wala lang as in wala lang talaga sakin,sorry talaga pero kahit sino pa bagong maupo na kandidato pare pareho lang mga kulay niyan,hmpt…just my two cents.
    peace!

  2. mightydacz says

    lol napaisip tuloy ako sa date mo baka nagkamali ng petsa kasi katatapos lang ng pbb big night lol yun pala yun at mas lalo akong natawa ayos na ideya yan at mas lalo pa talaga natin silang makikilala

  3. Jam says

    Ay ako agree ako dyan ganda cguro nun noh! kc malalaman mo kung sino ung totoong may malasakit sa bansa hindi ung nagbait-baitan lang..ay sana try lang nila manunuod talaga ako khit pa certified kapuso ako.hehehe

  4. SLY says

    magandang suggestion yan..mabuhay ka chito! LOLs

    napadaan at baguhan po dito sa bahay nyo. sana makabisita rin kayo sa barung-barong ko 🙂

  5. RJ says

    Ayos ito. Tama, sa PBB HOuse talaga mas makikilala ang mga presidentiables.

    Sana ma-condsider ito ng COMELEC, sigurado namang payag ang ABS-CBN at si Kuya kapag approved na ito sa Commission on Elections.

  6. Lord CM says

    @Choknat…
    masaya talaga yan malamang! 😀

    @Amor…
    di talaga kakain enoh?! lolz

    @Blue…
    Hehehe 😀 hayaan mo blue may pag asa pa ang Pinas, malay mo balang araw di na tayo kailangang mag abroad 🙂

    @Dacz…
    Naisip ko na siguradong bubuksan ang entry ko pag nabasa ung title 😀

    @Jam…
    Ako rin manunuod 😀 at sana ung mga trials nila pang pulitika rin no? lolzz

    @Jules…
    Eh kung gawing requirements ng COMELEC na pumasok sila sa Bahay ni Kuya? hehehe

    @Sly…
    Salamat sa pagdaan, bisita ako sa page mo 🙂

    @Jag..
    Kung irerequire silang maging housemate, bakit hindi? 😀

    @Chyng…
    Kaya nga gawan ko agad ng entry nung napanuod ko sa tv patrol eh, galing ng idea!

    @RJ…
    O diba? at least di na nila kailangan gumastos, sa PBB House na sila mangangampanya 😀

    @Glentot…
    yun lang, baka parang artista na magagaling umarte lolz

  7. roanne says

    parang circus lang ah! haha! pero feeling ko hindi magiging makatotohanan kasi ang mga politiko lalong nagiging plastik pag alam nila na may camera at makikita sila ng buong mundo.

  8. Kosa says

    Nice idea Parekoy.
    Kung papayag sila.

    alam ko na kung sino ang magkakapukpukan dyan kung sakali.

    pero ang masamang side, paano kung lahat sila, Plastikado?

  9. Yellow Bells says

    ay bilib ako sa suggestion na ito. pwede rin ilagay cla sa white room hehehe tingnan natin kung sino ang matatag. Bravo!!!! 10 Stars parekoy

  10. I am Xprosaic says

    Hahahahahah ayos yan ah… sige sige… sana papayag ang mga presidentiables… at saka sana 24 hours live streaming at di pili ang mga eksenang pinapakita… jijijijiji

  11. Misalyn says

    Magandang idea nga yan. But I don't think na papayag ang mga presentiables dito hahaha.

    off topic:
    malamang super excited ka na ring magbakasyon katulad ko hahaha. Hindi ko na nga mapigilan , nai-blog ko pa hahaha.

  12. chie says

    yayaman ng husto ang abs-cbn kung mangyayari to hehe .at least my chance na si chiz escudero 😀
    magandang suggestion! ang galing naman ni chito.

  13. Dhianz says

    puwede… sounds fun… pero in reality… pero pa rin i-fake… kung mgaling kang aktor eh kayagn kaya mong mag-pretend to be someone 'ur not sa harap nagn camera… pano moh malalaman devah… tayo lang naman based sa nakikita naten… sineryoso eh noh… opinyon lang po.. and btw.. pa-haller sau kuya CM! ingatz lagi.. Godbless! -di

  14. The Pope says

    Magandang idea yan pero napa-isip ako dre, kasi politician are really great actors, they have a unique poker face, kaya nilang umarte sa harap ng tao, spontaneous kaya nilang lumuha, tumawa, magalit at lahat ng facial expression kaya nilang gawin in the name of politics. Kaya nilang humawak sa bible at sa holy water na hindi naaagnas hehehehehe, in short, silay dakilang mga manloloko hahaha.

  15. manik_reigun says

    astig yan! para madaling makita kung sino yung magaling lang umakting at kung sino kaylangan ng script para sa mga speech at forum. hehehe.

    pwde ring survivor sa island. malamn na kung sino halang ang kaluluwa. harhar

  16. Francesca says

    gusto koyun, pero dapat si noynoy itambal kay melay, ahihihiii

    malay, mag ka first lady na siya thru pinoy big brother

    in serious matters, hindi pwede ang ganun, lalong kikita ang sponsors ng big brother, buti kung ibibigay sa kaban ng bayan ang bayad ng adverts….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *