Halungkat Series No. 007

Muling nagbabalik ang Halungkat Series upang magbahagi ng kaunting payo sa lahat…at sana muling makatulong at makapagbigay aral sa lahat, o kahit man lang makapagpagaan ng nararamdaman…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kung talagang gusto mo makipaghiwalay, 
malamang wala nang makakapigil sayo…
kung papigil ka man, sigurado may
nararamdaman ka pa, 
di ko alam kung ano
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Di naman kasi sa lahat ng oras andun ang LOVE, 
kung sakali mang mangyari yan 
malamang ang ganda ng mundo, db? 
Biruin mo lahat ay dahil sa Pag-Ibig
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wag nating iasa ang lahat sa mga taong mahal natin, 
dahil baka dumating ang araw 
na hindi na tayo makagalaw dahil
wala na sila…
 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wag mong hintayin 
ang pagpapahalaga sa mga mahal mo 
dahil may iba pang nagmamahal sayo 
na pinahahalagahan ang lahat
ng ginagawa mo.

Kung talagang mahal mo sila, 

tama na yung mahalin mo sila 
at wag umasang may kapalit ang pagmamahal mo…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa lahat ng di nakakaalam kung ano ang Halungkat Series, serye po ito ng mga kumento na naibahagi ng may akda sa mga kakilala sa mundo ng blogosperyo, feysbuk, at forum…i-click ang Halungkat Series upang mabasa ang mga nakaraang serye….
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    Kung talagang mahal mo sila,
    tama na yung mahalin mo sila
    at wag umasang may kapalit ang pagmamahal mo…

    ahlike dat one kuyah… oh yeah kanta na lang… pero hmm… feeling koh hagnkorni nah… teka.. hahanap akoh kaya nang ibang song… 'la kc akong makuwentong matino eh.. dehinz matino yutakz koh lately… and also kinda sick… sinasabi lang… ahehe… so yeah.. laterz kuyah… ingatz.. Godbless! -di

  2. Lord CM says

    @Glentot…
    suggestion lang yan eh maganda! kaya ginamit ko na 😀

    @Marco…
    Kpag walang magawa pre, naglilibot-libot 😀

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 Binura mo na naman entry mo eh! sana hinayaan mo lang na andun tapos post ka na lang ng bago

    @PinkDiaries…
    yun na nga! 😀

    @Yellow Bells…
    jan lang kung saan-saan, at saka comment ko naman yang mga yan eh 😀

    Sige next post eh ibahin ko naman ang tema hehe

  3. YanaH says

    parang gusto kong matunaw dun sa pinaka una sa haloungakt mo ngaun … tagus-tagusan!

    sumabog pa ko… ayan oh.. scattered pieces of me.. naks! nyahahahaha

  4. DRAKE says

    Naks naman pwede na talagang pumalit kay Joe D mango!

    Ayos yung mga tips and advices ah! hayaan mo iaapply ko din yan sa aking pang-araw araw na pamumuhay!hhehe

    Ingat pre

  5. nortehanon says

    wow, at talagang naghalungkat sa baul hehehe. Napakayaman naman sa wisdom ng baul mo 😉

    magandang araw, Kapatid!

  6. The Pope says

    Mga samut-saring mensahe ng mga nalilitong kaisipan na tumatalukoy sa pagmamahal, pag-asa, pagkakalayo at pangamba na nagnanais magbigay tugon sa mga agam-agam ng pag-iibigan.

    Ang daan tungo sa katahimikan at pagmamahalan ay di lamang isang paglalakbay nating mag-isa, o paglalakbay na kasama ang pamilya. Bagkus ito ay isang paglalakbay na dapat kasama natin si Hesukristo, kaya kung sakaling dumating ka sa hangganan na tila walang kahahantungan, tumingin ka sa likod, baka naiwan mo ang iyong gabay, baka naiwan mo si Bro, magpasama ka sa Kanya, baka maituro nya ang daan sa iyong dapat paruonan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *