Ano nga ba ang tama?


A.
Magmahal upang
mabuhay

B.
Mabuhay upang
makapagmahal

Sabi kasi sa Maalaala mo kaya,
hindi raw sapat ang magmahal lamang
kailangan mong mabuhay lalo’t may pamilyang
kailangan buhayin…

BAKIT?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. glentot says

    Tingin ko mas maganda yung Mabuhay para magmahal, it gives me purpose to live. Kasi kapag Magmahal para mabuhay, parang motto yata yun ng mga golddigging pokpoks na kabit-wannabe.

  2. Lord CM says

    @Glentot…
    Hehehe 😀 Natawa naman ako dun sa mga pokpok lolzz

    Pero tama ka, mas gugustuhin ko nang mabuhay para magmahal, kaysa iasa ko sa nararamdaman ko yung ikabubuhay ng mga mahal ko…hindi siguro tayo mabubuhay kung pagmamahal lang.

    Opinyon ko lang po, at tatanggapin ko rin ang bawat opinyon nyo 😀

  3. DETH says

    parang tanong sa milan…
    mahal mo ba ako dahil kaylangan mo ko? o kaylangan mo ko dahil mahal mo ako?

    di rin naman kase natin masisisi yung iba if thinking nila is setting aside yung pagmamahal nila kase kelangan nilang mabuhay kase at the end of it…"pagmamahal din naman ang reason nun eh…pagmamahal sa pamilya"

    pero i'd still go for B:P

  4. Lord CM says

    @Deth…
    Naalala ko nga yang pelikulang yan 😀

    Di mo naman sineset aside ung pagmamahal, pero kasi hindi naman sapat na magmahal ka lang at wala ka nang gagawin para mabuhay.

  5. Coffeeveggie addict. says

    ako b0th,kase Lagi ak0ng nasa gitna kahit saang aspeto ng buhay,like pwedi nating mahalin ang w0rk natin ang mga ta0ng nagpapasah0d satin para mabuhay di lang pur0 w0rk at pera nasa isip natin para sm0oth ang pgsasama,mabuhay para magmahal naman eh pweding alagaan natin sarili natin para sa mga mahal natin kase tay0 bread winner nila,sa buhay natin lahat may dahilan I believe walang ta0ng likas ang pagiging masaya lahat yan nagmamahal at gumagawa ng isang desisy0n para sila mabuhay

  6. Ishmael Fischer Ahab says

    Grabe. Isa na namang dilemma ito.

    Well intertwined ang dalawang yan. Nabuhay tayo kasi tayo ang bunga ng pagmamahal. Nagmamahal tayo para magpatuloy ang ating buhay.

    Medyo magulo. 😛

  7. roanne says

    B. Mabuhay

    Dahil ang buhay ay makulay pag sinabawan ng gulay!

    Seriously, ang sagot ko rin ung unang comment. But come to think of it, may dalawang uri ng tao sa mundo… strong and weak… sa mga taong strong ang personality, mabuhay para magmahal ang sagot nila. Sa mga taong weak naman or let's say a dying person… nagmamahal na lang sila para mabuhay…

    sinadya siguro ni Lord na maging iba-iba ang personality ng tao… para kailanganin nila ang pagmamahal at kalinga ng bawat isa…

  8. Chyng says

    walang sense mabuhay kung wala kang reason… at nagmumula yung reason na yun sa mga minamahal mo sa buhay.

    just my two cents

  9. Lord CM says

    @Blue…
    Iba iba rin talaga ang opinyon ng bawat isa, iba't ibang paraan kung gamitin ang pagmamahal…basta ang mahalaga andun yung pagmamahal at the same time nabubuhay ka at ang iyong mga mahal 🙂

    @Ishmael…
    Hehehe 😀 parang ung A lang nabanggit mo, pero tutuo nabuhay tayo dahil sa pagmamahal, at patuloy tayong mabubuhay para magmahal 😀

    @Roanne…
    Meron talagang taong ganun, nagmamahal para lang mabuhay, ginagamit nila ang pagmamahal para magawa ng maayos ang bagay bagay, yun nga lang kailangan mo munang magmahal bago ka mabuhay 😀

    @Chyng…
    Lahat naman ng bagay may rason, ang mahalaga alam mo ito gamitin ng tama 🙂

  10. Dhianz says

    takte! binabasa koh kanina yang tanong moh kaso medyo umikot yutakz koh.. nalerki akoh.. pero triny kong sumagot kanina.. kaso ang haba… nire-read koh…walang sense.. parang hanglabo lang.. nde na sana akoh rereply pero sige na nga… bihira lang naman mag-online lola moh eh… try koh… hmmm….

    opiniyon koh lang toh…para saken.. i'll choose A. kc mostly silah pinli ang B.! lolz.. nde A. kc ang dating eh… magmahal kah para mabuhay… nde ba't nabubuhay tayo sa pagmamahal… nde tayo mabubuhay nang walang any love sa aten… no love from others no love from God… or if we don't love others, our family, neighbors, kahit enemies… ourselves even… point it… kung gusto mong mabuhay eh magmahal kah… kc kung nde kah nagmamahal.. at kahit humihinga kah pa at tumitibok ang puso moh eh daig moh ang taong pumanaw sa mundo… so that's what keep us all alive… LOVE… no LOVE i don't think we can LIVE… yung nagsasabing wala silang LOVE indenial 'un… or kung nde man tao ang minamahal nilah.. they at least love material things… they love at least somethin' to keep them alive… oh ano buhay ka pa kuyah?.. kc nde koh na alam pino-point out koh.. ahaha…

    and B. kc… parang obligated kang magmahal… mabuhay ka parang magmahal.. parang pinanganak kah sa mundong itoh para magmahal… kailangan kah mabuhay para makapagmahal kah… parang yun ang purpose moh sa mundo… pero we created here on this earth for so much more.. yes to love but also to enjoy His creation… ano make sense pa bah?..ahaha.. two short question lang yan ha… bahala ka na umintindi… nde koh na ren atah na-getz… haha… rewired moh brain moh.. laterz!

    Godbless! -di

  11. Lord CM says

    @Dhianz…
    Yup,andun na tayo. lahat tayo nagmamahal, pero ang point is hindi lamang pagmamahal ang magpapaikot ng mundo natin. Kailangan natin mabuhay at buhayin ang mga mahal natin…hindi yung pag sinabi mong mahal mo eh hanggang dun na lang.

    May pangangailangan din ang mga mahal natin, ang sarili natin, hindi tayo o sila makukuntento sa pagmamahal lamang, kailangan din nilang kumain 😀 at sa palagay ko hindi mo sila mapapakain ng pagmamahal lamang…

    Sensya na, napalayo yata ang reply ko…naguluhan na ako sa entry ko eh lolzz

  12. Dhianz says

    hwag kang mag-alala kuya nde lang kaw naguluhan.. naguluhan den akoh sa sinabi moh.. and yeah don sa tanong.. ahaha… ingatz lagi kuya… tc! Godbless! -di

    btw itz so nice to see nah active ka pa ren sa blog… =)

  13. Lord CM says

    @Dhianz…
    Hahaha yun na nga, nagulo na ako…di ko na matandaan kung ano ang gusto ko iparating sa post ko 😀

  14. DRAKE says

    Akala ko boboto lang! May bakit pang kasama!hahah

    Ang sagot ko ay

    Mabuhay upang
    makapagmahal

    Dahil nilikha tayo ng Dyos para magmahal!

    Simple lang parang sagot lang sa Mr.Pogi!hahaha

    Ingat

  15. Lord CM says

    @Bangz…
    Ibig ba sabihin nyan kapag di ka na nagmamahal eh di ka na mabubuhay? o mali ang pagkakaintindi ko sa comment mo 😀

  16. Sardonyx says

    mabuhay para makapagmahal ang sa akin, basta ganun wala ng bakit ….hehehe tama lahat sinabi nila kaya di na ako magdadagdag….

  17. Lord CM says

    @Sardz…
    Hehehe 😀 lahat nga sila may point eh, tuloy ung dapat na maging point ko eh nagkagulo gulo, sinang ayunan ko na lang lahat ng comments nila lolzz

  18. bangz says

    kua cm tnx s comment mo
    ikaw ung mdlas kong kausap nung mga panahong nghhingi ako ng advice kung ano dpat kong gwin kapag ngkita kmi

    tnx..

    d ko matangggihan ang blogworld..

    dito na nakaaddress ang buhay koh..

  19. Jepoy says

    A. Magmahal para Mabuhay

    Ano pa nga bang silbi ng buhay kung hindi ka nag mamahal. Sana naging bato ka nalang kung hindi ka nag mamahal or sana naging robot ka nalang kung hindi nag mamahal. Kung buhay ka tapos hindi ka nag mamahal para kanarin patay.

    yun lang naman… Ingats!

  20. Melissa Is LOVE says

    Love is not a duty, nor a dictated purpose. It is a present made for us to enjoy our very own existence here in this world.. 🙂

  21. PUSANG-kalye says

    I agree, you need to survive in order to love….it's hard to do. but it's the right thing to do. love will end with the ending of your existence…..

  22. animus says

    B. Mabuhay upang makapagmahal

    mas maibibigay natin sa iba ang ating pagmamahal kung tayo ay (tunay) na nabubuhay dito sa mundo? ang hirap i-explain! 🙂

  23. Lord CM says

    @Bangz…
    walang anuman po 🙂

    @Jepoy…
    Hindi naman po sinabing hindi ka na magmamahal, magmahal ka pa rin pero wag mong iasa sa pagmamahal ang buhay mo 😀

    @Mel…
    Yan ang tutuo! 🙂

    @Pusang-Kalye & Tin…
    Ang hirap naman kasi kung nagugutom ka pero punong-puno ka ng pagmamahal 😀

  24. ch!e says

    ang mabuhay para magmahal…
    ang magmahal kahit hindi suklian…
    ang magmahal kahit na nasasaktan…
    ang magmahal na walang hinihintay na kapalit…
    ang magmahal ng hindi nagmamahal sayo…
    ang magmahal ng hindi karapatdapat na mahalin…
    ang magmahal at kalimutan ang sarili…
    ang magmahal at magsakripisyo…
    ang magmahal at mamatay dahil sa pagmamahal…

    teka, tama na to. naki-carried away na ko haha 🙂

  25. Kosa says

    ako din!
    masrealistic yung mabuhay MABUHAY at MAGMAHAL kase sa isa.
    nasabi na nila lahat ng rason kaya wala na akong sasabihin.

  26. ladyinadvance says

    uhmmm well masarap mabuhay at masarap din magmahal…so walang kwenta ang una pag wala ang huli at wala din kwenta ang huli kung wala ang una 😀

  27. PABLONG PABLING says

    parang dapat both. heehee
    pero A ang naboto ko dapat b sana e

    kung walang pag mamahal para ka na rin namatay

  28. Lord CM says

    @kosa…
    Hehehe 😀 edi sa B ka?

    @Jam,Lady & Pablo…
    Pinaikli ko lang ung sa Poll, ang tutuong pagpipilian eh yung nasa taas 😀

    Kailangan naman talaga natin magmahal at mabuhay, ang problema kung ano uunahin mo? magmahal para mabuhay o mabuhay para makapagmahal? 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *