Pader…Ang aking opinyon

Astig ang Pinoy pagdating sa pag-ibig sabi nga ng karamihan. Mangharana gabi-gabi, maglambing kahit minu-minuto, o kaya nama’y magregalo kahit walang espesyal na okasyon maiparamdam lamang ang pagmamahal na sa puso’y nag uumapaw.

Ngunit hindi lahat ay kagaya ng isang teleserye na sa kaunting panunuyo ay eto’t kayo na’y naglalambingan. May mga bagay o tao na itinakda para sa atin na makukuha mo lamang sa itinakdang panahon, at meron ding kahit anong pilit mo ay di mapapasayo dahil ito ay sadyang hindi para sayo.

Matuto lang tayong tanggapin na hindi lahat ng bagay nadadaan sa sapilitan, patuloy lang tayong masasaktan kung ipagpipilitan natin ang sarili natin sa mga bagay na hindi naman para sa atin…Maaari kang tumigil at mag iba ng daan, hanapin ang bagay na mas magpapasaya sayo, ngunit pwede ka ring magpahinga at maghintay ng tamang panahon para muli ay subukang maiparamdam ang pagmamahal na minsan mo nang inialay.

Pader man ito kung iyong ituring, dalawa lamang ang maaari mong gawin. Subukang magbago ng daan, o kaya nama’y maghintay ng tamang panahon upang malagpasan ito ng walang pusong nasasaktan.

May kanya-kanya tayong pakahulugan o opinyon sa entry kong Pader, ngunit dahil pahina ko to, opinyon ko ang mababasa nyo hehehe 😀 joke lang po…malalim daw kasi ung naunang entry sabi ng iba, ibigay ko lang sa mga mambabasa ang gusto kong maiparating.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. DETH says

    ahahaha,yahooo! base nga…

    okay kuya gets ko na ang opinyon mo…hehehe:D

    kaya ako, titigilan ko na ang pader na yan, tatahak na ko ng ibang daan…yahoo! wish me luck:D

  2. Lord CM says

    @Deth…
    At dahil naka base ka, hug kita! pero dito lang sa blog ah lolzz

    Hehehe 😀 Sige na nga good luck pero pag isipan mo rin, baka kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon para muling subukan…

  3. chikletz says

    pasaway kasi tayo. ganyan din ako minsan. tapos mahilig pang magfeeling na baka crush nya din ako kahit hindi naman. at the end nauntog pa ko sa pader.

  4. Lord CM says

    @Deth…
    Hehehe 😀 Sunod mag suot kang helmet para kahit magpilit ka eh hindi masakit 😀

    @Chyng…
    Kung ayaw, edi wag! Hehehe lolzz minsan nagbabago yan kapag pagmamahal na ang nararamdaman 🙂

  5. Lord CM says

    @RJ…
    Doc, kailangan eh at masyado raw malalim…sabagay kasi may kanya kanya tayong pakahulugan sa lahat ng bagay… 🙂

  6. Ruph says

    Bakit kailangan mong magpaliwanag parekoy?Di mo ba alam na sa paliwanag mong yan unti-unting nabubuhay ang matagal ko na sanang tinagu-tagong sakit dulot ng pag-ibig?hehe

    Medyo nakakarelate ako sa paliwanag mo parekoy..

  7. isladenebz says

    Nakakahiya mang aminin pero hindi ko pa rin maget kung bakit 'pader' ang pakahulugan mo sa isang bagay (o tao) na sa ngayo'y hindi mapasayo dahil sabi mo nga: "sadyang hindi para sa yo".

    A siguro ung damdamin nya ang itinuturing mong pader. Hindi mo matinag. Okay. Gets ko na.

    Sagot ko: Depende. If that thing you're craving for is worth the wait, then wait. Pero kung hindi naman, then let it go and channel your energies to more worthwhile things (or people).

    Happy New Year and Happy Three Kings!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *