Kailangan kitang iwasan…kahit sandali lang…

Isang linggo na pala ang lumipas nung una kitang iniwasan. Iniwasan hindi dahil ayoko na, ngunit may mga bagay na kailangan kong pangalagaan upang nang sa gayun hindi tayo tuluyang magkahiwalay.
Mahirap sa mga unang araw kapiling ang hindi nakasanayan, lalo’t hindi maiwasan na ika’y mapagmasdan. May mga araw na gusto kitang balikan, makasamang muli at hindi na iwasan. Ngunit anong magagawa kung puso’t isipan ang syang nakikipaglaban?

Gustuhin ko man ika’y balikan, ngunit kailangan ko rin isipin ang mga Mahal. Dahil kung hindi ka iiwasan, pati sila’y hindi na mababalikan.

Isang linggo na pala ang lumipas nung una kitang iniwasan, hindi pa rin sanay at madalas ka sa isipan. Wag mag alala at pasasaan ba, ika’y muling makakasama kapag nararamdama’y mabuti na.

Pakilala ko sana sayo ang pansamantala kong kasa-kasama, kayumanggi sya at walang kalasa-lasa. Hindi katulad mo, maputi na at mukhang kaaya-aya.

Wheat Bread,
maganda raw sa katawan at sa mga may high blood
pansamantala sya muna ang kanin ko…


At ikaw! Saka na uli tayo magkita,
kapag bumaba na blood pressure ko
at pag lumiit na ang 3 months kong tyan.
Pero nami-miss na kita…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Kosa says

    akala ko pa naman kung sino!
    taena…
    pero aminin mo parekoy, masarap ang bawal…

    pero kung para ba sa ikabubuti.. tiis lang at konting disiplina parekoy.

  2. Lord CM says

    @Chingoy…
    Sinubukan kong limited ang rice, kaso sarap ng rice dito eh napapasobra, saka ang daling makapagpataba ng rice dito, ewan ko ba 😀

    @Deth…
    Kinakaya na Deth, alam mo ba maganda sa Wheat Bread, 2 slice lang eh busog ka na…tapos dami pang benepisyo nito sa health, nabasa ko lang sa net 😀

    @Kosa…
    Sinabi mo pa pre, Disiplina na nga lang at baka ako na sumunod na mahospital dito

  3. PUSANG-kalye says

    ahaha—akala ko anu. pero yang mga simple pleasure/temptations na ganyan ang pinakamahirap iwasan talaga….ako naman sweets.kahit bawal sige pa rin. hay buhay.lol

    good luck. kaya natin yan.jejeje

  4. siyetehan says

    yan ang pinakamalungkot na kwento na nabasa ko ngayong araw na ito.

    kagabi lang eh may binati akong isang kasama sa simbahan- ang sabi ko sa kanya ay pumapayat sya.

    ang sabi nya sa akin, "nagbawas ako ng rice".

  5. Lord CM says

    @Pusang-Kalye…
    Ang hirap nga pero pakonti-konti masasanayan din yan..yun nga lang minsan tumitikim ng kahit konting kanin 😀

    @Life…
    Kaya nga pre eh, kaya ayan iwas muna sa sobrang kanin 😀

    @Tin…
    Puyat? Hehehe Di ko alam, kasi hintay ko lage PBB eh, 12 midnight p nman d2 yun 😀

    @Syetehan…
    Hehehe 😀 Di naman sya malungkot pre, actually para rin akong kumakain sa tamang oras kapag wheat bread ang kinakain ko…kasi lage akong busog eh 😀

  6. Jepoy says

    LORDCM baket ganun yung wheat bread walang lasa para akong kumakain ng lupa. I hate it! Balik na tayo sa kanin ahahhaha

  7. Alkapon says

    Iwasan mo na lahat ng klase ng butil..

    huwag lang ang butil ng tinggil..

    he he he he

    it's nice to be back…

    ang muling pagbabalik ni alkapon.. ang kidlat ng malabon.

  8. kox says

    gudlak kuya.. sana makayanan mo 🙂
    hehe.. akala ko na naman kung ano ng ngyare sayo.. haha.. ang seryoso kc eh. haha

    aja! 🙂 godbless

  9. apieceofkeyk says

    coming from a daughter na merong high blood na tatay, mas mainam nga na bawasan mo muna ang rice (not necessarily "iwas" talaga). pwede ka siguro mag-rice sa lunch kasi kailangan mo ng energy sa work mo but in moderation, at wheat bread sa gabi bilang diet.

    i would suggest na isama mo rin ang cranberry juice sa diet mo. magaling ito para mapanitiling normal ang blood pressure. at higit sa lahat, ingat 🙂

    baka makatulong: http://www.gicare.com/diets/high-blood-pressure-diet.aspx

  10. Sardonyx says

    kala ko naman kung ano ang iiwasan mo hehehe, ako rin dapat umiwas na sa rice, dapat magdiet talaga…pero ang hirap pag walang kanin….sanayan lang nga sige good luck sana makatagal ka hehehe, hula ko eh mga……ilang araw lang yan LOL

  11. E??su?J says

    heheheh….

    akala ko kung ano yung iiwasan mo ehh…

    ndi kaya masarap ung wheat bread…
    hehehehe..
    pero tiis tiis pare…:))

  12. Dhianz says

    naks naman… healthy! i'm proud of yah kuyah… pagpatuloy moh yan… itz good for 'ur health… akoh ren prefer koh ang wheat bread than white… pero kuyah kung gusto moh kumain nang rice eh okei lang naman… juz exchange it w/ brown rice.. 'un healthy yon… ginagawa koh yon pero lately white rice akoh… kc 'un ang meron sa haus.. pero pag may choice akoh eh i go for brown rice and wheat bread… naks naman… feeling koh eh noh kung mag-advice.. kala moh kung sinong healthy… haha… pero yeah… pagpatuloy moh kuya… magsilbing kang inspirasyon sa amen.. naks naman.. haha.. laterz kuyah.. Godbless! -di

  13. Lord CM says

    Makapagreply na nga!Dami nyo na eh lolzz

    @April…
    Sa umpisa talagang di kaya, pero makakasanayan din naman, kita mo naka one week na ako 🙂

    @The Pope…
    Yeah!Kinakaya ko, thanks pre

    @Jepoy…
    Hehehe 😀 Ganun talaga ang wheat bread, gusto mo lagyan mo ng palaman na porkchop lolzz

    @Renz…
    Sabi ko rin dati yan eh 🙂

    @Alkapon…
    Ay yan ang tama! lolzz

    @Badong…
    Salamat 🙂

    @Kox…
    Seryoso ba? hehe, mahilig ako sa ganyan eh

    @Enjoy…
    Alam mo kahit walang rice, eh may gana ako magwork…nabawasan nga pagiging antukin ko sa opis eh 😀

    Cranberry Juice minsan sinasama ko kaso ang mahal! 😀

    Thanks nga pala sa link, magagamit ko yan 🙂

    @Sardonyx…
    Hehehe 😀 Aabot ako ng ilang buwan, kasi boss ko inabot ng 2 months na puro wheat bread lang…

    @Chyng…
    Sanayan lang chyng, try mo…

    @glentot…
    hanggang 2012 na lang ba talaga?!!! lolzz

    @Jen…
    Mare, may palaman naman eh, porkchop lolzz

    @Marco…
    Sabi nga ni Mareng Jen, walang lasa parekoy, at sabi ni Jepoy eh lasang lupa kaya hindi masarap 😀

    @Drake…
    Di pa ako naniniwala lolzz, nakokontrol pa naman eh

    @Dhianz…
    Sabi na healthy yun eh :D, brown rice?wala ata dito nyan Dhi, meron dito white rice na ang dali makapagpataba 😀

  14. dhyoy says

    hehehehe…. di ko kayang walang rice nanghihina ko… at saka nag-aalburuto mga alaga kong sawa sa tiyan ko…ok lang naman magrice ah, basta hindi sobra-sobra…

    try mo sabayan ng grapes, magandang pangdiet yun 🙂

  15. Lord CM says

    @dhyoy…
    pwde nmn magkanin, pero iniwasan ko rin…siguro minsan sa isang linggo kakain akong kanin 😀

    Grapes? kailangan ko ata ng explanation lolzz

  16. gege says

    NAPAKAHIRAP NYAN!!!
    ahaha.
    pero i belive in you Lord CM!!!
    haaaaaaaaaaayst.
    ang kalusugan ay kayamanan.
    (hehe.)
    konting tiis lang!
    magkakasama rin kayo, maging komportable ka lang kay WB. hehe.

    gogogogo!

    good luck po at God bless!

    😛

  17. Misalyn says

    Good for you…kaya mo…ako waaaaaaaaaaaaaaa hindi ko kaya.

    Bagay 'to sa akin hehehhe…hypertensive ako eh, pero tigas pa rin ang ulo ko, binabawi na lang sa ibang bagay.

  18. Lord CM says

    @misalyn…
    sanayan lang naman, pero after siguro maging ok ako eh balik ako sa kanin pero kontrol na…

    Share naman yung ibang bagay na yun 😀

  19. Misalyn says

    Sabi ng dietician sa akin ( been to a dietician last week lang) instead of rice, pwede ko gamitin ang potatoes as a replacement. Halos parehas ang caloric content nila pero mas madaling madigest ang potatoes dahil may kasama itong fiber which is very good sa gut. Ang ginagawa ko since hindi ako makatiis sa rice, sa umaga bago pumasok (kapag may duty) kanin ang kinakain ko at sa lunch and dinner, potatoes na.

    Dati kasi mahilig akong uminom ng juice na nasa bote or lata, sabi ng dietician sa akin, mas maganda na bumili ako ng prutas at ako mismo ang gumawa ng juice. I did and effective naman. Nabawasan ang bilbil ko hehehe.

  20. roanne says

    lordcm: 12" na plato haha!

    misalyn: naku wag ka masyado sa potato coz it goes straight in the ass… Ok yun sa mga walang butt pero pag gifted ka na wag na masyado…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *