Buhay OFW na naman…

Kanina lang isinugod ang isang kasamahan sa hospital, di ko pa alam kung dahil ba sa high blood o atake sa puso, isa lang ang malinaw nasa ICU sya ngayon.

Sa mga tulad kong OFW alam na kung ano ang dapat asahan sa ganitong panahon, hindi kamag anak ang magbabantay sayo sa hospital, hindi rin kadugo ang mag aalaga sayo dahil hirap kang tumayo, kumain o gumalaw, ang pinakamahirap may oras ba para sayo ang mga taong hindi mo kamag anak o kadugo na bantayan ka man lang o alagaan habang naghihirap ka sa hospital.

Ang bawat OFW ay nakipagsapalaran upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mahal sa buhay na naiwan sa sariling bayan, magtrabaho o kumita para lang may maipadala. At kung maaari lang na sumobra sa oras ang pagtatrabaho, gagawin nito upang madagdagan ang katiting na sinusweldo.

Pero eto’t may isang kababayan ang nangangailangan ng tulong, nasa hospital, walang kamag anak, may mga kaibigan ngunit kailangan magtrabaho…Sino ang mag aalaga sa kanya at magbabantay?

Isa lang ang naisip ng kumpanya para kahit kaunti ay makatulong. Gamitin ang oras ng pagtatrabaho upang mabantayan ang ating kababayan bente kwatro oras…Isa ako sa naka-schedule upang magbantay sa kanya, imbes na pumasok sa trabaho, diretso ako sa hospital ng alas otso ng umaga upang bantayan ang ating kababayan, pagdating ng alas singko ng hapon may darating na isa pang kasamahan upang palitan ako. Ang mga napiling empleyadong magbabantay ay magpapaikot ikot lamang hanggang sa tuluyang makarecover ang ating kababayan.

Di ko dapat gawin kung tutuusin, hindi ko kamag anak o kaibigan man lang ang babantayan ko sa hospital at aalagaan. Pero kung iisipin mo, eto na lang ang pinakasimpleng maitutulong sa kababayan na nangangailangan, bakit hindi ko pa ibigay? Malay ko kung sa akin naman mangyari ito at ako mismo ang mangailangan ng tulong ng iba, dba? Kaya GO! bantayan ang kababayan at alagaan…

Bakit ko nga ba ito kinukwento?…Kung hindi ka OFW at nagbabalak maging isa sa mahigit labing dalawang milyong Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibat-ibang bansa, Para sayo to! Ilagay mo ang sarili mo sa kababayan nating nasa hospital sa mga oras na to, Kakayanin mo ba? Makikipagsapalaran ka pa ba?

Ako? OO!Kakayanin ko!, dahil may mga taong umaaasa sa akin at nagpapahalaga sa mga bagay na nagagawa ko.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Kosa says

    Ako ba una?
    Base muna!

    Saludo ako sayo parekoy!
    Gayundin dun sa may ideya nito.
    Ito yung isang bagay na hinahangaan ko sa pagiging isang OFW. Tulungan at pagkakaisa.

    Well, sabihin na nating Hindi sa lahat ng oras pero tama na siguro yung madalas… Sana dumami pa yung katulad Nyo parekoy!
    GBU all!

  2. Lord CM says

    @Kosa…
    Hehehe 😀 Wag mo ako saluduhan parekoy, may parte kasi sa akin na ayaw kong magbantay kasi di ko naman sya ka close, at di ko nakakausap dahil nasa ibang barracks sya…

    Pero dahil na rin sa alam kong makakatulong ako kahit konti, at naisip ko rin na baka sa akin mangyari yun eh, sige na!GO na ako jan 🙂

    At sa tingin ko, kahit sino ganun din ang gagawin…

  3. Coffeeveggie addict. says

    naalala ko tuloy bigla yung 3 na inalagaan ko dati na kasama ko sa w0rk isang naputulan ng bras0,isang nadaganan ng 4cliff at isang na0pera sa bituka,di madali maging bantay sa abr0ad kase kumakay0d din tay0 gaya ko night duty tp0s direts0 bantay sa 0spital,my p0int is di madaling maging ofw ke ikaw may sakit o ikaw magaalaga,mswerte mga nasa pinas kase dami sila nakakaramay sa mga panah0ng ganito samantalang tay0 pahirapan ng may mgmamagandang lo0b,nai2cip ko nga lagi sana parati tay0ng malakas at malay0 sa sakit

  4. Chyng says

    how was he? yan nga ang mahirap talaga, malayo sa pamilya sa panahon na kelangan nyo ang isat-isa..

    sana naman maging ok yung kasamahan mo..

  5. Lord CM says

    @Blue…
    Yun na nga lang siguro, panatilihing maayos ang kalusugan at ingat sa lahat, mahirap man pero kailangan eh 🙂

    @Chyng…
    Nakakausap na raw sya ngayon, sana nga maging okey na sya…

    @Marco…
    Darating at darating ang panahon na yun sa atin, paghandaan na lang 🙂

  6. nortehanon says

    Nakakatuwang isipin ang scheme na ginawa ng kumpanya ninyo. Hindi ko alam kung ilang kumpanya sa panahon ngayon ang magpapabantay sa isang empleyadong may sakit sa oras ng trabaho. I salute your company, and I salute those who watch over our OFW kababayan kahit na hindi siya kakilala at ka-close. I hope maging okay na siya.

    Tama ka, those who plan to work abroad should really consider these things. Kasi maaaring hindi kayanin ng iba.

    Have a blessed day, Kapatid.

  7. Life Moto says

    one time na hospitalized ako for kidney stone removal. though half day lang ako but hirap ng wala nagaalalay sayo. my wife cried while i was in the hospital.

    we have to be strong and cling on to our Lord.

  8. DETH says

    this reminds me of an experience last year nung nagkaroon ng nervous breakdown ang isa sa mga housemate at kaibigan ng ate ko d2…

    natouch ako sa pagtutulungan nilang lahat at pagmamalasakit nila… eventhough dumating sa point na naging bayolente at uncontrollable na yung kasamahan namin, they still stood by her, tinapangan nila ang loob nila to protect her para lang masiguro ang kaligtasan niya…hanggang sa dumating ang medical team…palit-palitan din sila noon ng magbabantay sa kanya sa ospital hanggang gumaling siya…

    nung dumating ang nanay niya, naluluha ang lahat dahil umiiyak ang nanay niya sa lubos na pagpapasalamat sa lahat ng housemate na hindi nagpabaya sa anak niya…

    maaring isa nga ito sa pinakamalulungkot na parte ng buhay OFW…

  9. DETH says

    ayun napakwento tuloy ako ang sasabihin ko lang sana eh, nakakatuwa at may ganung initiative ang kumpanya na ina-allow kaung bantayan si kabayan (clap clap) at salamat sa inyo na nagbigay ng mga oras niyo para sa kanya:D

  10. isladenebz says

    First, I commend your company. May puso sila.

    I also commend you and your officemates.

    Ang Maykapal na ang bahalang magsukli ng inyong kabaitan.

    Sa mga susunod na henerasyon ng OFW, hindi dapat maging hadlang ang ganitong pangyayari. Minsan, mas nakakaramdam pa tayo ng pag-iisa sa piling ng ating sariling pamilya. (Lalim!).

  11. I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGSPOT says

    mahirap nga, pero ganon naman talaga ang mga pinoy abroad di na kailangan maging kamag anak para magdamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *