Binabawi ko na…

Masama pakiramdam ko kaninang umaga kaya naisipan kong hindi na lang pumasok sa work. At para walang istorbo, ni-lock ko ang pinto ng room ko tapos sabay sounds ng malakas habang natutulog.

Kasarapan ng tulog ng bigla akong nagising dahil may naramdaman akong kakaiba sa aking binti, parang tumitigas ang masel ng kanang binti ko. Pinupulikat na pala ako! Hindi ko na magalaw ang paa ko at sa sobrang sakit eh napaluha pa ako.

Habang namimilipit ako sa sakit, iniisip ko na pag tumagal pa ang pamumulikat ng binti ko eh hihingi na ako ng tulong sa mga tao sa labas. Kaso naka-lock ang pinto ko, malakas ang sounds ko, paano maririnig ng nasa labas ang sigaw ko at kung sakali man paano sila makakapasok sa room ko eh naka lock nga at hindi ko maigalaw ang paa ko para man lang sana tumayo.

Buti na lang walang isang minutong nanakit ang binti ko at nawala rin agad. Bigla kong naisip, paano na lang ako kung sakaling lumala ang sakit ng binti ko?

Kaya nung nawala ang sakit ng binti ko, tinanggal ko na rin ang “DO NOT DISTURB” na nakasabit sa leeg ko…Istorbohin nyo na ako hanggat gusto nyo, mahirap mawala ng nag-iisa…at etong hapon nga eh pumasok na ako sa work, wala na rin ang sama ng pakiramdam ko…

Salamat Bro at ginawan mo ng paraan para maintindihan ko ang mga bagay na nangyayari sa akin…Di ko pala kayang mag isa

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    thank God 'ur ok kuya… but i guess once in a while eh okei lang magsabit nang NO DISTURB sign.. nde naman maiwasan na may times na we want some moment alone… but hey.. hwag mong kalimutan… kahit walang tao sa paligid moh.. nasa gitna ka nang kawalan… eh nde ka pa ren mag-iisa.. kc nasa tabi moh lagi si Bro sa taas… for sure… prayers at all times… and sabi nga He will never leave you nor forsake you… thank u po God for makin' us realize so many new things… you make us understand things that we don't comprehend.. make us appreciate struggles that happens to us… and basically thank for all the little things that yo'ure doing for us… and syempre po for always protecting us… oh devah… God is awesome… ingatz lagi kuya CM… Godbless! -di

  2. chikletz says

    hala.. buti hindi lumala ang mga pangyayari. buti ok ka lang. ako nga laging locked ang pinto sa kwarto. pero hindi naman mahilig magpatugtog habang natutulog.. grabe kakapraning ang experience na yan ah.. tsk.

    He is always good.

  3. DETH says

    @LordCM – ayan dahil binawi mo na, IISTORBOHIN NA KITA ULET!!!

    ahahahaha:D

    naku madalas din akong pulikatin, si ate parating nagigising kapag sumisigaw ako sa gabi…

    ayan kitams…may purpose ang lahat ng bagay, kahit kameng mga istorbo, may purpose…hehehe. ingat kuya…alagaan ang health:D

  4. Jag says

    Goodness! Ang hirap tlga pag nag iisa tulad ko huhuhu walang kasama sa bahay…hayz! Ja, bago ka matulog uminom k ng tubig para maiwasan n ang pulikat next tym…

    ingat!

  5. Yellow Bells says

    to everyone: madali lng ang solution kapag pinupulikat kayo..what you have to do is bend your toes as far as you can towards the upper front of your feet paibabaw hindi pailalim, in this toes position it will lessen the pain and madaling mawawala ang pamumulikat nyo.

  6. Mr. Thoughtskoto says

    hi CM, I am back at kung ano man ang binabawi mo, okay lang yun bibigyan na lang kita hehehe. Wait mo lang sometime this week ah! HEHEHE

    mISSED dUNGEON SO MUCH!

  7. animus says

    salamat naman at wala na ang 'DO NOT DISTURB' na sign…pwedi na ulit mang-istorbo dito…yehey!!!..good to hear din na ok ka naman dyan..take good care of your health. God bless you always! 🙂

  8. Chyng says

    madalas yan mangyari sakin, beefore I use to shout pa for help. ngyaon alam ko na, galaw galawin mo lang toes mo, mawawal din agad ang muscle pain.

  9. Renz says

    buti naman at ur ok..grabe mahirap mapulikat lalo na pag nasabinti na at nagsuswimming..madalas ako maganyan..buhay pa naman ako..ingat lng ho palage

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *