Tigilan ko na kaya ang pagba-blog?

Araw ng linggo, isang umpukan na may inuman, kwentuhan at kulitan…May binata, mag asawa at may matatanda…Madalas ang sitwasyon na ganito sa mga OFW na tulad ko, pampalipas oras at pampaalis homesick.

Dumating sa puntong matanda na ang nagkukwento, seryosohan at may halong sama ng loob sa mga nakapaligid sa kanya…Si LordCM tahimik lang, nag iinom at nakikinig sa seryosong usapan…Hindi na kayang manahimik ni LordCM, lumagok ng Red Horse at sabay sabing…

May mga bagay kasi tayong ginagawa na ang buong akala natin tama, tama para sa atin at tama sa paningin ng iba…ang hindi natin alam, mali na pala ito at masyado nang nakakairita…Minsan makinig ka rin sa opinyon ng iba at hindi lang sa sarili mong panghuhusga…Dito mo lang kasi malalaman na may mali ka na…

Natigilan ang lahat, tahimik…sabay sigaw “SHOTTTT!!!

Sa isip-isip ko, “Tigilan ko na kaya ang pagba-blog?” lolzz

Happy New Year sa Lahat!!!At salamat sa lahat ng bumati…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ANENG says

    wahaha..TAOB naman po ung mga kasama mu doon.
    lasing ka na po ba nung sinabi mo iyon!?!?

    bwahaha.. anu iniinom nyo po? masarap b?. bwaheheh. nakikigulo!. ako una nagcomment, hayan pangit na site mo. haha.

    isang maaneng araw sa iyo kuya.
    babay. 😉

  2. Ruph says

    @aneng, sabi redhorse ang ininom ni Lord eh ang kulit mo..hehe

    @Lord,at bakit mo naman titigilan ha?lasing ka lang parekoy kaya mag-isip ka!lolz

  3. Lord CM says

    @Aneng…
    Nabigla lang naman at hindi tumaob lolzz

    @Amor…
    Hindi na nga!Tuloy-tuloy na to parekoy, takot ko lang sayo hehehe

    @Ruph…
    Hehehe 😀 di naman ako lasheng, kontil lang naman nainom, tamang kwentuhan lang 😀

    @RJ…
    Pinag iisipan ko pa lang pre, hayaan mo mas lamang ung ipagpatuloy ko to 😀

  4. E??su?J says

    kung nasaan naman yung puso mo pare, dun at dun ka pa din babalik kahit ilang libong taon pa ang lumipas (buhay pa kaya tayo nun?)….

    hehehehe…

    kaya pahinga siguro saglit…
    tapos, blog ulit…
    ^_____^

  5. Life Moto says

    wag kang mag paiyak bagong taon pa naman! Bro andito lang kami sa tabi mo. walng iwanan! 🙂

    Happy new year pare ko!

  6. Yellow Bells says

    isang minutong senti lng yan, senglot na kasi, wag kayong magalala mga folks, nasa dugo na ata ni LordCM ang bloodgging!!!heheheh Peace po. Happy New Year

  7. Lord CM says

    @Jen…
    Ayun oh!Seryoso si Mare, usapang puso na naman eh, sa inuman at blog lang ang usapan lolzz

    Di nman aq titigil sa pagbabablog, depende na rin syempre kung may matinding dahilan..pero sa ngayon enjoy pa ako eh 🙂

    @Life Moto…
    Salamat pre, wala talagang iwanan ah? 🙂

    @Yellow Bells…
    Malapit ko na ngang isipin na nasa dugo ko nga yata ang pagbablog, di ko maiwan eh 😀

    @Blogusvox…
    Yun din naisip ko pre kaya natahimik sila, bandang huli naisip ko baka maling timing ung pagsingit ko 😀

    @Deth…
    Hehehe 😀 kaya nga SHOTTTT ung nilagay ko para di mapagkamalang SHOOOOT eh lolzz, eh buti na nga lang at wala silang dalang baril 😀

  8. Renz says

    lumalabas ang katalinuhang taglay XD XD

    sana ganyan din ako pagnalaseng XD

    at sa pagtigil sa pagbloblog..nasa iyo yon Lord CM. Pero isipin mo lang na ang mga kagaya kong mini-blogger ay naiispire sa mga blogs mo 😀

    Happy New Year na din (nakigaya) XD

  9. dhyoy says

    burti di sila napanganga? hahahaha…

    binanatan mo pa sana ng ganito :

    Minsan tinitignan mo lang ang gusto mong makita.. pinakikinggan mo lang ang gusto mong marinig.. bat di mo subukan intindihin yung hindi mo maintindihan? Baka sakaling malaman mo yung dapat mong maramdaman…

    haha baka itaob na nila yung mesa…

    at bakit k naman titigil sa blogging? explain!

  10. Lord CM says

    @Renz…
    Hehehe 😀 Di pa naman ako lasheng, kaya lang mejo nairelate ko lang ung usapan sa mga nababasa kong blog kaya feeling ko eh magko-comment ako sa blog ng iba 😀

    At bigla naman akong nangiti sa nabasa ko, salamat 🙂

    @dhyoy…
    buti nga di ako binato ng red horse eh lolzz

    Ey!Sulat ko lang ung comment mo at baka maisingit ko uli sa kwentuhan hehehe

    Ekspleyn?!!!Ganito kasi, di naman talaga ako seryosong tao, magaling akong mang asar at makulit daw sabi nila…pero ung oras na sinabi ko yun, at nabigla sila eh naisip ko, apektado na ata ako ng pagbabablog ko ah! ayun naisip kong itigil na lang at baka mabato pa ako ng lamesa sa susunod lolzz

    oh ayan, todo ekspleyn na yan ah!

  11. Mr. SpongeTAB says

    Lord Cm, plz wag kang titigil sa pagbloblog, dahil kung wala na kayo, wala na din akong magiging inspirasyon sa pagsulat sa blog ko…
    kung wala ka na, wala na akong magiging libangan,..ang punuin ang utak ko ng mga nakakaiyak, nakakatuwa at mga bagay na hindi ko nalalaman sa mga taong nakapaligid sa akin.at nagagawa ko lang ang mga yun sa pamamagitan ng pagbabasa sa blog mo…

    HAPPY new year tsong..

  12. Noel Ablon says

    EMOng lasing hahaha! epekto lang yan ng alkohol.

    Sabi ng isang kilalang psycho, ang pag-inom ng alkohol ay isang selfish act kaya pag nalalasing na ay nakakaisip ng mga bagay-bagay to make-up for his/her selfish act by saying nice things, minsan tungkol sa governement at kung ano-anong craps.

    Di ko alam kung totoo yun sinabi niya. Kasi nung mga lasing days ko…. di ko maalala lahat ng sinabi ko – hahaha!

    My lasing days are over, ibinaoon ko na sa limot. Kasama na sa mga nai-duwal ko sa kanal ng huling malasing ako haha!

    Happy New Year bro!

  13. Sardonyx says

    bakit ka naman titigil??? wag kang mag emote dyan no, ngayon pa nga lang ako madalas magcomment sa blog mo saka ka naman titigil? walang iwanan! hehehe…"kung alam mong mali, tama ka"- sards LOL….teka congrats uli ha!!!

  14. The Pope says

    Parang Kodakan…. SHOTTTT!!!!

    Tigilan mo na kaya ang pag-SHOTTT hahahaha, mag blog ka na lang, di ka pa malalasing hehehehe.

    Happy new Year!!!

  15. I am Xprosaic says

    Weh… di nga… jijijijii… happy new year! jijijijiji

    Sama nasa utak ko pag sinabing… SHOTTT!!! jijijijiji

  16. Lord CM says

    @kox…
    Hehehe 😀 di pa ako titigil ah, d2 pa ako

    @Mr. SpongeTAB…
    Parekoy, kung sakali marami p jan blogerong mas magagaling magsulat at mag inspire ng mga kagaya nating blogero, wag ka lang hihinto sa paggagala sa blogsphere 🙂

    @Noel…
    Siguro nga pre, may tama rin ung psycho na nagsabi nyan…sa tutuo lang yung ibang sinasabi ko dito at sa ibang blogger, minsan ako ang may kailangan makarinig nun eh…Payo ko sa iba, para sa akin din pala 😀

    @Sardz…
    pansin ko nga!napapadalas ka na magmula nung nanalo ka sa PEBA 😀

    Congrats din sayo 🙂

    @The Pope…
    Ayun lang, sige pre, try ko tigilan pero wag muna ngayon lolzz

    @Xprosaic…
    Share naman jan nasa isip mo lolzz

    @Chikletz…
    toinks! parang nabasa ko sa EDSA yan ah hehehe

  17. etchosera says

    May mga bagay kasi tayong ginagawa na ang buong akala natin tama, tama para sa atin at tama sa paningin ng iba…ang hindi natin alam, mali na pala ito at masyado nang nakakairita…Minsan makinig ka rin sa opinyon ng iba at hindi lang sa sarili mong panghuhusga…Dito mo lang kasi malalaman na may mali ka na…

    galeng galeng naman. ang ganda ng sinabi mo dito? lasheng ka ba? joke joke joke 🙂

    Happy New Year

  18. gege says

    natawa naman ako sa bigla mong naisip kuya…
    ahahahaha!!!
    okei yun, tahimik ka tapos biglang eksena!
    taray!!!
    ahahah.
    HAPPY NEW YEAR!
    😛

  19. fiel-kun says

    happy new year po sir LordCM ^^

    Don't stop blogging please!!! I know passion mo na ang pagba-blog at mahirap itong iwanan 🙂

  20. SEAQUEST says

    HAppy nEw Year sa dami ng nagsabi ng SHOOT baka mat amats ka na kuya hehehehe..kaya Have a Blessed NEw year na lang..

  21. ladyinadvance says

    huwaawww ang lalim pero kung gaano kalalim ang sinabi mo ganun din kalalim ang impact nito sa tin… 😀

    but please wag mong tigilan ang pag blog…mas nakakairita un at isang malaking MALI…hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *