Pader

Wag mong pagtulakan
ang sarili mo sa pader,
Di mo na nga ito matitinag
ikaw pa ang masasaktan…

Matinag mo man ito,
sigurado hindi na buo…

may original quote ‘to sa tumblr.com
kaso di ko matandaan ung saktong quote
at kumpletong site address, sensya na

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. A-Z-E-L says

    ang luwang sa gilid oh… ba't kase dun sa pader mismo nagsusumiksik. ayan tuloy sakit ng katawan ang inabot!

    may tamang daan… at tamang paraan. at umasa kang ang tamang daan at paraan na yun ay kadalasang hindi ayon sa daan at paraan na gusto at kaya mo.

    minsan kase kahit nakaupo ka lang at walang ginagawa, nasosolve na lang ang problema bigla!

    (sino bang kausap ko?)

  2. Lord CM says

    @AZEL…
    Andito aq AZEL, kausap mo 😀

    Kahit naman maluwang eh kung gusto nya duon dumaan?! lolzz

    Tulad ng sabi ng karamihan, rurupok din yan pagdating ng panahon…Kaw na bahala kung mahihintay mo o hindi

  3. Lord CM says

    @Iya_Khin…
    may mga bagay na pwedeng gawin pero hindi dapat.

    @Ruph…
    Anong tutuo? tsismis yan ah! lolzz

    Kung ano brod ung unang pumasok sa isip mo na kahulugan ng nasa taas, tama ka.Dhil yun din ang ibig kong sabihin 😀

  4. isladenebz says

    Lalim naman.

    Happy New Year, Charlie!

    Kaya kasi may pader dahil may itinatago o kaya pinoproteksyunan.

    Maliban na lang kung tayo ang gumawa ng pader, sa palagay ko dapat hindi natin ito tibagin. Magagalit ang may-ari. Hehe.

  5. DETH says

    hanglalim naman nyan, ako tinitibag ko na ang pader na tinayo ko…ahahaha

    mas maganda kase kung wala ng pader na kelangan banggain o akyatin, mas makikita mo nang bonggang-bongga ang mga dapat mong makita sa labas…(may sense ba?) ahahaha

    Happy New Year Po Kuya CM!

  6. gege says

    korek!
    ako, madalas go for the gold ako kahit na napakatatag na pader pa ang kailangan kong suungin…
    dapat lang alam mo na masakit ang mangyayaring pagbangga!
    ahaha.
    ay, lagi akong nauuntog…
    gulo ko…
    😛

  7. fiel-kun says

    hmm…may kinalaman ba ito sa isang taong nasa higher position na mahirap banggain? *just curious* ^^

    anyways, happy happy 2010 sa iyo parekoy!

  8. Misalyn says

    Ang lalim ah..napaisip ako bigla. Pwede namang hindi mo banggain ang pader, pwede mong lagpasan at tahakin ang ibang lugar, yung walang pader na kailangang banggain, yung daan na pwedeng daanan ng lahat.

    Happy New Year to you and to your family. Wishing you a wonderful year filled with love, joy, and good health.

  9. Ishmael Fischer Ahab says

    Wow pa-deep. |:-P

    Dapat maging mautak. Dapat wag banggain ang pader na yan. Mas maganda na nagdala ka ng heavy equipments para durugin yang pader na yan. Tsk tsk tsk.

    Anyways, happy New Year sa iyo. God bless you and more power.

  10. Kosa says

    mga nagtitxt siguro kaya hindi napansin ang pader….
    sa gilid panigurado may gate yan…

    Happy new year parekoy

  11. dhyoy says

    eh baket kase? basta ako hind ko ipagpipilitan sarili ko sa pader… may bubong naman at sahig… maraming choices hahaha…

    sabi nga nila, kapag ayaw wag pilitin malay mo pumayag… 😆

  12. ladyinadvance says

    pwde din banggain pero depende sa kung anong klaceng pader ang babanggain mo..if you think na makakaya mong banggain then go for it but you have to bring with you patience, hope and lakas ng loob dahil hindi madali ang gagawin mo, it will take time…..
    pero pag alam mong hindi mo tlga xa kayang banggain kahit ginawa mong lahat then stop and move on, hanap ka ng iba dahil hidi para sayo ang pader na binabangga mo…

    aayy sana may konek.. 😆

  13. Francesca says

    ang pader matigas yan.
    Ang maka melt lang nyan ay pukpokin para mabasag, at hindi katawan kundi martilyo.

    Pero merong pader na kahit ano man ang mangyayari, hindi eto natitibag.
    Yun ay ang pader na "Salita" ng Diyos.
    Anong batas man sa buong mundo na gawa ng mambabatas, nababago,Na ti twist, pero ang batas ng Diyos, never ito bumalik sa Author without results.
    Doon na tayo sa matibay. bow.

  14. Francesca says

    sabi ni Lolo, a wall is a protection.
    It can be an obstacle.
    The only thing to survive the wall is to know the right from wrong, to know our left from our right.

    Para alam natin kung yung wall na nakaharang is a protection or an obstacle.
    Lalim nga.
    Kelangan pang pagisipan…lol

  15. RJ says

    Pader!

    Magtatatlong taon na sa January 16, pakiramdam ko ay nakatayo lang ako sa harap ng pader na 'yan. Walang nangyayari sa aking estado rito sa kinaroroonan ko ngayon.

    Subalit masaya pa rin naman ako, dahil biniyayaan ako ng malusog na pangangatawan at mga taong patuloy na nagmamahal sa akin ng walang hinihinging kapalit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *