Ngingiti ka na ba?

Sa December 8, 2009, sa ganap na alas otso ng gabi magkikita-kita tayo sa isang lugar…Lahat ng makikiisa sa Isang Minutong SMILE ay maaaring mag-online at maki-ngiti sa lahat…Magka-countdown ang bawat isa hanggang sa umabot sa saktong oras na alas otso ng gabi at sabay-sabay na ngumiti sa loob ng isang minuto…

Ang saya no?…pero imposibleng mangyari, kaya nga hindi ko inaasahan…Eh bakit meron pang Isang Minutong SMILE?, wala lang! Ano ba naman yung tumatak sa isipan ng mga nakabasa ng entry ko na sa darating na December 8, 2009 ay kailangan nilang ngumiti ng isang minuto. Hindi naman kailangan magtipon-tipon upang masagawa ito eh, ang kailangan natin magkaruon ng oras para sa pag ngiti, matanggal man lang ang mga problemang bumabagabag sa ating isipan kahit isang minuto lang. Kung maaari nga lang na magawa mong ngumiti kada minuto sa bawat oras na bumububuo sa araw-araw eh bakit hindi? Mas masaya nga yun kung halos minu-minuto ay nakangiti ka…

Special ang araw ng December 8 para sa akin, maraming nakaraan ang masarap alalahanin sa araw na to, pero wala pong mangyayaring ispesyal sa December 8, 2009 para sa Isang Minutong SMILE, gusto lang iparating ng may akda na malaya ang bawat isa sa atin na ngumiti sa kahit anong oras nya gustuhin…gusto lang iparating ng may akda na maaari pa rin tayong ngumiti kahit pa sobrang daming problema ang iyong dinadala, kahit pa sobrang dami ng iyong ginagawa, kahit pa sobrang pagod tayo sa trabaho..o kahit ano pa man ang bumabagabag sa iyong isipan…

Wag po nating hayaang dalhin tayo sa kung saan ng negatibo nating emosyon, wag tayong padala sa mga problemang bumabagabag sa atin ngayon bagkus bigyan mo ng matamis na ngiti ang iyong sarili, ipamahagi sa iba at kalimutan ang problema…Mare-realize nyo na lang na sa bawat pag ngiti mo’y nababawasan ang bigat ng iyong dinadala, ganun din sa pagbibigyan mo nito…

At kung hirap kayong pangitiin ang inyong sarili, nasa taas ang video ng Isang Minutong SMILE upang magbigay ngiti sa inyo…Ewan ko lang kung sa bawat ngiti ng mga kaibigan natin sa video eh di mo suklian ng isang napakatamis na ngiti!

Ayaw mo pa ring ngumiti?! Oo alam ko, mahirap ngumiti kung marami kang problema, pero TAO ka, mas angat ka sa iba…papatalo ka ba kay ‘muning’?!

from http://9gag.com

Ang lahat ng problema’y
kayang lagpasan
Ngumiti ka lang muna
at masosolusyunan mo rin yan

Para po sa listahan ng mga artikulo patungkol sa Isang Minutong SMILE, bumisita lang kay The Pope at basahin ang kanyang Isang Minutong Ngiti Tungo sa Kapayapaan
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. The Pope says

    Nakikibahagi sa iyong adhikain para sa kapayapaan sa pamamagitan ng Isang Minutong Smile.

    A blessed weekend bro.

  2. fiel-kun says

    op kors, join ako jan hehe ^_^

    sir LordCM, naka post na yung smile entry ko sa blog ko. ginamit ko din pala yung Isang Minutong Smile banner mo, hope u dont mind 🙂

    Always be happy.
    Always wear a smile.
    ^_^

  3. Lord CM says

    @Blue…
    Yeah!Smile lang 🙂

    @dhyoy…
    hehehe 😀 lalim ng tagalog mo ah

    @Drake…
    oh yeah?! lolzz salamat pre..

    @kox…
    kita kits? saan?! hehehe

    @glentot…
    syempre lolzz

    @The Pope…
    Salamat muli pre, smile lang tayo palage

    @Alkapon…
    pwedeng pwede, wag lang ngiting manyak hehehe

    @Fiel…
    Salamat po ng marami sa pag post 🙂

    @Renz…
    salamat po 🙂

    @Anonymous…
    thanks 🙂

  4. Jag says

    Pareng Lord CM humabol ako sa kampanya mo nito…kahit stress tayo at busy ay nkakaugalian pa rin nating magsmile! jijiji…go check my site!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *