Isang Minutong SMILE

Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto
pagbigyan mo ang sarili
mong maging masaya…
kahit isang segundo lang okey na un…

 

Isang quote na tumatak sa isipan ng ilang mambabasa ng pahinang ito, umukit na sa aking puso mula ng naikumento ko kay Mareng Jen..At ngayon muling susubukang ibahagi sa mas nakakarami…makapagpangiti kahit sa simpleng paraan… 

From The Pope
Tama ka Lord, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds – sana’y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day...Source

Bakit hindi natin subukan? Sabay-sabay tayong ngumiti, tumawa o magpakasaya sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bawat isa. Kalimutan ang kalungkutan kahit isang minuto lamang.

Sa darating na December 08, 2009, 8PM Manila Time, sabay sabay nating tanggalin sa isipan ang lahat ng bumabagabag sa atin, mag isip ng masasayang bagay na pangyayari sa iyong buhay, at ngumiti na parang walang problema…kahit isang minuto lang…

Hinihingi ko ang tulong ng lahat ng mambabasa ng pahinang ito na ibahagi sa iba ang ISANG MINUTONG SMILE, sa pamamagitan ng paggawa ng artikulo sa inyong pahina o pag display sa inyong blog ng imahe na nasa taas, at i-link sa artikulong ito. At kung maipapasa nyo sa iba, mas maganda upang mas marami pa tayong mapasaya…

At kung ang mga blogerong nagse-celebrate ng kanilang kaarawan ay may Picture Greetings mula sa kanilang mga kaibigan, maaari rin po kayong magpadala ng ISANG MINUTONG SMILE Picture sa charliemontemayor@yahoo.com..Yun sanang pinaka da best nyong ngiti 🙂 .. At susubukan ko pong magawan ng video at ipaskel sa aking pahina bago dumating ang 8pm ng December 08, 2009…

Inaasahan ko po ang inyong pakikiisa upang maisakatuparan ang hiling ni The Pope, ganun din ako, para sa buong mundo na magkaruon ng tunay at ganap na kasiyahan kahit isang minuto lamang

Di nyo ba napansin, galing ang idea kay The Pope, at susubukang isakatuparan ni LordCM ? Parang nasa Rome lang enoh 🙂

Nga pala, eto po ang ika-199th post ko sa pahinang ito…Congrats sa akin!

Pahabol : Ung video sa taas ia-update ko lage kapag may nag padala ng Isang Minutong SMILE Pix, bigyan nyo lang ako ng isang araw para maidagdag ung pix nyo sa video…Lalagyan ko rin ng sounds yan kapag marami-rami na…kaya Ngiti na! At magpa-picture, at email nyo agad!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. A-Z-E-L says

    try kong mag-ismayl… hahahahah!

    gawan natin yan ng paraan 🙂

    kaso wag ka munang pupunta sa page ko at baka mabwisit ka! lolz!

  2. Lord CM says

    @AZEL…
    Hehehe 😀 nagkasalisi tayo, based ako sa entry mo lolzz

    Oist!Hintayin ko pix mo at ng modelo mo 🙂

    @Deth…
    Thanks Deth, ipasa mo rin sana sa iba, gawin nating tag 🙂

  3. Lord CM says

    @Xprosaic…
    oist!pic mo kailangan ko 🙂

    @Marco…
    kaw din! hehe

    @RJ…
    Parekoy, gawin mo na ngayon bago pa dumating ang december 8 para maipakalat natin sa lahat 🙂 pix mo ah

    @syetehan…
    nabasa ko na pre, ang galing, salamat ng marami 🙂

  4. E??su?J says

    lagi naman ako nakangiti pre..kahit na hindi december 8.
    hahahah

    at panigurado nakangiti ako nyang mga panahon na yan pare…

    sahod ko yang araw na yan ehh
    joke ^_^

  5. SEAQUEST says

    I love it!!!!! gusto ko to, gusto ko tooo…di lang isang minuto naku basta sa ngitian open ako jan…kahit di mo ko upahan kuya Cm hehehehe….

  6. FaerieTeL says

    pwede po ba sa facebook siya ishare?
    (um aantayin ko po sana ang inyong pagpayag kaso naexcite ako, nilagay ko na dun.haha)

    smile,smile! kilala tayo jan! join ako! kayo din! ^_^

  7. Lord CM says

    @Jen…
    Mare ung pix wag mo kalimutan 🙂

    @dhyoy…
    post mo rin sa facebook mo, hehe

    @iya_khin…
    aba!picture-an na yan lolzz

    @superjaid…
    kasali ka talaga, kaya email mo na yung pix mo 🙂

    @Life Moto…
    wag mong kalimutang mag pix pag tawa mo ah 🙂

    @POGI…
    okey lang yan parekoy, kahit bungal pa nyahaha

    @The Pope…
    Salamat din pre sa idea 🙂

    @Seaquest…
    Wow salamat, pix ah lolzz

    @modernonglapis…
    Salamat po sa pakikiisa 🙂

    @faerietel…
    ayos na ayos, sana madami pang mag post 🙂

    @mulong…
    give one to me, hindi sayo! lolzz

    @manik_reigun…
    di na kailangan pre, may tinga mas maganda lolzz

    @Jepoy…
    Hehehe naalala ko yan parekoy, pero kailangan ko pa rin pix mo

    @roanne…
    wow!salamat ng marami 🙂

  8. Dhianz says

    lagi naman ako nakangiti pre..kahit na hindi december 8. —> haha.. naaliw naman akoh kay sis Jenskee! =)

    akoh ren laging nakangiti exempted na bah akoh? hahaha…. *say cheeze*… december pa naman ang deadline moh devah?… letz see… ingatz… Godbless! -di

  9. Yanie's Ka-blags!!! says

    Chigi, chigi!!! papadala rin po ako! hehehe… watch out na lang po for the biggest smile!! saya po nitong idea na to!!!

  10. Lord CM says

    @Dhianz…
    hehehe 😀 may ganun, sige na nga pagbigyan, pero next time di na pwede ah lolzz

    @Alkapon…
    Yun lang mahirap dun, Smile at your own risk! lolzz

    @KESO…
    aba!magpadala na ng pix 🙂

    @Wait…
    Nasan na po ung pix nyo 😀

    @Yanie…
    ay!sige hihintayin ko ms. yanie 🙂

  11. PaJAY says

    Astig!!ito pala yun…

    na excite tuloy ako mag smile pre..hahaha

    sali ako dito..:D

    cute ng smile ni Chyng eh..nainggit ako bigla..hahahahaha

    ayus pre!!!

  12. Kosa says

    sali ako dyan!

    kahit saang anggulo talaga parekoy eh isa ka sa mga iniidolo ko sa mundong ito.

    The best ang Idea at sakto ang timing.

    sige sige magpipictorial ako kapag nakaluwag sa sched…

    smile lang ng smile:D

  13. Lord CM says

    @Kosa…
    Salamat parekoy, hintayin ko pix mo 🙂

    @Kenji…
    Naka Smile na ba? aba!padala na yang pix na yan at maipaskel na 🙂

  14. DRAKE says

    Ayos to ah!! Pwedeng pwede yung avatar ko! Ano parekoy, pwede ba itong avatar ko———->

    Ipagpatuloy nyo lang yan! Nakakahawa pala ang pagngiti!

    Ingat

  15. Lord CM says

    @Dhianz..
    hehehe 😀 di naman, baka next week may new entry ako pero siguro tungkol pa rin dito..kailangan kong mag smile araw araw eh, kailangang-kailangan ko

  16. Sardonyx says

    Ok itong naisip mo at kahit paano maisakatuparan ang pangarap ni Pope hehehe, teka congrats pala ang dami mo na palang post, advance happy 200th post hehehe. Try kong magpost about sa one minute smile na yan.

  17. Lord CM says

    Yung mga hindi pa nagpapadala ng pix, padala na kayo! 🙂

    Salamat nman ng marami Misalyn, may taga POEA Forum na sa pahina ko 🙂

  18. Misalyn says

    Hi lordcm, please check out na lang po yung entry post ko sa Nurse On call blog ko ( http://www.misalyn.blogspot.com) na nakalink dito sa pahina mo.

    Hopefully mabasa rin sya ng mga kablogs na mga nurses at sa may mga kamag-anak na admitted sa hospital.

    Please feel free to leave a comment. Kanina ko lang nagawa kasi super toxic ako sa nagdaang duty ko.

    A wonderful weekend to you.

  19. Coffeeveggie addict. says

    Sa wakas naview ko narin sa y0utube,thanks b0ssing lordcm,tinatry ko kase ilink ang page m0 sa page ko kaso pag open ko site m0,naghahung pc ko,nawawala tuloy smile ko,(joke).like ko sana ilink sa p0st k0ng "f0rget the past,be happy!"
    Any idea po if wat pr0blem ng pc ko?thanks!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *