Halungkat Series No. 006

Galing naman po ito sa isang forum, POEA Message Board kung saan myembro din ang inyong lingkod…Nagkaruon lang po ako ng mga kakilala dahil na rin sa Isang Minutong SMILE…Share ko lang sana ung isang part ng usapan sa forum, baka sakaling makatulong sa iba…

From Misalyn of POEA Message Board:

Sir LordCM , pasensya ka na ha, tagal ko magsend ng picture, pero promise po yan , magsesend ako.

Alam mo hindi ko alam kung paano ang gagawin ko na entry post sa isang blog ko about 1 Minutong Smile…paano nga ba? hindi ko alam, hirap bumuo ng post kaloka hahaha. Last post ko kasi about nursing competencies…..

At sinagot ng pagkahaba-haba ang simpleng tanong lolzz, eto na :

Nung una kaya ayaw ko mag blog dahil di ko alam kung paano uumpisahan ang lahat. Madalas nasa forum lang ako, nagpapayo pagdating sa usapang puso…di ko namamalayan iba na pala ang sinasabi ng puso ko sa isip ko…iba ang sinasabi ng isip sa tinitibok ng puso…

Sinubukan kong umpisahan mag blog na parang wala lang, sa isip lang nanggagaling ang lahat, isang gabi nakainom ako, hindi naman lasing pero tamang antok, kasabay nito ang mga drama sa buhay ko..kinuha ang laptop, binuksan ang notepad, at nag type ng mga salitang nanggagaling sa puso, syempre katulong nito ang isip upang maitago sa likod ng sinusulat ko ang nilalaman ng puso…

Sa artikulong yun ako nagsimula, marami naka relate at maraming humanga, mayroong mga mambabasa na ang nakikita lang ay kung ano ung nababasa nila, pero mas marami ung nakakakita ng kung ano ang nasa likod ng mga nasusulat ko…

Magsulat ka ng galing sa puso(pero wag kang uminom na gaya ng ginawa ko dati, hehe ), magpatulong ka sa iyong utak, kung ano mang emosyon meron ka ngayon, yun ang kalalabasan ng isusulat mo…Masaya man o malungkot, kung galing sa puso, tiyak maipaparating mo ang gusto mong maiparating…

Masyado ko atang sineryoso ung tanong, at napalayo ako sa kung ano ba talaga ang dapat isagot, hehe, wag na kayo makealam at masyadong active ang pag iisip ko sa ngayon…ang mahalaga ngayon, sana’y kapulutan ng aral ang pagkahaba-habang reply lolzz

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Life Moto says

    ako man eh iniisip ko kung sino na nga ba ang napangiti ko sa mga na i blog ko. I Hope na kahit paano ay meron nga hehehe. ganun pa man ay makita ko lang mga KABLOGS at Ka bloggers na nakakaraos sa pang arw arw ay napapa smile na ako.

  2. MarcoPaolo says

    pwede na rin… hehehe

    aba! taga-payo ka pala sa usaping puso na yan ah… hmmmm… mahingan nga kita ng isang malupit na payo… lols

    SMILE ")

  3. dhyoy says

    ako nagblog ako kasi minsan may mga nararamdaman ako na hindi ko naman pwedeng ipagsigawan sa buong mundo… madalas nagbabaog ako kapag mainit ang ulo ko hahaha! bumabaha kasi ng mga salita sa utak ko kapag ganon kaya ganon… hindi ako nagbablog para humakot ng fans, nagbablog ako kasi gusto ko magkwento. wala nang pero pero! :p

  4. Lord CM says

    @Life Moto…
    Meron naman pre, kaya nga bumabalik ako sa pahina mo eh 🙂

    @Marco…
    Laos na ako ngayon lolzz

    @Deth…
    biglang ganun enoh? lolz

    @iya_khin…
    kailangan talaga lolzz, kasi naman ang gulo ng utak ko, ang daming nagsisiksikan sa loob 😀

    @dhyoy…
    sinabi mo pa, marami talagang masasabi lalo kapag galit na galit ka…hehehe o kaya naman malungkot 😀

    @lancelonie…
    Go!Go!Go! 😀

  5. Dhianz says

    hahaha.. para ka lang akoh minsan ahh… isang tanong sampung sagot… eh kaso sometimes pa atah… ang sagot eh nde konekted sa tanong.. haha.. lolz.. teka… nag-aaral akoh… sa school comp. lab akoh.. hwag kang magulo kuyah… coconcentrate daw akoh… haha.. lolz.. ingatz! =)

  6. Lord CM says

    @Dhianz…
    Eh kasi naman, ang ganda ng idea na pumasok sa jutaks ko nung nagtanong sa akin…"Basta galing sa puso" naks! ayan tuloy nagkwento lolzz

    Pero nasagot ko naman ung tanong nya bandang huli eh 🙂

  7. Dhianz says

    hahaha.. nde koh alam kung adik akoh ngaun pero parang tawang tawa akoh sa mga hiritz nyoh.. haha… puro haha eh noh… lolz… jutaks kc eh… hahah… saken naman yutakz… haha.. meron pa bang ibang way na sabihin ang work na utak.. haha… ganitoh yung sagot moh kuyah eh… dmeng intro.. pero yung pinaka-answer eh nasa dulong dulo nang intro.. u have to go through everythin' nang sinabi moh para lang mahanap ang sagot.. takte.. dme kong sinabi..haha.. makaalis na nga… laterz! =)

  8. Lord CM says

    @Dhianz…
    Nahawa na nga siguro ako sayo sa haba ng kumento, puro intro at nasa dulo ang sagot lolzz

    Isa lang napansin ko dito sa post ko, ang mas pinapansin ng mga readers eh yung nakakatawang part ng entry, ung seryosong sinabi ko eh konti lang ang pumansin 😀

  9. Dhianz says

    ahhh.. usapang puso.. hmm… lately parang dehinz ka naman na nagpopost nang somethin' from 'ur heart eh… devah… hmmm… actually i think siguro maramih nde nabasa ang whole entry moh.. iniscan lang sa last part.. kaya silah natawa.. teka.. akoh lang atah palah 'un.. lolz… i think sometimes kc u were thinkin' of soemthin' else why u were bein' asked of d' question.. or yeah kinda like meeh den minsan… mnsan may naalala akong somethin'… related sa question.. ihihiritz koh muna yon.. bago i think actually answerin' d' question… haha.. sana may sense.. lolz.. ayan.. pinansin koh ang emo part.. binasa koh pa talgah… ingatz =)

  10. RJ says

    "Write from the heart."

    Naalala ko tuloy sina Laida at Sir Miggy sa A very Special Love. Napanood mo ba 'yon, Pre?

    Ngayon na pala ang mga collection ng Smile Photos na 'yan?! Akala ko December 8 pa?

  11. Dhianz says

    to RJ: —> hello po.. ganda yang blog title ahh.. "write from the heart"… pahiram… sige papaalam den akoh kina Laida and Miggy… salamat po =)

  12. Lord CM says

    @Dhianz…
    Tagal na nga yata akong walang post na galing sa puson lolzz puso, ewan ko ba, pahinga muna siguro sya 🙂

    Di naman sa may naiisip akong iba bukod sa tanong, nagkataon lang siguro naka relate ako at active ang jutaks ko nung oras na yun, at ganadong magpaka emo kahit reply lang hehe

    @RJ…
    Hehehe 😀 Napanood ko pre, at may entry ako tungkol sa pelikulang yan…

    Ung collection ng Smile Photos nangongolekta na ako para pagdating ng Dec 8 eh sigurado naka smile sila kahit sa video lang, kaya ikaw padala ka na! 😀

  13. kox says

    naging usapang puso na.. parang inlab. hahaha.. gagawa n din ako nyan. hehe.. wait lang po sa pix 😀 nag papaganda pa ko. haha

  14. Misalyn says

    Nakakatuwa naman nasama pa pala dito sa pahina mo ang usapan natin sa POEA Message Board hahaha.

    Nagawa ko na po ang entry post ko. Please check out my nurse on call blog.

  15. Francesca says

    ang blog, basta hindi boring, nakaka pa smile na yan.

    kaya, try natin na yung blog natin, interesting basahin at yung me mapulot na maganda ba.

    Para naman dumami ating mapasaya.
    yan ang smile blog, hihihihi

  16. gege says

    nakarelate ako!
    pero nasobrahan ata ako sa puso…
    wala na kong maipost kundi puso…
    minsan di ko na masali ang isip…
    pero tama!
    paggaling sa puso…
    MADALI lang.
    parang kusa lang tumutugma ang mga salita.
    😛

    unang bisita!
    😛

  17. JayCee EmmDee says

    Napadaan lang po and makiki-comment na din…

    I see blogging as the next mental and emotional battleground because of freedom of expression. It's a good way to work out in writing, to express my feelings, to keep in touch with friends, to meet people with common interests.

    Personally, blogging has been an essential part of my life. It serves as my outlet para mabawasan ang stress from life, work and school. It is not really to earn ganda points.

    Kanya kanyang trip lang kasi if iisipin ko pa kung dapat socially relevant o kaya naman rational ang isusulat ko, baka lalo lang akong ma- stress nun. Nyahaha

    ~All work and no Play makes a dull girl!~

  18. SEAQUEST says

    Dati rati sa papellang ako sumusulat ng mga emosyon pero ng matutunan kong pumasok sa munding ito, bkit nga ba hindi, sa una trip lang kaya nga naging Badik ang blog ko eh,,,pero lately kung makikita nio may pagkaseryoso yung iba naman basta maishare ko lang…, pero sa bawat pahinang napupuntahan ko napapasmile na ko basta may aral ang pinupunto…yun eh, kahit sa mgapinapanuod aral ang kunikuha hindi lang yung kung sino ang charcter nagkus kung ano yung nais iparating ng bawat kwento…

  19. SEAQUEST says

    Kuya, kelangan ba lbas ngipin pati buong gilagid dun sa picture para sa smile wehehehehe…para mas tooooodoooooo ngitiiiii…hahahaha…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *