Halo-Halo Espesyal…

Unang-una, salamat kay SCOFIELD JR. para sa award na to. Salamat din sa lahat ng dumadaan, nagbabasa, nanonood, nagko-comment, kumukutya, pumupuri, nangungulangot, nautot, at kung ano-ano pang ginawa dito sa aking pahina…Salamat ng marami sa inyo…

Ng dahil sa inyo, dumami friends ko, mga Parekoy ko, mga Adiktos, at kung ano-ano pang dumami sa akin…Yun nga lang hindi maiwasan ung may kapalit ang lahat…Pero okey lang, basta anjan kayo…

Salamat Muli…

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pangalawa, kung mapapansin nyo ung Isang Minutong SMILE Video sa taas, konting pictures na lang ay mabubuo na ang isang kanta…Sa mga darating pang mga araw, baka tapos na kumanta si Ely Buendia ng With a Smile eh di pa tapos ung slideshow ng pictures nyong kay gaganda at kaga-gwapo…

Hingi sana ako ng suggestion sa inyo, kung sakali mang sumobra ung pictures na matatanggap ko, kakailanganin ko pa ng isang background music na pwedeng idagdag sa video..Bukod sa With a Smile, may naisip pa ba kayong kanta na pwede ko idagdag sa video? Ung sanang sakto sa tema ng Isang Minutong SMILE, katunog ng naunang kanta, maganda sa pandinig at ung mapapangiti ka sa tuwing maririnig mo…

Tulong naman oh…anong kanta pa ang pwede kong idagdag sa video kung sakali?

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pangatlo, Tag na mula kay SCOFIELD JR…Post daw ng 3 THINGS in LIFE that MAKES or MADE you SMILE (copy-paste) …Kailangan ba talaga 3?! Eh ang daming nakakapagpangiti sa akin eh!…Sige tatlo lang muna at alam naman ng mga nakapaligid sa akin kung ano-ano pa yung iba..

1. YM Chat
Charrie : Pa, gawa lang ako assignment ko ah..maya na tayo chat.
Ako : Okies
Charrie : Okies too 😀

Ganyan kami mag chat ng panganay kong anak nitong mga huling araw, maliit na bagay pero ano magagawa nyo, sa nangingiti ako eh!

2. Salary Increase
Sino ba naman ang hindi mapapangiti nyan? tagal na rin nung huling dagdag sa sweldo ko ah!…

3. Bakasyon
Sa karamihang OFW tulad ko, dumating lang ung araw ng bakasyon nila sa Pinas o kahit ilang buwan pa bago ang bakasyon namin, kapag naiisip naming malapit na eh syempre di na mapigilan ang saya nyan..

~~~~~~~~~~~~~~~~~

TAPOS NA! Akala nyo meron pa?!…Kunin nyo na lang lahat ng makukuha nyong tag jan at ipaskel sa inyong pahina para naman may bago kayong entry hehe lolzz

Salamat muli sa inyong lahat…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    ako, yong 2 & 3 din…. salary increase at magbakasyon sa bansang gusto kong puntahan… hmmm ang tanong kelan kaya yon? pag kalbo na ako tsk tsk… 🙂

  2. Dhianz says

    hinahanap kita kanina kuya CM… i was wonderin' kung online kah.. online ka nga… katuwa naman ang YM nyo nang anak moh… teka babakasyon kah kuyah?… gusto koh ren makapagbakasyon later nang bonggang bongga… para makapag-relax… so yeah.. ingatz.. Godbless! -di

  3. Lord CM says

    @Marco…
    Hehehe 😀 Malay mo, hintay lang at darating din yan pre 🙂

    @Dhianz…
    Sa march bakasyon ko, graduation ng panganay ko eh 🙂

    Prize? pwede hug na lang? hug ko kayo ni Marco lolzz

  4. RJ says

    1. Napakamakahulugan ng talinhagang 'yan ni Scofield Jr. tungkol sa mga pader at tulay. o",) Ganda.

    2. Mahina ako sa music, kaya hindi ko alam kung anong kanta pa ang pwedeng idagdag diyan. Bilis ano, ang dami nang nagpasa ng picture? Wow!

    3. Sa akin kapag makita ko itong kasamahan ko sa work na local dito, napapangiti ako. Napaka-kenkoy kasi. (Maalala ko lang napapangiti na nga ako.)

    Kapag naaalala ko rin ang mga kapalpakan at mga embarassing moments sa buhay ko, napapangiti rin ako. Hahah! Ayan, natatawa pa nga.

    'Yang bakasyon at salary increase na isinulat mo, pasok din 'yan, Pre. Lalo na kapag makakakuha pa ako ng ticket para maka-uwi ngayong kapaskuhan. (Huhmn, pero malabo na yata…)

  5. KESO says

    ayan, gagawa pala ako ng entry tungkol dyan, tska mgpapasa ng pictyur! pwde pang humabol kuya?baka ang dami dami ng pics dyan.
    hehe.

  6. kox says

    nice name. charrie 😀

    uhmm.. wala akong maisip n kanta..haha.. pag meron, comment ko n lng. 😀 may anak kn pla kuya.. hehe

  7. DRAKE says

    Congrats bro sa increase sarap namanm noh!

    Pre mauunahan kita ng bakasyon kasi this december na ako magbabakasyon!yipeeee

    iintayin ko yung picture ng pamangkin ko at ng tatay ko!

    ingat

  8. Lord CM says

    @RJ…
    Brod, 48 pix na ata yung anjan at meron pang nagpapasa, ikaw kailan ka magpapadala? 🙂

    Post mo naman pix ng kasamahan mo para naman ngumiti din kami 😀

    @Xprosaic…
    oist…kuha ka na ng tag!

    @keso…
    Natanggap ko na pala ung pix mo, thanks ng marami 🙂

    @Kox…
    Toinks!Graduation na nga ng panganay ko sa march, 2 na junakis ko no! 😀

    @Drake…
    Increase? Sabi ko masaya lang ako pag may increase, di ko sinabing may increase ako ngayon! lolzz

    @Enhenyero…
    hehehe 😀 sige pre utot ka na jan

  9. Lord CM says

    @Gege…
    Chat mo sya lage, ibang kasiyahan talaga ang dulot sa tulad naming ofw kapag may nakakausap kaming kapamilya 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *