DVD! DVD!…DVD! DVD!…

Kailan nga ba matatawag na ang pagmamahal ay tunay? aba! Malay ko lolzz, sabi nila maririnig mo raw ‘to, makikita mo, mararamdaman mo at higit sa lahat hindi magbabago hanggang sa dulo ng walang hanggan (kakapanuod ng teleserye yan)…

Bumili ako last month ng dvd, Transformer 2…Di ko alam na pirated, kasi naman hawak pa lang alam ko nang original ang dvd, nakita ko pa ung drawing sa harap ng dvd, wow!orig na orig! pinanuod ko, (batangue?o) ala eh kaganda ng sounds!, nag enjoy tuloy ako eh!

Makalipas ang ilang linggo panunuorin ko sana uli ung Transformer, Putek!bulol na si IronHide!, Si BumbleBee eh ngongo na!, Slow motion pa silang lahat, langyang DVD yan!Pirated!

Dalawa lamang ang maaari mong gawin sa dvd pag nalaman mong pirated ‘to, ang itapon sa basurahan o isama sa iyong collection, pakaingatan dahil minsan nagbigay rin ito ng saya sa iyo…

Point ko?…Simple, maaaring sa umpisa ang alam mo sa nararamdaman mo ay love…Nakikita mo ito, naririnig at nararamdaman…Ngunit sa paglipas ng panahon, may mga bagay tayong nasasalubong na nagiging dahilan upang magkaruon ng pagbabago sa ating nararamdaman.

Sa pagbabagong ito, maaaring kang magalit, malungkot, magsaya, umiyak. Ngayong alam mo na ang mga nangyayari, pwede mong ipagsawalang bahala ang relasyon o patuloy itong alagaan at pakaingatan dahil minsan na itong nagbigay saya sayong buhay.

Nagbabago ang lahat ng bagay, alam na natin to…kahit nga ang pagmamahal nagbabago din, ngunit nasa sa atin pa rin kung papayagan natin bumalik ang pagmamahal na dati na nating naramdaman upang nang sa gayun patuloy tayong magmamahal hanggang sa dulo ng walang hanggan, hehe teleserye na naman!

Tunay na pagmamahal?

Ang kahalagahan ng isang bagay o tao
ay nananatili sa puso ng nagmamahal,
maaari mo itong kalimutan at tanggalin sa isipan
ngunit ang burahin sa puso

ay hindi magagawa ninuman…

pahabol : nakakuha lang po ako ng topic sa isang forum, at imbes na sumagot sa thread na yun ay dito ko na lamang nilagay..baka kasi magalit sila at ang haba ng reply ko..

pahabol uli : akala ko ako lang nakaramdam ng paglindol ngayon-ngayon lang, pati boss ko pala..Saglit lang naman pero bihira kasi lumindol dito sa Palau kaya nakakatakot din, baka bigla na lang lumubog ang buong Palau, lam nyo na, napakaliit na island nito..

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    anniv. den nang blog moh kuya devah?.. belated happy anniv. sa blog moh… =)

    hmm… galing nang intro ahh.. napa-smile naman akoh don sa pirated dvd moh… funny napanood koh ren lang uletz yan ahh kahapon.. yeah… pero mas nagustuhan koh sya nung napanood koh sa theater… neweiz…

    hmm… usapang pagmamahal bah?… nde na akoh kokoment dyan… di koh na alam kung pirated ang nararamdam koh or original… takte.. next time sa theatre na lang… nde na akoh bibili nagn dvd.. haha.. hanglabo koh noh?… as always…

    laterz… Godbless! -di

  2. Lord CM says

    @Dhianz…
    Late ka! Hehehe salamat sa pagbati 🙂

    Buti ka pa, dito wlang sinehan kaya mapipilitang bumili ng pirated na DVD 😀

  3. kheed says

    hari ka ba ng teleserye? ahehe. parang pirated na dvd ang pagmamahal? minsan talagang mawawala at bahala ka na kung itatapon mo o pagkakaingatan mo.. oo nga naman. tama ka dyan lord.

  4. manik_reigun says

    abay badtrip talaga ang pirated. pero may mga pirated na oks rin.

    meaning? ang pagmamahal, ke pirated o orig, basta nagpplay pa, ay ok pa rin.

    pero kapag di na nagpplay, wag na ipilit. dahil baka pati yung player, masira na ng tuluyan.

    rakenrowl!
    hehe

  5. A-Z-E-L says

    naku! sapakin mo ang nagbenta sayo.. hamunin mo ng panumbi!!! ilabas mo ang balisong… ala eh! batangueno are!!!

    kapag nagmahal lahat ng emosyon, mararamdaman natin. at hindi sa lahat ng oras eh palaging masaya… kung minsan sinusubok ng panahon… kapag tumagal ka, tunay na pagmamahal yon!

  6. Life Moto says

    Malalim ang inabot ng Pirated DVD na yun. If we love kahit maging anupaman yan ay patuloy pa rin natin mamahalin. Unless na lang kung sobra na.

  7. Lord CM says

    @Kheed…
    di naman hari parekoy, prince lang, prince lolzz

    @manik_reigun…
    actually pre kahit hindi na sya nagpeplay hanggat may halaga sya sayo eh ok pa rin 🙂

    @AZEL…
    Sinaksak ko ung nagtitinda ng DVD!!! lolzz

    Ayos!!Masama kapag sumuko ka at tinigil ang laban…sabagay minsan di mo rin masisi ang iba kung sobra na nga namang nasasaktan kahit nagmamahal..

    @Life Moto…
    Di ko nga maarok parekoy lolzz

  8. Noel Ablon says

    Noon pa man ang pag-ibig ay sagrado na sa akin. Walang biro hehe. Pero dadating sa buhay nating magmahal ng isang tao na walang bounderies, ang nakakalungkot ang iba ay totally di nakaranas nito.

    Ako, in my opinion love never change – it's people who change. Wala ring change of heart.

    Most important kasi sa relationship is fellowship with each other, of course pag wala nun di mag-grow ang relationship. And fellowship involves communication and inter-action.

    Tama si AZEL, sapakin mo na yung nagbenta hehe este yung pangalawa pala yung tungkol sa tunay na pag-ibig.

    Di naman ibig sabihin pag pareho kayong umiibig sa isa't-isa eh lagi kayong masaya, para may konting thrill siyempre merong konting away hehe!.

    Rewarding naman pag nag-reconcile kayo eh. Labing-labing, sorry-sorry, kiss-kiss, etc… Marami kasing nakadikit sa pag-ibig eh like forgiveness, patience, honesty at marami pang iba.

    Pero ang DVD na nabili mo ay talagang peke not unless bumili ka sa Department store hehe!

    Napadaan lang.

  9. Lord CM says

    @Noel…
    May point ka siguro sa Love never change at irerespeto ko yun dahil may kanya kanya tayong opinyon 🙂

    Para sa akin, ganun pa rin, nagbabago pa rin ang pagmamahal, at tama ka, dahil sa labing labing, sorry-sorry, kiss-kiss, etc. ay napapanatili natin ito sa ating puso at kung minsan pa'y nadaragdagan pa…

    Ngunit isipin natin kung wala itong mga labing-labing, etc..?

  10. iya_khin says

    haay naku grabe namang trapik dito sa blog mo di ako makasingit!

    basta ang masasabi ko lang e….sa pagmamahal di mo pwede itong ipirate kasi lalabas at lalabas lang din ang totoong epekto nito.

  11. I am Xprosaic says

    Ahahahahha magcocomment na sana ako about sa topic kaso nung nabasa ko ang pahabol nawala lahat ng gusto kong sabihin… jijijijiji… di pa naman lulubog ang palau… baka umutot lang ang bulkan kaya may lindol… jijijiji… Ingats!

  12. Kablogie says

    Tsk tsk! Yan na nga ba ang hirap sa Palau kahit ano pag tyatyagaan malibang lamang ahahaha…debede debede debede…

  13. isladenebz says

    Balikan mo ung nagbenta sa u ng DVD. Sabihin mo, fake pala sya! Dapat palitan nya! Sabihin mo In My Life in Ate Vi. Kapapanood ko pa lang. Maganda sya. (Hehe!).

    Damdamin natin ang nagbabago: nagsasawa sa dating iniibig, nabibighani sa dating kinaiinisan, nakakakita ng ibang pagsinta.

    Mas madalas kaysa minsan, inililigaw tayo ng ating damdamin. Ang solusyon: stay faithful and true. (At huwag dalasan ang panonood ng teleserye! Hehe).

  14. Jepoy says

    Ang cheezy! Kuya hindi pa lulubog ang Palau kelangan muna akong maka pasyal dyan. Pwede ba pumunta dya kahit walang Visa? Or kelangan bg Visa dyan?

  15. Lord CM says

    @iya_khin…
    tama ka dun, pero lumabas man ang tutuo nasa sa atin na kung mamahalin pa rin natin 'to 🙂

    @xprosaic…
    hehehe nawala ba?

    @Kablogie…
    sinabi mo pa! lolzz

    @Badong…
    prince nga lang eh! hehe

    @chyng…
    maski ako nung una naguluhan sa entry ko eh 😀

    @nebz…
    sinakal ko pre ung nagbenta sa akin 😀

    eh kasi naman, TFC lang meron kami dito lolzz

    @Jepoy…
    Sige pre, punta ka dito, walang visa visa dito basta tourist, maghanda ka lang ng $700+ para sa two way ticket, dagdag mo na rin pang hotel mo at pagkain, at saka pang rent ng boat at kung ano ano pa, kailangan mo ng $10,000 hehehe jowk…pero ung ticket ganun talaga presyo nun…

  16. kox says

    db hinuhuli rin yung bumubili ng pirated? hahahaha..

    naku kuya! pag – ibig na yan, no comment na lang. ayoko ng mga pag i- pag ibig! hahaha..

  17. ?superjaid? says

    belated haypee burdee sa blog mo kuya cm..anyway..para sa akin ang tunay na pagmamahal ay hindi hinahanap kusa itong dumarating at hindi ito magmumula sa taong perpekto sa paningin mo ngunit sa isang taong kukumpleto sa pagkatao mong imperpekto..

    hahaha ang layo sa topic ng sagot ko..wahahaha

  18. JoShMaRie says

    Hi Lord CM. Wats uP

    Bo Sanchez has written an article about genuine and fake love. inihalintulad niya ang fake love sa isang pirated dvd. akala ko nga sakanya mo nakuha eh. will post it sometime kapag okay na ako at di na windang ang bangs ko. ingat.

  19. YanaH says

    no comment sa love echos..

    tanong lang.. sang forum? errrr san thread dun?
    tamad ako mag back read ehhhh…
    nasa kawalan pa ung utak lam mo na.

  20. ladyinadvance says

    yan ang mahirap sa pirated eh, maganda lang minsan sa umpisa pero kadalasan pangit ang labas nito gaya ng pag-ibig, kung hindi eto totoo kahit anong gawin mo hindi xa maglalast at makakasakit pa ng damdamin pero ika nga nila pangit man o hindi ang naging karanasan mo sa pagibig still you have to be thankful dahil once in ur life nakaramdam ka nito at d2 ka natuto… 🙂

  21. DETH says

    kuyaaaa, late na ko bati, pero happy anniv sa blog mo hehehe…
    windang ako eh:P

    at tungkol sa love…aaaah, sa dvd na lang…ahahaha,no comment na nga lang

  22. fiel-kun says

    Ang kahalagahan ng isang bagay o tao
    ay nananatili sa puso ng nagmamahal,
    maaari mo itong kalimutan at tanggalin sa isipan
    ngunit ang burahin sa puso
    ay hindi magagawa ninuman…

    >>> sobra akong na-touch jan sa quote mo na yan dude. XD

    And about sa usapang pag-ibig… haaayzz… *buntong hininga*

  23. Alkapon says

    Pirated DVD's are considered as disposable..

    But sometimes i can't afford to buy original copy, kaya pag walang budget, napipilitan akong bumili ng piratang CD.

  24. dylan dimaubusan says

    May pirata din dito, pero di ganung karamitulad sa'tin. May mga pirata naman kasing maganda din ang kuha, yoko lang yung may mga tumatayong tao sa loob ng pinapanood kong DVD, naman!

    I heard Palau is a very nice place.. Kaya isa yan malamang sa bibisitahin ko, wag namang lulubog, isa pa nanjan ka pa!

    Belated HAppy Anniversary pala sa blog mo! Halos magkasabay lang tayo!

    Cheers! kEEP BLOGGING!

  25. Traveliztera says

    awww ang lalem ng meaning ng dvd na yan lol…

    sadyang may mga taong parang fake dvd lang tlg… kaya, dun ka na sa orig hahaha

  26. PUSANG-gala says

    lahat talaga nagbabago—kasama na don perception natin sa happiness and with it goes our perception on love…..ganun talaga. sigh

  27. Misalyn says

    Hi.Napadaan lang mula sa blog ni Ever.

    Ang layo ng narating ng DVD ah, pero naibigay mo rin naman ang kaugnayan and you sum it up well.

    Wala talagang permanente sa buhay ng tao at kapaligiran natin and that includes LOVE. Change is infinite.

    Sa pag-ibig naniniwala ako na once na love mo talaga ang isang tao, hindi nawawala yun, kumbaga nag-e-evolve lang sya into a different level.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *