Ano ang pinagkaiba?

Ilang oras pagkatapos ng insidente,
Inaresto ng mga pulis si Ted Failon
kasama ang ilang miyembro ng pamilya
sa mismong hospital kung saan
nag aagaw-buhay ang kanyang asawa.

Anong kasalanan nila?…
Tampering with the crime scene

Tatlong araw matapos ang karumal-dumal
na Maguindanao Massacre,
Inaresto ng mga militar ang suspect sa
nangyaring massacre sa Maguindanao.
Hinintay na makalabas ang suspect
sa kanyang bahay,
at isinakay sa helicopter

Anong kasalanan nya?…
Mahigit sa 50 katao ang pinatay
ng mahigit 100 armadong kalalakihan
na sinasabing pinamumunuan ng taong
inaresto…Bukod sa mga witnesses,
ilang Boto Patrollers ang nagpatunay dito…

Ano ang pinagkaiba?

Interview sa TV Patrol :
Newscaster : Bakit pag isa lang namatay, agad agad may aarestuhin kayo?
ngayong 50 mahigit katao, araw na ang lumipas wala pang naaaresto?

Bago ka mag-comment,
SMILE ka muna…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. saul krisna says

    teka smile muna ako
    🙂

    oh ayan tapos na ako mag smile kahit kahapon lang eh pinag tripan ng dentista ko yung 4 na ngipin ko at binunot na…kaawa awang nilalang…

    hmmmm di ko mahanap yung pag kakaiaba… ang tanging nakita ko lang eh…

    bakit late lagi ang mga pulis? wala bang intelligence division or surveillance man lang?

    bout sa massacre sa Maguindanao medyo nakaka awa sila… di ko masyadong tinititigan mga pics nila kasi nalulungkot lang ako at BAWAL YUN…

    everything happens for a reason…

  2. saul krisna says

    hala base pala ako… pareoy wala ba akong free gift? kahit ice cream lang… sakit pa din kasi ng ngipin ko eh… ang cheap naman pag yelo lang ang ngunguyain ko…lolz

  3. Lord CM says

    @Saul…
    Hehehe 😀 Ang daming pinagkaiba pre…eto! Isa lang ang namatay, inaresto agad ung taong wala namang kasalanan at sa mismong harap pa ng nag aagaw buhay na asawa, sinama pa ung pamilya.. pero 50 katao na ung namatay, ilang araw na wala pa ring naaaresto? ano yun?! 😀

    Ice Cream? Sige pre, hintay mo, FEDEX ko lolzz

  4. Kosa says

    ako ba ang pangalawa?

    sa totoo lang parekoy,
    walang masyadong pinagkaiba.

    parehong may namatay.
    parehong may naaresto.
    parehong may biktima.
    parehong may suspect.

    *******************

    hahaha. diko makita yung pagkakaiba eh, kaya yung mga mga pareho nalang ang sinabi ko.

  5. The Pope says

    Malaki ang pinagkaiba, si Ted, mamamahayag na tumutupad sa tungkulin at panig sa katotohanan na tinutuligsa ang mga baluktot na kaganapan ng ating bansa na kinasasangkutan ng Administrasyon at PNP kung saan sapat na upang sya ay ituring na KAAWAY ng pamahalaan, kaya't sa pagkamatay ng kanyang maybahay na si Eda, isang pagkakataon upang sya ay gipitin bilang ganti ng PNP.

    Ang Ampatuan clan ay kaalyado sa partido at kaibigan ng Administrasyon at ni PGMA sa mahabang panahon na nagbigay sa kanya ng solidong boto nuong nakaraang halalan. Sapat na ito upang magkaruon ng napakalaking UTANG NA LOOB, kaya't sa kinasangkutan ng mga Ampatuan, inaasahan ang mabagal na aksyon ng pamahalaan sa isang itinuturing na matalik na kaibigan na maaaring mauwi sa isng white wash investigation.

    Justice delayed is justice denied.

  6. Lord CM says

    @The Pope…
    Magrereply p ba ako? 🙂 Salamat pre…

    Kosa, ayan na! Di mo na kailangang mag isip, sinabi na ni The Pope ang isa sa pinakamalakeng pagkakaiba ng dalawa sitwasyon 🙂

  7. Lord CM says

    @AIM…
    Eto pa pre, Ilan ang namatay sa massacre? at ilan ang sinasabing pumatay dito? kulang ang mga daliri ko, pero ilan lamang ang naaresto?

    Ung kay Ted, hindi man sya ang pumatay sa asawa nya, pero paano ginawa ng mga pulis ang pag aresto sa kanilang magpapamilya? SA HARAP NG NAG AAGAW-BUHAY NA ASAWA, sapilitang inaresto!

    Anong Gobyerno meron tayo ngayon?

  8. manik_reigun says

    ganun talaga kapag kabatak mo si gloria, ala-sagala sa santacruzan ang hawak sa iyo at petiks lang ang proseso maski ilang tao pa ang patayin mo

  9. I am Xprosaic says

    Bilang isang anak ng Mindanao di na bago sa amin ang ganung set up…. simple lang… kapangyarihan… pero syempre di na ako magsasalita pa… jejejejejeje… naku ang lapit ko ngayon sa pinangyarihan ng krimen… pero tahimik lang di naman magulo… ayos lang… back to normal naman ang buhay ng mga tao… jijijijiji

  10. Dhianz says

    anyareh?… sa pinas naman kc… inaaresto ang di naman dapat inaaresto… then yung dapat arestuhin eh nde naaresto nor inaaresto.. may sense pa bah?.. neweiz yeah.. laterz.. Godbless! -di

  11. Alkapon says

    simple lang ang sagot ko dyan kung ano ang pinagkaiba..

    Iba yung tinititigan

    kaysa sa

    TINITIGNAN…

    Sumasabog ang dibdib ko sa galit ngayon parekoy.. ayaw ko lang ipahalata.. idadaan ko na lang sa tawa at pagpapatawa.

  12. Lord CM says

    @Manik_reigun…
    sinabi mo pa pre, nakakabwisit no?

    @Xprosaic…
    taga mindanao ka pala pre? mabuti naman pre at di magulo ngayon dun, sana di na maulit ang nangyari

    @Dhianz…
    bakit nga kaya ganun ni Dhi? ang hirap sa Pinas kung wala kang kadikit na pulitika eh…

    @Alkapon…
    Hehehe 😀 ganyan din dito pre, iba ang tinititigan kaysa tinitingnan…pero smile ka lang muna at maaayos din lahat, sana…

  13. DRAKE says

    Ayan nagsmile na ako pwede na bang magcomment??

    Eh iba na kasi ang malakas sa gobyerno, may delaying tactics!

    Kung ako dyan babalatan ko yan ng buhay saka pipiraso-pirasuhin para gawing bopis!

    Hahaha napaka MORBID, ingat!

  14. kox says

    SMILE 😀

    oo nga, bkait ganon? tskk.. nakakakilabot yung nangyare. nakakaawa naman.. mga walang pusong nilalang ang gumawa nun! (umiyak, sumigaw, nagwala.)

  15. Badong says

    buti na lang sinabi mong mag-smile muna kundi depressed na naman akong magko-comment. hehe

    pero sa totoo lang, wala pa rin akkong masabi sa nangyari. nakakagulat. karumal-dumal. ang hirap.

  16. Lord CM says

    @Kox…
    ewan ko nga, hindi na gawain ng tao ung ganun..sobra!

    @Badong…
    alam ko kasi puno na ng galit ang iba dahil sa nangyare pero eto lang magagawa natin, magdasal at mag smile sa lahat ng bagay…

    Bahala na ang nasa taas sa kanila

  17. dhyoy says

    haizzz sumasakit bangs ko gusto ko man magsmile sa dami ng nababasa at naririnig ko parang ang hirap ngumiti…

    ano ba ang nangyayari sa Pilipinas?

  18. isladenebz says

    For this particular incident, I can't really smile, Charlie. Nalulumbay ako to think what people are capable of doing sa ngalan ng pulitika. May all the culprits be punished severely — in this life and beyond.

  19. Lord CM says

    @Dhyoy…
    wala ka namang bangz eh! lolzz

    Hintay ka lang at may magbabago din sa Pinas 🙂

    @Nebz…
    Naiintindihan ko pre,maski ako hirap mag smile pag naaalala ko ung mga nangyari…Si Bro na bahala sa kanila

  20. SCOFIELD JR. says

    tlagang nakakalungkot isipin na nagagawa ng iba ang ganun, at isa pa sumasama tuloy ang image ng mga pinoy dito sa ibang bansa, sa isang news dito samin ipinakita yung maguindanao masacre, pagkatapos nun, insar n kami ng mga kasama kong chinese na bakit daw ganun mga pinoy, take note, "MGA PINOY", meaning lahat tayo.

    himdi muna ako mag-iismayl ngayun.
    🙁 (sa dec 8 na lang kase bday ng kapatid ko.)

  21. Jag says

    HIrap akong magsmile nung malaman ang balita…

    Adunno what really happened sa Failon case mkikibalita muna mamaya…

    Sa Maguindanao case naman God Bless na lang sa mga salarin…hindi ko alam kung anong ibig ipahiwatig nila sa pagpatay ng mhigit 50 katao…dinudungisan lng nila ang pangalan ng Mindanao. Napahiya nga ako sa bosing ko ksi sabi nya ayaw n daw niyang pumunta sa MINDANAO matapos malaman ang blita…well can't blame him in his perception…

    bsta ang masasabi ko mapayapa sa lugar ko DAVAO jijiji…

  22. Jag says

    erratum: kung anong ibig ipahiwatig sa pagpatay ng mhigit 50 ktao dahil lng ba sa ksakiman sa kpngyarihan? o kya feud between parties? hays! nkklungkot…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *