PBB – Double Up

Opinyon lamang po ang lahat ng mababasa nyo, TFC ang madalas kong panuorin, di ko lang mapigilang mag react tungkol dito..Pwede rin po kayong mag react pero bawal ang gulo o away ah, hehehe, pangunahan ko lang, baka kasi magkagulo…

Nanunuod ka ba ng Pinoy Big Brother – Double Up?..At syempre kung nanunuod ka, alam mo na kung bakit tinawag na Double Up…Bukod sa dalawa ang bahay ni Kuya, mayroong dalawang pares na kambal na housemate.

Syempre hindi alam ng ibang housemate ito, task ng dalawang pares na kambal na hindi magduda ang ibang housemate na may kambal sila, ung kakambal ng bawat isa ay nasa unang bahay at syempre ung kakambal nila ay nasa pangalawang bahay. May pagkakataong magpapalit sila ng bahay at magkukunyaring sila pa rin ang nakasama ng mga housemate gayung ung isa sa kambal na pala ang nakakasama ng ibang housemate. Ang gulo no? pero ang galing, Ilang araw din nilang niloko ang ibang housemate hanggang sa mabisto sila.

Eto pa isa, Double Up dahil may housemate na mag asawang magkukunwaring hindi sila magkakilala, madali lang enoh? eto ang problema, Ung babae ay magkukunwaring asawa ng isa sa mga bagong housemate…Gumulo? Hehehe…Ganito, sa loob ng bahay ni kuya may tunay na mag asawa, pero papalabasin nilang hindi sila magkakilala, at ung babae ay asawa ng isang housemate na na-meet nya lang pagpasok sa bahay.

Isang linggong task uli yan, ang paniwalain ang ibang housemate na mag asawa ang dalawang housemate na ngayon lamang nagkakilala, habang kayong tunay na mag asawa ay magpapanggap na bagong magkakilala lamang. Imagine-in mo, kasama mo ang asawa mo sa isang bahay kung saan may kasama syang iba at nagpapanggap silang mag asawa.

Kasabay ng task na ito ay ang dalawang house mate na hindi magkakilala pero palalabasin nilang mag syota sila, as in may relasyong namamagitan sa kanilang dalawa. Ang dali lang kung iisipin, PERO, isang malakeng PERO, isang lalake at isang bakla ang magsyota.

Ung nagpanggap na mag asawa ay nabisto ng mga housemate bago pa matapos ang task, ngunit etong magsyotang bakla at lalake ay nalagpasan nila ang task dahil sa magaling na pagpapanggap ng dalawa…Ang galing nila no? Naloko nila ang ibang housemate…NAPANIWALA NILA…

Sandali…Ano ba ang punto ko?…na manloloko sila? Hindi, ang tutuo wala namang kasalanan ang mga housemate…Isa sa dapat nilang gawin bago pumasok sa bahay ni Kuya ay sundin lahat ng rules at ipag uutos ni Kuya. Pero, tama bang paniwalain mo ang mga kasama mo sa bahay sa isang bagay na wala namang katotohanan? Andun na tayo sa aral na makukuha nila dito, aaminin ko sa task na magpapanggap ang dalawang hindi magkakilala na mag asawa habang kasama mo ang tunay mong asawa ay may aral, may matutunan sila, eto ang pagtitiwala sa bawat isa…Ngunit ang paniwalain mo ang mga housemate na mag syota ang dalawang ngayon lang nagkakilala, anong matututunan nila duon?

Sabihin na nating pagsubok lamang ang mga ito, na gaya ng ibinibigay sa atin ni Bro(ung tunay na Bro ah)…Mahirap man o imposibleng malagpasan pero alam natin na mayroong tayong natututunan sa bawat pagsubok ng buhay…Eto ung mga pagsubok na hindi mo kailangan mangloko ng ibang tao, paniwalain ang mga nakapaligid sayo sa bagay na walang katotohanan…

Natapos ang task ng dalawang mag syotang bakla at lalake, at dumating ung araw na sinabi na ni Kuya na palabas lamang ang lahat…Kung napanood mo, nakita mo sana reaction ni Princess, isa sa mga housemate, “Fake lang lahat?”, “Hindi tutuo?!”, di ko matandaan eksaktong sinabi nya pero halata sa reaction nyang parang napikon sa panlolokong nangyari…Biglang banat si Kuya, “At dahil jan, may premyo kayo!!”

AYUN NAMAN PALA EH! MAY PRIZE PALA!…Kaya hanggang ngayon, pinapanuod ko pa rin ang PBB, hehehe walang ibang pwedeng mapanood eh.

Opinyon lamang po yan…Di ko nga po siguro nakuha yung gustong iparating na aral ni Kuya, dahil sa kakitiran ng utak ko at nakita ko lang ang panlolokong ginawa sa ibang housemate…Pwede nyo pong linawin dito para naman malaman ko kung anong aral duon…wala lang sanang gulo 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. kheed says

    yung dun sa mangpapanggap na mag asawa, na si cath at si patrick, gusto daw makita ni big bro yung sakit na naramdaman ni cath dati nung niloko sya ni jimson, kaya pinagpares itong si patrick at cath para maramdaman din ni jimson yung sakit kapag si cath naman ang makita nyang may ibang kasama.. ang labo noh? hehe pero parang ganun daw yun ahehe

    yung dun sa bading at lalake, di ko alam kung bakit pinagawa ni big bro yun ahehe

  2. MarcoPaolo says

    kwento nang mga officemates ko rin yang dalawang mag-asawa na yan…. sabi ko, bakit ganon? naguluhan ako… tas noong sinasabi na pinaramdam lang ni Bro ang naramdaman noon ng babae… sabi ko, aahhh yon naman pla… may punto naman pala si Bro.

    Pero sa totoo di ko napapanood at nasubaybayan ang kwento ng bawat housemates. 🙂

  3. Lord CM says

    @Kheed…
    May punto naman si Kuya dun, actually may aral kang makukuha sa pinagawa nya sa mag asawa.yun nga lang tama bang ipakita sa madlang pipol ang ganung sitwasyon?

    Di naman sa nagmamalinis, pero maraming paraan para mabigyan mo ng aral ang mag asawa at hindi sa ganung paraan na maraming nakakapanood…

    @Marco…
    Hehehe 😀 Simulan mo nang panuorin, masaya rin naman eh…reyalidad talaga ng buhay..

  4. Life Moto says

    Simula palang ay alm ko na mga scripted lang ang mga eksena. kaya wat ever na gawin nila ay may dahilan. for entertainment sake nakikiride on na lang ako sa palabas or else di ko pinapanood.

    Pero doon sa panloloko sa iba sometimes ay kinakalingan lalo na kung meroon kang isang task or responsibilidad na dapat gampanan. well di ko naman sinabi na lagi tayo manloko ng tao just for fun or habits. Just like here sa PBB na test ang kanilang obedience kay bro.

    Opinion lang bro!

  5. Lord CM says

    @Life Moto…
    Scripted nga siguro ang lahat.Sabagay kung wala ring ganung task mejo boring din dba? yun nga lang kakaiba to sa mga naunang season ng PBB…

    Salamat sa opinyon pre 🙂

  6. J3e says

    hindi ako naka relate 😀 ndi kase ako nanonood ng PBB Double Up kahit TFC kami sa bahay. wala lang… hindi ko lang feel. hahaha! mas gusto ko pa rin ang Survivor Philippines Palau.

    nweiz, ndi ko alam kung ano ang magiging opinyon ko jan…cguro tama nga si life…scripted…hehehe…

    yun lang po…wala ata akong naitulong weeh…hehehe…

  7. patola says

    ehem ehem.. i'm watching PBB from time to time.. natutuwa naman ako kasi mukhang masaya naman sila.. pero ang isa sa ayaw ko sa show is that "big bro" is mandating what is good because of his silly tasks… i definitely believe that one's conscience is the right path towards being good and para masabi ng isang tao na he's morally good.. iba kasi pag legally good which means you are doing something based on rules pero kapag moral na, you believe that it is the right thing to do since you are follwing your conscience and taking others as factors in your actions..also, a moral person woudn't take the chance of fooling others for the sake of his/her own achievement. (bat pala english ako?!)

    i think that was the weak point of the show. physically nice to the eyes though morally bad to once conscience.

    yaan mo kuya, kapag ako sumali diyan.. sasabihin ko yan ng harapan kay big bro.. wahahahaha… :p

  8. Lord CM says

    @Jee…
    Hehehe 😀 Nakatulong naman Jee, nakadagdag comment ka lolzz

    Salamat sa pagdaan..

    @Patola…
    Oo nga dba? Pwede naman sigurong kontrahin si Big Bro na "Di ko po magagawang lokohin ang mga housemate ko" o kaya naman, "di po ako sanay na nagpapanggap para lang manalo"…wag pala kontrahin, mag suggest ka lang kay Big Bro na panget tingnan sa mata ng iba na niloloko mo ang ibang housemate…

    Ewan, pero masaya pa rin syang panuorin 🙂

  9. E??su?J says

    Survivor Philippines Season 2 pa din ako 🙂

    ewan ko, madaming seasons na kase ng PBB ang napanood ko;pero knowing na lahat ng bagay na mangyayari dun is scripted ~ nakakainis lang panoodin..tsktsk…

  10. Yanie's Ka-blags!!! says

    waaaaahhhhhhH!!!! I WANT MY TFC Back!!!!

    nakakabuwisit kasi GMA lang ang pwedeng ikabit sa building namin, di daw pwede ang TFC huhuhuhu!!!

    word verification ko: TEWAS??? hahaha

  11. J3e says

    hehehe… pareho kami ni jen =) mas gusto namin ang SURVIVOR PHILIPPINES season 2. kahit ung season 1 ng SP tinapos ko din un… mas challenging kase dun…mas masaya…may matututunan ka at magkakaroon ka pa ng idea kung pano makisama, ung strategy na dapat mong gawin tlga at lalong lalo na ang mag SURVIVE sa isang island! 😀

    usapang SP to e! ndi PBB! soriiii 😀 hehehe… ayaw ko tlga kase ng PBB ngaun…promise!

  12. A-Z-E-L says

    Survivor Philippines din ako…

    ayoko ng drama effect…
    gusto ko action! hehehehehe!

    wala kaming GMA… sa internet lang. 😀

  13. I am Xprosaic says

    Ahahahahhahaha… pass ako dyan! Di ko kasi napapanood… jijijiji pero ok na siguro yung sa survivor… jijijiji… mas gusto ko games… pautakan hindi games na lokohan… jijijijijiji… but nonetheless seldom pa rin akong manood… jijijijiji

  14. bizjoker-of-the-philippines says

    Si Darna ang love ko… ayoko kay Kuya…hehehehe!

    Magkakaron daw ng Survivor dito.. Afghanistan Series…

  15. fiel-kun says

    @bizjoker-of-the-philippines – ahaha, natawa naman ako sa sinabi mo sir 😀

    @topic/LordCM
    Big fan din ako ng PBB since Season 1. May point pa nga na talaga todo ubos load din ako sa pagboto sa mga favorite housemates ko. About naman dun sa mga task, lets put it this way. Ginagawa lang talaga ni kuya yung mga weird tasks nya para patatagin lalo ang mga housemates. Kesyong may kasinungalingan na kahalo or pagpapanggap, dun talaga malalaman ni Big Bro yung tunay na pagkatao ng isang housemate at dun din nya malalaman yung kakayahan nila kung paano lulusutan ang mga gusot at kung paano lalagpasan ang mga hamon a kanila. Just my opinion lang din ^_^

    Kanta na lang tayo ng "Pinoy ako, Pinoy tayo… Ipakita sa mundo, kung ano ang kaya mo… Ibang-iba ang Pinoy…"

    Salamat po sa pagbisita sa aking blog 🙂

  16. Lord CM says

    @Rio…
    Hehehe 😀 tagal ko na naririnig yang Darna pero di ko pa napapanood, kwento ka nga pre…

    @Fiel-kun…
    May point ka dun, pero hindi kaya isa ring pagsubok ni Kuya kung susundin mo o hindi ang mga task na parang lolokohin mo ang mga housemate mo? Ibig ko sabihin, susunod ka kaya sa task na alam mong mali sa tingin ng iba?

  17. iya_khin says

    komento ko tungkol dyan eh…wala lang! ehehe!

    actually di ako nanonood ng tv eh kaya wala akong alam! ngii…

    pero base sa kwento mo, tungkol dun sa magsyotang bading, siguro ang lesson dun is kung paano mo irespeto ang isang bisexsual, kung pinadidirihan ba sila o wateber..RESPETO o PAGTANGGAP sa kasarian ang nakita ko dun..sana tama ako 'no kasi di ko nga napapanood..

  18. Lord CM says

    @iya-khin…
    naisip ko nga yang respeto o pagtanggap sa pangatlong kasarian, actually nangyayari talaga sa tutuong buhay yun eh…yun nga lang, andun pa rin yung pinaniwala nila ung ibang housemate sa bagay na wala namang katotohanan at di naman nila kasalanan dahil sumunod lang sila…

  19. Traveliztera says

    Hahhaa napanood ko lang e nung pumasok ung mga housemates tapos tinamad na ako pero nung kinwento ni mama ung mga kinwento mo rito, nanonood na ulet ako hahahha!

  20. SEAQUEST says

    Una scripted cia, oo, for entertainment…Pro para sa akin bawat task na nalalampasan nila tulad din yun ng buhay ng tao gagawa at gagawa tayo ng paraan para malampasan ang task n yun, at tulad ng ngaganp sa loob ng bahay ni kuya bawat task na malampasan ay may katumbas na gantimpala, Yung pagkakabisto dun sa magasawa ang aral lang nakuha ko eh di yung dapat lang maramdaman nung lalaki yung naramdaman dati nung babae, aaminin ko po ayoko nung dahilan ni kuya kasi para sa akin pagganti na din yun although at the house is task at scripted nga eh, kung sa real life ayoko ng gantihan para sa akin anumang bagay na nagawa sa nakaraan dapt ko ng kalimutan, at tama din si kuya life moto sang ayon ako sa kanya na minsan kailngan nga rin maloko ng tao upang matuto, but hindi ito nangangahulugan gawin itong libangan lang…kumbaga katulad lang din ng di lahat ng pagsisinungaling ay kasalanan…opinyon lang kuya ha, sabi mo nga hehehe…

  21. Kosa says

    ang aral parekoy,
    siguro… ahhhh nasa nakakaintindi na siguro yun… i mean, nasa taong umiintindi.

    dahil sa post mong ito dapat ay may libre sayo ang TFC…lol promo din to!

    *****************

    ako hindi nanonood ng PBB o kahit anung reality show pa…lols
    madalas kase naaddict ako.

    kaya hanggang mga Documentaries at Investigatory reports lang ako… atleast isang bagsakan lang.hehehe

  22. PUSANG-gala says

    adik ako dito sa palabas na to.hay—basta–gusto ko ang line-up nila ngyn. diverse yung group and that's a good thing~~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *