ADVERTISEMENTS

Ang mga sumusunod ay napansin ko lamang sa loob ng anim na taon ko dito sa Palau, bahala na magdagdag ung ibang Blogger na andito sa Palau..oo nga pala, ako lang Pinoy blogger dito, ay meron pa isa, officemate ko…dalawa na kami!
  • Mas masaya dito kapag undas kaysa xmas at new year, ewan ko ba at pinagdiriwang nila ang araw ng patay
  • Walang putukan dito kapag new year, bawal magpaputok! Lusis pwede, saka watusi
  • Newspaper dito pang isang linggo, baka kasi wala na sila maibalita kung araw-araw
  • Bihira kang makakita ng pulis na may baril, ni wala ngang balita dito na binaril eh
  • May mga preso dito na kung tawagin ay “six to six”, kasi pasok sila sa kulungan ng 6pm, labas ng 6am para mag work tapos balik na naman sa kulungan ng 6pm, galing no?!
  • Tawag ng mga Palauan sa Pinas eh PI, maliit lang daw kasi na island ang Pinas, pag pinakita mo ung mapa ng Pinas sa kanila at katabi ang Palau, eh di maniniwala..Tuldok lang kasi ng Pinas ang Palau…subukan nyong tingnan sa google earth, baka nga di nyo makita ang Palau eh
  • Walang gprs dito, send nga lang ringtone hindi pwede eh…bluetoothan na lang.
  • Wala ring sinehan dito, kaya dapat may dvd player ka, tungaw!dapat may tv k rin ah!
  • Walang mall dito, pinakamalake na yata ung isang store ng company, hanggang 3rd floor lang at may dalawang entrance wala pang sekyu, isipin mo kung gaano kalake yan
  • Taxi lang ang pampublikong sasakyan dito, kaya kung wala kang sariling sasakyan simulan monang maglakad dahil $2-$4 ang taxi
  • Receive k lang ng call sa cp mo eh mababawasan pa load mo! AYUP!
  • At di mo pa pwede itext o tawagan ung isang Telephone Company, di gaya sa Pinas na pwede mo itext ang Globe kahit Smart ka.
  • Nga pala, kung may $500 ka dito makakabili ka na ng sasakyang second hand, pero maganda pa, sayang nga at di pwede iuwi sa Pinas
  • Hacker na ang tawag nila sa taong gumamit ng Internet Dial-Up Account na hindi sa kanya, paano pa kaya kung galawin ko computer nila remotely?
  • Pansinin ka kapag quiksilver, billabong o roxy ang damit o gamit mo, kaya nung bakasyon ko dinala q quiksilver ko…wala man lang pumansin!
  • 2 Lanes lang halos lahat ng daan dito, kaya di pwede overtake.
  • Gusto mo magkapera? pasuntok ka dito at sumbong ka sa Police, may $300-$500 ka
  • Mas madalas ang gulo ng mga kabataan dito, kasi naman pag menor de edad ka eh pasundo ka lang sa nanay mo sa kulungan eh uwi ka na
  • Kapag nga pala nahuli kang nagbenta ng alak o sigarilyo sa menor de edad o kaya’y ikaw na menor de edad ang bumili, sigurado naka display ka maghapon sa publiko at may plakard pa!
  • $$$ ang kaperahan dito, tapos parang probinsya ang dating..walang masyadong polusyon, walang masyadong krimen, at simple lang ang buhay…depende na sayo kung pahihirapin mo

Yan na lang muna, saka ko na uli dagdagan pag naka 12 years na ako dito…

ADVERTISEMENTS