First Time – Adobong Baboy

Wag na kayong magtanong kung ano yan, Adobong Baboy na pinatuyo yan! Sabi ko magluluto ako ngayon, susubukan ko lang ba…Pinakamadali raw ang adobong baboy, edi subukan…

Hanap ako sa net kung paano magluto ng adobong baboy, di naman ako binigo at ang dami pang paraan kung paano magluto nito…Hanggang sa makahanap ako ng madaling paraan ng pagluluto nito, eto na;

Bumili ng karne ng baboy, toyo, suka, paminta, bawang at tubig (binibili tubig dito)…Pagsama samahin daw at ilagay sa kaldero…Ibabad ng dalawang oras at saka lutuin…Excited!!!Wala pang dalawang oras, nilagay na sa kalan at sinimulan nang lutuin…Lutuin daw ito hanggang sa lumambot ang karne ng baboy…

Kapag malambot na ang karne, kumuha ng kawali, lagyan ng mantika at hablutin ang bawang sa kalderong pinaglutuan. Igisa raw ang karne sa kawali na may bawang at mantika, at kapag nangitim na ang karne (may mali ata sa nabasa ko…) tanggalin ang mantika at ilagay ang sabaw na nasa kaldero, yung pinagbabaran ng karne at pinaglutuan kanina. Tapos pakuluin uli, pero ginawa ko pinatuyo ko ung sabaw para mas masarap…

Ayun!Natapos din, matitikman ko na ang unang luto ko na matagal ko nang pinag iisipan gawin…Anong lasa?!

MAALAT!!!

Pero masarap, hehe syempre luto ko eh…papakain ko mamaya sa mga kasabay ko kumain

PS : May mali nga siguro sa nabasa ko, medyo panget tingnan ung adobo ko eh, di ko matandaan kung igisa sa mantika ang karne hanggang maging brown o black? Eh basta papakain ko sa mga kasama ko yan!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. The Pope says

    WOWWWW, sarap naman lalo pa't karneng baboy, dito sa Gitnang silangan hindi importante kung maalat ang luto mo, sa amin iyan ang pinakamasarap mong niluto hahaha lalo pa't PORK MEAT.

    Di ko na matandaan kung kailan ang huli kong kain ng karneng baboy.

    Dahil marunong ka ng magluto puede ka nang mag-asawa HAHAHAHAHA (lolz)
    Happy weekend bro.

  2. ?superjaid? says

    alam ko na kung bakit umalat yang luto mo kuya..kasi sa net mo kinuha yung recipe..sabi kasi nung prof namin..karamihan sa mga recipe sa internet eh hindi kitchen tested kasi madalas pumalpak..kaya mas magandang sa libro kumuha o kaya sa mga blog ng mga kapatid natin kasi for sure natry na nila yun bago nila nilagay sa mga blog nila..^__^

  3. saul krisna says

    ahahahaha anak ng jueteng, nagutom ako bigla ah… mag popost dapat ako ng niluto ko kanina kaso nakita kong nag mala-cooking show ang blog mo eh kaya next time na lang… baka kasi pagsimulan ito ng cooking post fever na naman tulad nung tsinelas na post dati…

    hmmmm parang mali nga yung nabasa mo… parang dapat brown ang kulay nun parekoy… pero ayus na yun… atleast edible pa din… sarap yan sa malamig na beer…

    tanong ko lang bakit binibili ang tubig dyan? ang dating kasi sa akin eh mahal ang tubig sa inyo…

  4. abe mulong caracas says

    talagang ganyan pag first time…

    meron pa namang susunod (wag ka lang susuko) pero ang gawin mo…yung walang instruction na susundan…

    yun bang tsamba tsamba lang, mas masarap ang kinalalabasan!

  5. Lord CM says

    @The Pope…
    ay oo nga pala no, tigang kayo sa karne ng baboy jan, sige pre titigan mo na lang ung luto ko 😀

    @POGI…
    Sinabi mo pa pre 😀

    @SuperJaid…
    Siguro nga, pero sa susunod alam ko na gagawin ko…tantyahan na lang 🙂

    @Marco…
    Eto kanin!!Salo! lolzz

    @Saul…
    Oo nga ata pre, brown ata dapat hehe

    Ung tubig na iniinom namin binibili pa namin, yun na rin ginamit ko pang luto

    @Mulong…
    Hehehe 😀 moral support ah, salamat pre

    @traveliztera…
    tikim na! 😀

    @Jepoy…
    ano ka? naubos kagabi ah, di na kailangan sawsawan lolzz

  6. I am Xprosaic says

    Naku, maalat ba… damihan mo na lang ng kanin at tubig sasarap din yan… jejejejejeje… Galing! sa susunod lechon naman! jijijijiji

    word verification:wyltry (will try…jejejejeje)

  7. A-Z-E-L says

    madami lang toyo yan…

    iginisa mo pa pala ung karne…
    kami kase pag nagluluto saby-sabay na. meat, toyo, suka, paminta, sibuyas, konting water…

    tapos wala ng bukasan ng kaldero hanggang maramdaman mong medyo tuyo na… then magmamantika ng sarili un… after a while… tapos na! hehehehe!

    pero di bale, kahit maalat basta mainit ang kanin, ok na yan!

  8. apieceofkeyk says

    hahaha! natawa talaga ako dun sa brown o black. kasi naging black nga talaga yung meat dahil na rin sa toyo. pero nice try! and for a first timer like you, ok lang na magkamali muna. trial and error naman kasi ang pagluluto.

    nagluluto rin ako ng adobo kasi paborito ng pamilya yan (except me). tama naman yung procedure mo, pero what i do naman, i add a dash of sugar para mag-caramelize ng konti and also para mabalanse mo rin yung alat tapos papakuluan ko for another 5 minutes para magmantika. tsalap! 🙂

    ay, nagutom tuloy ako… kainan na! penge ako 😛

    ENJOY

  9. Life Moto says

    wag ka na sanang lumayo, punta kalang sa bahay ng tastemoto at makakapamili ka ng recipe mo. baka maging isang chef kapa hahaha!

  10. E??su?J says

    hahahha

    ako naman pag nagluluto ako ng adobo nilalagyan ko ng asukal…
    =))

    bakit ba?
    kanya-kanyang trip yan pare..
    ^^,

    nagutom tuloy ako :))

  11. JETTRO says

    pare bumisita rin dito
    try mo i prito mo ng konti yung baboy lagyan mo ng pamintang duog asin, vetsin konting sili at bago iprito huwag masyadong luto sa prito basta namula lang saka mo
    i-adobo lagyan mo ng konting asukal. try mo yan.

  12. chikletz says

    haha! natawa naman ako sa part na parang talaga pipilitin mo silang kainin ang luto mo. panalo!!

    gawain ng kapatid ko ang magluto ng tuyong adobo..sarap!

  13. kox says

    hahaha.. dapat may asukal. si mama, may asukal pag nag aadobo, masarap. hehehe.. sa susunod na luto mu kuya, pityur ule ah. hehe. =)

  14. siyetehan says

    nice!

    nasubukan ko na ring mag-adobo, pero, pero, pero, wag na muna nating pag-usapan. hehe

    may susubukan ako one of these days- adobo sa gata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *