Banggaan…

Lunch break nang sunduin ko ang isang kasamahan sa store kung saan sya naka-duty para sana umuwi ng barracks at kumain. Kadalasan ang ginagawa ko eh tinatawagan ko muna sya para di na ako magpa-park pa kundi daan lang ako sa store at sakay na sya agad…

Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakatawag bago ako umalis ng office at sunduin sya, ayan tuloy nag park pa ako sa harap ng store…Pagkasakay ng kaibigan ko, sabay kwento at ako naman tingin sa gilid, syempre para tingnan kung may parating at aatras ako…ang t.anga ko at hindi ako tumingin sa likuran kaya pag release ko ng break sabay atras ng sasakyan..

KA-BLAG!!!

Ayun!!Pagtingin ko sa likod, isang kulay puting sasakyan ang nabangga ko…Isa pang tingin uli, Wow!May logo ng company namin, buti na lang at Service Car ng Company namin…Swerte pa rin, kasi kung sa ibang tao yun malamang tagain ako sa bayarin ng pagpapagawa ng sasakyan nya..pero since sa company ung sasakyan, may posibilidad na maka discount pa ako…Sana…

Binalikan ko ang sitwasyon mula sa opisina, sa hindi ko pagtawag bago ako sumundo hanggang sa umatras ako ng hindi tumitingin sa likuran..Sabay tanong sa sarili, “Masyado bang marami akong ginagawa sa opisina ngayon o magulo lang utak ko?“…

Sa loob kasi ng limang taon na andito ako sa Palau, hindi pa ako nabangga o nadisgrasya…Pagkatapos madisgrasya ang lahat ng kasamahan ko sa departamento umasa na ako na ako ang susunod, pero sobrang tagal na bago pa mangyari at pasalamat na rin ako dahil di ganun ka-grabe na tulad ng iba eh kelangan pang magpaliwanag sa Police Station…Dahil sa company rin naman ang nabangga ko, usapan na lang, dalhin sa repairshop ng company at i-charge sa akin ang kung ano man ang magagastos…

At dahil walang masyadong masamang nangyari sa akin, muli…Salamat, Lord

ang imahe ay galing sa http://www.drnyman.com/ …salamat po…

ADVERTISEMENTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *