Pagmamahal…

Hindi ko alam kung mali o tama ang ginawa ko para sa iba. Mas pinili ko lang ang katahimikan, may mali ba dun?
Bawat isa sa atin may kanya kanyang prinsipyo, may sarili pag iisip. Kung nagpakumbaba man ako sa kasalanang di ko ginawa, yun ay dahil may dahilan ako. Kung nakiusap man akong itigil na ang kaguluhan, yun ay dahil may dahilan ako. Kung nag sorry man ako kahit wala sa akin ang mali, yun ay dahil may dahilan ako. Kung gusto nyo lumaban, di ko hawak pag iisip nyo, GO!
Sabihin na nating mali ang pakiusapan ang isa sa atin na tumigil na ng kakatalak, dahil unang una.., OFW.., tayo.., ako ang nasaktan, pero mas mali naman atang wag natin itong pansinin. O wala ka man lang gawin kahit na makiusap na itigil na ang maling gawain at hayaang maliitin ang pagkatao mo sa mundo ng blogosphere kahit pa sabihing makitid ang utak nya.
Hindi ako nagagalit o ano pa man, ngitian mo lang naman ako wala na ang galit ko. Nagpapaliwanag lang ako kung bakit KATAHIMIKAN ang naging desisyon ko, kung iba ang desisyon nyo, di ko na kontrolado yun…MALAYA KAYO! ANG MAHALAGA MAY GINAWA KAYO…ang manahimik sa gitna ng kaguluhan na IKAW ang apektado.

Hindi nga pala ako naghihintay ng sorry o apology, na gaya ng ginagawa ng Gobyerno ng Pinas sa tuwing may mang iinsulto sa mga Pinoy, kaya kong balewalain ang lahat, pero gagawa ako ng paraan para hindi na ito maulit, at sa tingin ko ang PAKIKIPAGKAIBIGAN ang paraan…

Marami na akong napatunayan kung pagmamalasakit lang sa kapwa OFW ang pag uusapan, IKAW MAY NAGAWA KA NA BA?

At kung ano ang dahilan ko?…PAGMAMAHAL…Sana maintindihan nyo.
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    [Ngiti]

    hmmm… di ako makarelate… wala kasi ako sa sirkulasyon… hehehe pero ipagdasal ko na lang na maging maayos ang lahat. at maging magKAIBIGAN tayong lahat… dahil tayo ay PILIPINO… dapat magka-ISA… at hindi mag-KANYA KANYA.

    [ngiti]

  2. Dhianz says

    absent kc lagi si Marc eh… tsk! lolz.. =)

    well choice moh 'un kuyah… lahat naman tayoh eh malayang gawin ang gustong gawin… 'un lang… ahehe… walah akong masabing matino… kc sometimes i don't really care wat other people say… lahat tayo eh may mga sari-sariling opinyon… not all d' people will agree w/ you.. and whether u like it or not.. may masabi at masasabing negatibo ang ibang tao sau… nde naten silah kontrol…. nor puwedeng kontrolin…

    kung tayo nga binigyan nang free will ni God eh… tayo pa kaya sa ibang tao… naks naman.. so yeah…

    laterz.. Godbless! -di

  3. Dhianz says

    minsan parang labo labo koh lang atah magkomentz noh… sana nag-make sense kahit papaano.. kahit konti lang.. gaya nga nang linya ni sis jenskee… kahit wanport lang… ok.. wan eight ok nah.. haha… SMILE lang kuya CM…. isipin moh na lang tatanda kah nah.. bbday ka nah… wehe… laterz.. =)

  4. Jee says

    sabi nga ni sis dee choice mo yun…lahat tayo ay may karapatang pumili o may karapatan tayong gawin ang gusto natin sa paraan na alam natin na makakabuti sa kapwa. walang pinipilit dito…

    wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao…wag mong papakinggan ang bawat salita na lumalabas sa kanilang bibig…ikaw at ikaw pa rin ang magdedesisyon…nasa sayo pa rin ang huling desisyon…

    your choice, your music! sabi nga sa myx. 🙂

    smile lang pare…baka lalo kang tumanda niyan. ang wrinkles…lolz!!

  5. bizjoker-of-the-philippines says

    di ka naman galit n'yan, kagagaling ka sa blog ko e ! hahahahaha!

    b-day mo na mainit pa ulo mo …

    Relax! See a movie!

    "Never trouble Trouble 'till Trouble troubles you."

    kalimutan na yan..Pagmamamahal naman ipalaganap natin…
    i love you CM, ako ba love mo? hehehe!
    pa-kiss nga isa lang…

  6. an_indecent_mind says

    may punto ka naman dyan brod..

    ako nga, di ko din pinatulan kasi ayokong makiisa sa kagustuhan nyang sumikat..

  7. A-Z-E-L says

    naintindihan ko kung bakit ganon… hindi ka nag-iisa sa laban.

    basta jan ka lang muna… magpahinga… relax…

    kaya namin to!!! hehehehehe!

  8. Bhing says

    sabi nga ni jee…

    ur choice, ur music…

    dagdag ko lng…ur music, ur dance!

    hapi bday! san ang party? makikikain kami….

  9. DETH says

    Kuya CM, i'm back po.
    yes tama yan, give love on Christmas day…ahahaha (bangag pa galing sa bakasyon!)
    kaw naman next magbibirthday! san ang handaan?

  10. I am Xprosaic says

    Bawat isa may dahilan, bawat isa may katanungan pero iisa lang ang di pa malinaw na sagot… kung ano at saan ang patutunguhan ng di pagkakaunawaan…

  11. Amorgatory says

    ay nkow lalow nakow absent akow nang absent. pero kahit wla akong alam sa mga nangyyaring kaguluhan sa mundow nang blogsperow, masasabi ko lang gudnayt antok nkow lols

  12. Kablogie says

    haaayyy papi lordcm…ganun talaga ang life parang pelikula..walang kwenta ang story kung walang max alvarado, paquito diaz, dick ysrael at lahat ng kontrabida sa pelikula..ang importante eh marunong kang sumuntok kagaya ni FPJ ganito bog..bog..bog..bog pak! pak! pak!

  13. isladenebz says

    haay…hirap talaga pag wala sa sirkulasyon. me bago na naman bang issue?…i'm really soooo off the loop!

    buti ka nga tahimik ka lang. mas grabe ako. deadma talaga ako. personally kasi, i don't let myself get affected by other people's snide comments lalo pa't ang nagsasalita nama'y walang karapatan. kaya nga sa mga maiinit na diskusyon about OFW, titingnan ko muna ung nagsasalita bago ako maging ballistic. kadalasan, deadma lang ako (but that doesn't mean wala akong pakialam dahil meron. it just so happen that i'm not always in combative mode; i choose the battles I fight).

    happy birthday po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *