Halungkat Series No. 003

Hehehe Sabi kasi ni Kenji yan na lang daw taytol ko sa mga entry ko na tulad nito…mga kumento kong hinalunkat pa sa archive ng ibang blogero…Kapag kasi wala akong magawa, naggagala gala ako sa mga archive nyo at naghahanap ng mga comments ko na pwede kong i-share sa iba…

Ayan at nakapag halungkat na naman ako, pero konti lang…Mga kumento ko yan sa ibang blogger at habang binabasa ko isa isa, naisip kong kung sa akin kaya mangyari yung sitwasyon ng isang blogger at ang mga kumento ko ang i-comment sa akin? Maiintindihan ko kaya? o Susundin ko ba sila? Ewan…di ko pa alam, siguro kapag andun na ako sa sitwasyon…

Basa muna kayo…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Ewan ko ba sayo kung bakit kelangan
masira pa ang buhay kung
ang mahal mo lang naman ang nawala…

DI NAMAN NAWALA UNG MGA
NAGMAMAHAL SAYO!
Mas dapat mong pahalagahan ung
mga taong nagmamahal sayo,
dahil sila lang ang pwede mong
takbuhan kapag nawalan ka ng
minamahal…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Mas gusto kong namnamin ang bawat
segundo ng buhay,
hindi dahil sa wala akong pakealam
sa aking patutunguhan kundi alam kong
minsan lang daraan ang segundo o
minutong yun ng aking buhay…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Bilangin mo pre kung anong meron ka,
at wag yung wala sayo…
dahil panigurado mas marami ang
nasa sayo na kaysa yung sinasabi
mong kulang..

Ang akin lang naman,
sana makuntento tayo sa
kung anong meron tayo,
yun lang ang binigay Nya sa atin,
kung hahanap ka ng kulang,
parang kinuwestiyon mo na
kung ano lamang yung ibinigay Nya sayo…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan kahit alam na natin na
walang permanente sa mundo,
patuloy pa rin tayong umaasa na
ang isang pangako ay magkakaruon ng katuparan,
walang magbabago at tuloy tuloy lamang ito
gaya ng nasimulan…

Kalimitan yun ang nagbibigay ng sakit sa atin eh,
ang umasa…,
pero okey lang yun ang mahalaga
kaya mong lagpasan kung ano man ang pinagdaraanan mo..

~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan muna, sana may natutunan uli tayo…Lalo ako! 😀

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    pasaway!!!!
    isang pasaway tong comment section mo!
    pinahihirapan akong maige!!!!
    at dahil dun nakalimutan ko na ung icocomment ko.. babalik an aln ako ulit pag naalala ko na.. hahaha

  2. J3e says

    nagbasa…
    kala ko may comment ka sa akin na nailagay mo dito sa post mo…wala pala! lolz!!!

    pero ok yung mga comment mo ha… 🙂

  3. Kablogie says

    hahahaha…ang kulet ng mga nahalukay mo! Sana wag mabasa ng mga taong nagsulat nya kasi pag nagkataon tapos na ang blogging life mo hahahaha…

  4. isladenebz says

    Bob Ong, ikaw ba yan?

    Maghahalukay nga rin ako at makapag-post nga rin ng mga quotations. Si Jee, un din ang topic ng post nya.

    Pero naniniwala k b CM na ang magaling magbigay ng advice ang syang mas nangangailangan ng advice? At bakit tuwing tayo ang nangangailangan ng advice, hindi natin magamit ung magagandang advice na ibinigay natin sa iba?

    Yan kasi ang pakiramdam ko ngayon…:-(

  5. Lord CM says

    @yanah…
    Hehehe 😀 pag naisip mo na, balik ka agad

    @Kox…
    Eh yung isa jan, sa yo ko na i comment eh 😀

    @Jee..
    Next time ung comment ko naman sayo 🙂

    @SuperJaid…
    minsan lang yan, pag wala ako sa sarili lolzz

    @KaBlogie…
    Di po siguro, kasi comment ko yan sa kanila, kinuha ko lang uli 🙂

  6. Lord CM says

    @Nebz…
    Tutuo ka jan Nebz, kaya nga binabasa ko ng paulit ulit ang mga comment ko at iniisip kung magagawa ko nga ba ang mga sinasabi ko…sa palagay ko, hindi rin, pero di ko pa alam dahil wala pa ako sa sitwasyon

  7. RUEL says

    yang mga comment na yan wala sa aking inbox..kung meron man ayaw ko ng basahin..lolz

    Parang gusto ko rin ang sinabi ni Nebz..nakapag-isip ako noon ah..

  8. Mr. Thoughtskoto says

    haha, yan ang gusto ko na name eh, HALUNGKAT Series, balang araw, magkakaroon ka ng book, Halungkat book. di ba? heheh

    thanks.

    Nebz and Ruel,

    I think yung nakakapagbigay ng advise are those people standing in a higher plane. Di ba, you cannot lift a person up unless you are standing in a higher ground?

    Unless hypocrite ang tao to give advise without meaning it, mostly na advises are given dahil its either we have been to the same situation or we know what should be done in case we'd be in that situation…

    my two halalas…hehe

  9. MarcoPaolo says

    halukay ube ka na naman parekoy ah… teka ang mga komento mo parekoy ay pwede ng kowts ah… 🙂

    makopya nga… lolz

  10. Lord CM says

    @Ruel…
    Hehehe 😀 minsan maglalagay ako sa comment box mo nyan…

    @Kenji…
    Sana nga magdilang anghel ka pre 🙂

    @Yanah…
    Ganun? Eh may new entry na ako 😀

    @KaBlogie..
    Hahaha, sige pre, next time magbasa ah 🙂

    @Kosa…
    At kung iintindihin ang mga nasa likod ng mga comment na yan, mas malalim pa ang mauunawaan mo 😀

    @Deth…
    Parang naka relate ka ah 🙂

    @Dhianz…
    Wala lang dhianz, mejo naghalungkat lang ako 😀

    @Marco…
    Sige pre kopya lang ng kopya

    @Amor…
    Ay!!nakalimutan ko parekoy lolzz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *