Ano nga bang masasabi mo?

Siguro may mga nagtataka kung bakit nag-post ako ng isang entry sa blog ko ng tungkol sa math, ang matindi eh pang grade 1 pa! Mas matindi pa, ang magbabasa at magko-comment kundi College Student ay isang Professional. Sabagay wala naman pinag iba kung anong natapos mo dahil hindi naman ang talino ang pag uusapan dito, kundi ang PANANAW MO SA BUHAY.

Simpleng math equation 3+4=7, 9+2=11, 1+1=2, 8+4=11, 5+1=6, 6+6=12 , kelangan mo lang i-type sa comment box kung ano nga ba ang masasabi mo. Pero bakit ganun?, sa mahigit sampung kumento, wala pa sa kalahati ang nakapansin kung ilan nga ba ang tama sa equation na binigay..Ang karamihan pinansin ang nag iisang mali, gayong napakarami namang tama..

Inaamin ko madalas ganun din ako, mas inuuna kong nakikita ang kamalian ng iba kaysa sa napakaraming tamang bagay na nagawa nya. Hindi na siguro mawawala sa atin ang ganung pag uugali..

Subukan mong isipin, Unahin nating pansinin ang tama o maganda sa isang tao, kasunod nito ang tulungang maging tama o mapaganda ang nag iisang pangit na nakita natin dito, ano kayang magiging hitsura ng mundo?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    ganon nga! karamihan sa atin ang mapapansin talaga ay MALI… maraming pangyayari sa atin na madalas ay ang MALI ang napapansin… kasi nga raw, ayon sa aking pananaliksik (hehehe), simple lang daw ang dahilan… para maituwid ang MALI…. 🙂

  2. E??su?J says

    Kaya kahit na balahura ako
    hindi ako naniniwala sa prinsipyong
    "First impressions lasts"

    Alam ko kase na ang bawat isang tao sa mundo eh nilikha ng magkakaiba…
    Ang ibang tao
    may magandang muka at malinis na kalooban – meron din namang kabaligtaran…..

    Pero sabi nga nila…
    Don't give up on someone because you find something wrong with them, instead, try to dig deeper and find what's hidden behind all those imperfections and negative things in them

    Off-topic na naman…
    nyahahahah…..

    \m/

  3. A-Z-E-L says

    i've said enough from your last post…

    and from here…
    maayos sana ang mundo kung ma-aappreciate ng bawat tao ang mga magagandang bagay na nangyayari. lalo't higit kung mabibigyang linaw kung bakit nagkamali.. at mas lalo pa kung marunong magpatawad ang bawat isa.

    "hindi lahat ng tao sa mundo ay madaling makaunawa…"

  4. Kablogie says

    sa buhay natin sa mundong ibabaw mas madaling tandaan ang kamalian kesa wastong gawain natin mga nilalang..(tagalog ako masyadow!)

  5. J3e says

    yun nga! sapul!

    hindi natin nakikita sa isang tao na mas madami pala ang nagagawa niyang kabutihan dahil ang inuuna nating tingnan ay ang mga kamalian niya. sa bawat ginagawa ng isang tao laging may dahilan…mapa tama man o mapa mali ang magiging resulta nito.

    kelangan muna nating alamin ang dahilan bago tayo mag react…

    parang ang layo na ng nisabi ko ah! hehehe…

    ingatz.

  6. Everlito (ever) Villacruz says

    ang presensya ng science at math ay base rin sa katauhan…maraming equation at computation…we need to get the wrong answer to probe that the numbers are wrong..not the people who look on the wrong thing..this is number.equation.if the numbers are wrong we need to get it right…

    para sakin ang numero ay di basehan para makita ang pagkakamali,basehan ito para itama ang pagkakamali..magkaiba ito sa tumitingin sa mali…:)

  7. saul krisna says

    hmmm napaisip ako sa sinabi mo parekoy…… tama ka sa mga sinabi mo…. wag puro mali ang pag tuunan ng pansin… kasi lahat tayo di perpekto…. ako din isang katutak ang mga maling ugali ko… haaaay..

    anyway brod… ayus na kami…
    salamat nga pala sa payo mo sa akin dati… as usual isa ka na naman sa mga tumulong sa akin… dami ko ng utang sa iyo ah… hayaan monext time treat kita ng isang case….

  8. SCOFIELD JR. says

    sa isang exam, una kong tinignan after ng score ay yung mali…kung bakit ako nagkamali or kung bakit ako mali, then afterwards i looked for the solution to correct it…same perception ko sa buhay once na may mali or nakitang mali sa akin, need to correct it, hindi yung live your life sa pagkakamali bagkus learned from that mistakes…(hah anu bang topic)….basta correct me if im wrong na lang….lolz

  9. Sardonyx says

    tama ka diyan, sabi nga ng iba na nagcomment nature na talaga yata ng tao yan….pero ako di ko nakita yun mali mo hehehe, ang ibig sabihin mahina ang kukote ko hahaha….so kung ang tao ay di hinahanap ang mali, mahina rin kaya ang kukote nila? hehehe ang labo no, basta tama ka dyan, korek!

  10. DETH says

    "People will adore and love you for all the things that you've done for them but will hate you for a single mistake. That's the irony of life." – Spiderman

    pero di ako nagcomment sa last post mo eh…ahahaha…
    so hindi ko nakita ang mali, hindi ko rin nakita ang tama…wala akong nakita (shemaz…bulag na ko?! nyahahaha)

  11. kox says

    oo nga, madalas talagang mapansin agad ang mali kesa sa tama. minsan naman, kinakalimutan ang tamang ginawa, dahil may maling nagawa. haha. wala lng, may naalala ko eh.. hehehe

  12. Rej says

    shocks! yung katrabaho ni Lito ung mga klase ng tao na sadyang hindi ko maintindihan. And sometimes life can be so unfair!

    Negative agad. Hehe!

    Pero ano man ang mangyari masaya pa rin ang buhay. Tuloy lang ang buhay… 🙂 Pasasaan pa't magbubunga din ng maganda ang lahat. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *