Ang ganda ng Mundo, Kung…

Eto na lang po ang reply ko sa mga comment sa naunang entry;

Okey, tanggalin natin ang numero sa tutuong buhay, sa pagtingin kung ano nga ba ang tama at kung ano ang mali. Alisin natin ang Math, ang Science at kung ano ano pang bagay na maaaring ikumpara sa paghuhusga ng pananaw ng isang tao pagdating sa tama at mali.

Ang susunod na kwento ay tutuong pangyayari, sinadya lang ng may akda na ibahin ang ibang detalye upang maproteksyunan ito.

Si Lito ay isang masipag at mapagkakatiwalaang trabahador sa isang pabrika sa Pinas, may tatlong anak at kasalukuyang dinadala ni misis ang ikaapat. Mahigit sampung taon nang namamasukan si Lito sa pabrikang ito, at dahil na rin sa liit ng sweldo at malakeng gastusin, minsan syang nangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dahil sa kasipagan, madali lamang para kay Lito ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Walang tatlong buwan ay narito na sya sa Palau bilang isang trabahador sa isang Grocery Store.

Sa unang buwan pa lang kita na agad ang galing at sipag nitong si Lito pagdating sa trabaho, nanatili ito ng mahigit tatlong taon sa kumpanya na wala ni isang pagkakamali pagdating sa trabaho. Ngunit isang araw, isang kaibigan ang nagbirong bigyan sya ng softdrinks na nasa lata, dala ng sobrang pagod at pagtitiwala sa kaibigan dali dali nya itong binuksan at ininom kahit hindi alam kung saan nanggaling ang nasabing softdrinks…

Ang hindi alam ni Lito, isang gahamang trabahador na hindi nya kalahi ang naiinggit at nagmamatyag sa lahat ng kilos ng bawat trabahador…Ito lang ang hinihintay na pagkakataon ng gahamang trabahador upang makapagsumbong sa manager at iangat ang kanyang sarili.

Walang isang buwan, nasa Pinas na muli si Lito…Terminated ng dahil sa isang lata ng softdrinks…

Nakita ba ang kasipagan at kabaitan nya sa loob ng mahigit tatlong taon na pagtatrabaho?

Hindi naman lahat ng tao ay palage na lang sa mali nakatingin at hindi man lang mapansin ang tama. Pero alam nating nangyayari ito sa karamihan, bagkus tumingin sa maganda, ang nakikita ay kapangitan ng isang bagay.

Ang akin lang, maaari naman tayong mag focus sa maganda eh, at hindi puro pagkakamali ang ating tinititigan.

Dito magsisimula ang ganda ng mundo.
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. SEAQUEST says

    i agree with that, dahil panuntunan ko yan na pag nagmahal ka ng isang tao or kahit kaibigan o sa kapwa man, dapat di lang yung maganda sa kanya at positibo ang ahalin mo at tingnan bagkus higit mo dapat na tanggapin at mahalin ay ang kahinaan at mga pangit sa kanya dahil kung ang positibo lang ang pahahalagahan mo eh you always make yourself disappointed thru with that person…

  2. roanne says

    partly, he also has a fault, nadala kasi cya sa tukso, just like what happen to adam and eve… so he needs to suffer the consequence. but i think hindi fair na tanggalin cya agad… sana suspension muna before termination…

  3. Kablogie says

    Isang malaking failure ang manager nya..sana man lang nag investigate at evaluate muna sya kung karapat-dapat ba sya i-terminate. Kasama na rin sa mundong ginagalawan natin ang mga taong makikitid ang pang unawa.

  4. Everlito (ever) Villacruz says

    swerte parin si lito,ang pagkakamali ay sinadya.hindi pinagbasihan.

    wala sa kanila ang tumingin ng mali at tama…

    yung nagbigay sa kanya ng softdrinks para gawing solusyon ang pagkakamali nya yun ang tumitingin sa mali ng tao. hindi yung mga bagay na sinagot ng tama ang mali.

    halimbawa kung may tanong kailangan sagutin ito ng tama.at kung mapapansin ang mali, ito ay magiging tama…

    sa parte ni lito walang tanong na dapat sagutin,biktima sya ng tao na gustong ipakita na sya ang tama sa maling paraan.

    p.s.
    maganda ang topic mo pards,medyo seryoso ang dating…saka may ibat ibang opinyun na may malawak na kaisipan..salamat!

  5. SCOFIELD JR. says

    westyun ko lang bat usually ng sumisira sa yo lalo na sa ibang bansa is yung kapwa mo pinoy…maano b na maging masaya sila kung nakakatangap ng bonus or ng kung anong papuri ang iba mula sa kanilang boss…natanong ko lang kasi last week me bonus kaming natanggap and it happened that sakin yun malaki, after that hindi mo na makausap yung mg kasamahan mo at dededmahin ka…di mo alam kung galit o naiinggit…by the way kuya, may same title ako sa post ko na parehas sau, hindi ko alam na may post ka pala ng BUHAY ABROAD…sorry po kung nagkapareho…edit ko n lang…

  6. RUEL says

    Companies have their own policy..merong list of criteria kung paano magtanggal ng employee..Siguro ang pag-inom ng isang lata ng softdrinks ay katumbas na parusang deportation, yon ang nangyari kay lito..

    Kaya dapat lang na maging maingat tayo sa kompanya, magserbisyo ng buong tapat..

  7. The Pope says

    The same story happened here in Doha, may pinauwing Pinoy dahil sa paginom ng softdrink in can, dahil sa ang nasabing softdrink ay kanyang kinuha sa storage room without any permission, as in qualified theft ang kaso, and the Management has decided to send him home.

    Minsan kung iisipin hindi tugma ang batas na ipinapatupad, subalit bilang mga banyaga we should be aware and respect the laws that is being imposed by the host country.

    Happy weekend bro.

  8. batang'henyo says

    para sa akin, naging biktima lang si Lito dito.. iba kasi ang mga kompanya sa labas ng Pilipinas, hindi alam ang salitang konsiderasyon..

  9. Dhianz says

    hmmnnzzz nde koh nabasa ang mga past entries moh… eniweiz… sa kwento moh kay Lito… nilokoh man syah eh i know God knows the truth and been watchin' him from d' very start… He can turn around d' situation for him… others may meant it harm for him… but God will use dat opportunity to create something good out of d' situation… ingatz lagi kuyah… Godbless! -di

  10. kheed says

    huwaw! totoong totoo ang sinabi mong yan.. lahat halos ng tao ngayon ay yung mga simpleng pagkakamali ng iba ang nakikita, at hindi nila napapansin yung mga magaganda at mabubuti nagawa ng taong yun.. kahit ako aminado ako minsan dyan.. sana masolusyunan natin yang lahat at mabago natin sa sarili natin..

  11. isladenebz says

    Super late na ako. Pero here's my take on your post.

    Blessing ang nangyari kay Lito because he richly deserve more! Sa uri ng kanyang pagtatrabaho hindi sya nababagay sa isang kumpanya katulad ng napasukan nya.

    I'm sure, and I'm saying this with honest faith, makakatagpo si Lito ng mas magandang trabaho. Dahil ang isang taong matuwid ay laging pinagpapala ng Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *