Tayong Dalawa…

Araw ng mga Santo nung maging tayo, wala akong mapagsabihan ng lahat ng nadarama ko nuon kaya pinilit kong maging tayo…Nung una nahihiya ako, Oo…Kasi alam kong marami ang makakaalam sa relasyon natin, marami ang pupuna, may ilang mangungutya pero ang maganda dito mas maraming sasang ayon at pupuri.

Siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nung maging tayo. Di ko inakalang aabot tayo sa ganito…Mga unang linggo’y para wala lang, laro laro lang, pinipilit na gayahin ang relasyon na tulad ng nakikita sa iba. at ngayon nga, mas higit pa tayo sa iba…

Minsan ko nang sinubukang iwan ka, sa kadahilanang may napapabayaan akong iba pero di ko alam kung anong meron ka at hanggang ngayon tayo pa ring dalawa…Isa, dalawa o tatlong araw na wala ka, akala ko makakaya ko, hindi pala…kaya’t eto ako, kahit walang masabing iba, sinisilayan ka at inaasam na makasama, tinitigan ka at pilit pinadarama ang nasa puso’t kaluluwa..

Alam mo bang simula ng naging tayo’y marami nang nagbago? Oo, kala ko nga rin nonsense lang eh, wlang kwenta..pero heto’t nabigyan mo pa ako ng pagkakataong magbigay aral sa iba, magbigay payo, magmahal at higit sa lahat makatulong sa iba na walang inaasahang kapalit…at sa lahat ng ito kasa kasama kita.

Alam kong minsan nagiging korni ako, pero sana hayaan mo na…korni man para sayo o sa iba, alam ko isa to sa paraan na maparamdam kong di ka pa nawawala sa puso ko…Di ko alam kung hanggang kailan tayo, di ko rin alam kung hanggang kelan ka makikinig sa akin kasi naman di natin hawak ang bawat sitwasyon…wag na nga natin isipin yan, ang mahalaga sa ngayon kasama pa rin kita…tayo pa ring dalawa…yan na nga o!!!ginagawan na naman kita ng bagong entry!

Para sayo, o aking blog, happy monthsary…Siyam na buwan na kasi kami nitong aking blog, November 1 nung nakaraang taon nung kami’y naging active sa mundo ng blogsphere…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ?superjaid? says

    happy 9th monthsary po sa inyo ng iyong blog kuya cm..? more months and even years to come..?

    ngapla nung una akala ko kayo ng girLfriend mo ang tinutukoy mo kuya,hahaha

  2. The Nomadic Pinoy says

    Happy anniversary sa blog mo. Hope this will continue to flourish, kasama mo sa iyong paglalakbay.

  3. SEAQUEST says

    Napangiti naman ako sa comment ni DETh, denggoy daw? BTW, cia happy monthsary kuya & KOrak ka jan marami ka na tiyak na natulungan with this blog…May God Bless you more pah…

  4. poging (ilo)CANO says

    aw! siyam na buwan na pala! nasa kabuwanan ka na parekoy. ninong ako ah! parang manganganak lang e noh!

    tagay na!..lolz

  5. E??su?J says

    babae ba o lalake?
    ako ring bearer ahhh…

    aww…
    9 months na
    ang lagay ehh
    ganun ganun na lang ba yun?

    berger
    berger
    berger

  6. Kosa says

    hantagal na nun parekoy.
    ngayun sikat na sikat na kayo…

    pwede bang tayong tatlo.
    o di kaya ay

    TAYUNG LAHAT.lols

  7. isladenebz says

    Nasa kabuwanan na pala ang iyong pagbablog. Hehe. Happy monthsary. And looking forward to your 1st anniversary. Meron ka bang nilulutong pa-contest? Sali ako jan!

  8. Lord CM says

    @superjaid…
    Salamat po, ikaw na lang tuloy nadenggoy ko..kabisado na nila ung teknik ko eh lolzz

    @Deth…
    Babawi ako!!!Madedenggoy din kita hehehe

    @Xprosaic…
    Oo pre, kabuwanan 😀

    @Nomadic…
    Sana nga 🙂 .. ngayon lang ata kita nkita s pahina ko?

    @Life Moto…
    Hehehe 😀 Sumaya nga kaya sila?

    @Seaquest…
    Yup, sarap ng feeling na may natutulungan..

    @Ruel…
    Pa western ko na lang ung berger lolzz

    @Pogi…
    Oo ba, ninong ka…regalo mo? nyahahah

    @Jen…
    Aba!!at magkasunod pa kayo ni Pogi, nag usap ba kayo? lolzz

    Isabay ko na ung berger mo sa padala ko kay Ruel hehehe

    @Kosa..
    Pwedeng pwede pre,Tayong Lahat 😀

    @Nebz…
    Pinag isip mo ako ah…kelangan ko ba mag pa contest? 🙂

    @Chikletz…
    Uy..salamat 🙂

    @RJ…
    Hehehe 😀 Pressure to!!!kelangan talagang may pakulo sa anniversary 😀 , pag iisipan ko

  9. saul krisna says

    anak ng jueteng kinikilig na ako dito sa computer shop ah… yun pala blog mo pla yung tinutukoy mo…. happy monthsari sa inyo brod… hehehehe katuwa naman kayo….

  10. patola says

    ahahahahaha…. akala ko dun sa first and second paragraph, babae ang tinutukoy.. tz nagduda na ako nung sa pangatlo.. wahahahaha..

    hapi monthsary poh sainyo ng blog mo kuya.. 🙂

  11. Lord CM says

    @Saul…
    Hehehe 😀 May nadenggoy din ako lolzz salamat brod..

    @Marco…
    Saka na celebrate, kapag anniversary na 😀

    @Amor…
    Parekoy, magtatagal talaga kami…Di naman sya makareklamo eh lolzz

    @Manik_Reigun…
    Saan brod? 😀

    @Patola…
    Sabi na pag bago sa pahina ko madedenggoy ko rin eh, hehe Salamat sa pagdaan…

    @Meryl…
    Saka na burger kapag anniversary na 😀

    @Mulong…
    Nag iingat ako pre lolzz

  12. Mr. Thoughtskoto says

    happy birthday! Merry Christmas! Happy Valentine! Happy anniversary sa inyo ni Dungeon Lady. Heehe, Di ba Dungeon Lord ka, di Dungeon Lady si Ms. Joan.

    May youll have more anniversary to come!

  13. Mr. Thoughtskoto says

    at para sa paratang na hindi ko binasa ang blog mo, hahaha, ito ang second comment ko.

    nakita mo ba ang nominees ko sa kablogs? wag maingay…sana dumami pa ang mga tulad mo sa blogosperyo!

  14. Malejandria says

    walanjo, akala ko kung sino na, alam ko kasi, may pamilya ka na at achiever na mga anak, tapos ngayon, siyam na buwan na kayo, binasa ko ng husto, nakaramdam lang ako, nung huli na…. binggo talaga ang mga tsismosa 'no? hehehehe. Anyway, congratulations, and hope to read more.

  15. JETTRO says

    parekoy akala ko umiibig ka nnman
    mlapit n plang mag one year itong blog mo

    happy monthsary sa blog mo parekoy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *