Parang walang nangyari…

Ayun!!!Pagkatapos ng ilang beses na pakikiusap at pagsosorry sa kasalanang hindi ko ginawa eh okay na kami ni Arvin at sana nga magtuloy tuloy na to…

Hindi ko kelangan gumawa ng issue o magpaka showbiz para lang sumikat sa mundo ng blogsphere, Sikat na ako, Remember?!!! Nagkataon lang nadamay ang mga walang kinalaman kaya ganito ang naging reaction ko, hindi pwedeng wala akong gawin para sa mga mahal ko sa buhay…at kahit sino alam ko ganun din ang gagawin…

Since wala nang gulo, tuloy ang layunin ng KaBlogs, tuloy ang pagbablog ni LordCM, at tuloy na rin tayo sa malayang pagsusulat…

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at naniwala sa kakayahan ni LordCM, alam nyo na kung sino sino kayo…di ko kayang bayaran yung pagtitiwala nyo sa akin, pero hayaan nyong sa pamumuno ko sa KaBlogs ay mahandugan kayo ng kung anong makakaya namin para kahit minsa’y mapangiti namin kayo…

Okey na kami ni Arvin..at sana magkaayos na rin ang iba pang nagalit at nainis sa kanya…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mr. Thoughtskoto says

    Okay, so hindi na moderated ang comments dito? hehehe

    So uurong na rin ang libel/defamation case?

    I will have to borrow ang sinabi ni Jeesa nung nagchachat kami while binabasa namin ang chat niyo ni Arvin sa shoutbox niya…

    "Wala na talaga akong masabi kay CM. Ang bait niya."

    Salamat sau, CM, at sana tuloy tuloy na maayos at maipagpatuloy natin ang mga projects natin.

  2. A-Z-E-L says

    parang wala lang… hehehehe…

    balik sa dati.
    ituloy ang adhikain ng Ka-Blogs.
    tuloy-tuloy sa malaya at RESPONSABLENG pagsusulat!
    ______________________

    may pacontest ang pinknote. pero hindi pa naglalabas ng mechanics… sasali tayo… susuportahan natin sya at nang mahirapan sya pagtatabulate sa dami ng sasali! lolz!

    tayo pa, atatitat tayo sa contest kahit pa walang premyo… pero balita ko papa-AIR21 o DHL ang premyo.. kow! lalo tayong sasali! yahooooooo!!! kitakits sa finals!

  3. E??su?J says

    well

    "you know"
    heheheeh….

    "you know"
    "i know"

    hahahaha….

    salamat naman at nagkaron na ng kapayapaan….
    =))

  4. Lord CM says

    @kenji…
    Moderated pa rin, kasi may mga taong oportunista na naghahanap ng pagkakataon para makisabay sa kaguluhan makaganti lang 😀

    Wala na rin kaso pre 🙂

    Ako? Mabait? Hehehe 😀 Akala nyo lang yun…

    @AZEL…
    Balik na lahat…SANA lolzz

    ——–

    At para sa pa contest ni pinknote, maghanda ka na ng pangbayad sa AIR21 o DHL lolzz

    @Dhianz…
    Salamat Dhi, xensya na at naabutan mo eh mejo magulo 😀

    @badong…
    Parang fairy tale lang ah lolzz

  5. The Pope says

    Lahat naman ng suliranin ay napaguusapan ng malumanay ng hindi kailangang gumamit ng masasakit na salita para maipahayag ang saloobin sa malayang pagpapahayag sa malawak na daigdig ng blog.

    Nagpapasalamat naman ako at maagang natapuan ang kapayapaan at kapatawaran ng bawa't isa. Pinupuri ko kayong dalawa ni Arvin sa inyong maginoong pagkakasundo para sa pagpapatuloy ng makabuluhang panulat sa daigdig ng blog.

  6. Lord CM says

    @The Pope…
    Salamat pre sa lahat ng magagandang payo…pero talagang minsan hindi mapigilan eh lalo madala ka ng emosyon…

    Pero buti na lang at okey na…

  7. BlogusVox says

    Hmmm… kung ang layunin ay para lang tumigil sa pagdadada ang isang taong kakarampot ang kaalaman, hindi ata makatarungan o tama na magpapakumbaba ang walang kasalanan.

    Mabait ka CM at isinasa-alangalang mo ang iyon reputasyon at pamilya. Ngunit hindi sa ganitong paraan malinawan at maituwid ang isang baluktot na kaisipan.

  8. Lord CM says

    @Blogusvox…
    Alam ko naman Pre, pero ang hirap din kasi na lumake pa ang issue kung pwede namang mapakiusapan…mas marami pa akong problemang kailangan lutasin at kung dadagdag pa to baka matabunan na ang mas importanteng bagay…at sa kalaunan mas malakeng problema pa ang kaharapin…

    Ang mahalaga na lang sa ngayon, may natutunan ako…at sana ang iba rin..

  9. Bhing says

    pEACE!

    sana maging halimbawa ito sa lahat…

    lahat pwdng pag usapan ng maayos, wg padadala sa emosyon…

    i am proud KABLOGS!

  10. Lord CM says

    @Ever…
    Ngitian na rin lang kita 🙂

    @jepoy…
    Hehehe 😀 Di ko narinig kanta mo

    @Bhing…
    Salamat sayo Bhing, at sana di na maulit to 😀

  11. Life Moto says

    basta kapag alam mo na tama ka ipag laban mo. pero kung alam mong mali ka pakumbaba ka.

    Ganun pa man mabuti at naayos na ang misunderstanding.

  12. vanvan says

    AYAN, ABSENT KASI AKO NG ABSENT…HINDI KO TULOY ALAM NA ME ISYU PALANG GANITO SA BLOGOSPER..NATAPOS NG HINDI KO MAN LANG ALAM NA NASIMULAN PALA..

    ANYHOWS, PWEDENG MAKICHIKA??
    SINONG ARVIN ITO? UNG POETIC?
    AHEKS..

    DI BALE NA..ANG MAHALAGA EH NAGKAAYOS NA KAYO LORDCM..

    AT NAWAY LUMAGANAP ANG KAPAYAPAAN SA BLOGOSPER WORLD..

    MISYAH!

  13. Mr. Thoughtskoto says

    haha, natawa ako sa mga comment, pero mas natawa ako sa huling komento ni Indecent Mind. Awayin ka daw niya o ikaw aaway sa kanya para sumikat din siya?

    hehehehe Pero alam mo, Indecent Mind? Gustong mong sumikat, sumali ka sa PEBA, pramis. hehehe may ibubuga ka!

  14. ? Gello - kun` says

    eto ang inaasahan kong mangyayari.

    ang patawaran.

    magaling. salamat at nagkaayos na kayo. 🙂

    niradyo-han ko na ang mga bataan natin, sabi ko di na tuloy ang gera :))

  15. SEAQUEST says

    At dahil diyan Kuya Cm ikaw ay..,,DAaaaraaan, karapat dapat na iklap-klap, i know naman na di ka bast-basta paptol sa mga bagay-bagay na ganun, although medyo napikon din ako sa taong yun nun nabasa ko na dinmay pati family mo eh, alam kong ang pagpapakumbaba pa rin ang pinakaminam na sandata sa lahat ng di pagkakaunawaan, sabi nga magpataasan man ng ihi eh wala din mangyayari..mainam ng magpakumbaba kesa ikaw ang bigyan nito…Godbless you more…

  16. Marlon says

    ala late na ako? bati na agad? joke..hehehe Haaay, hindi ko alam paano to nagsimula pero mabuti naman malaman tapos na ito.

    Naku, mapuntahan nga si arvin. hehehe

  17. YanaH says

    wala akong alam d2… nahuli ako… hindi yata nai-chicka ng chikadora saken toh..
    at hindi ko rin kilala si arvin?
    sino siya? hehehehe

    nways, sabi mo nga ayos naman na eh di tama na yun… let bygones be bygones hahaha… namimiss ka na namin sa BCo.. hindi umaandar yung page natin dun hahahaha

    we will always believe in you….:d

  18. isladenebz says

    Feeling ko it's Christmas in August! Ang lahat ng magkakaaway ay nagbabati. At napakapositive ng vibrations sa paligid. Gusto ko to!!!

    Congrats CM. If I were to give you an award, I will honor you with "YOU'RE MY HERO!" Award.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *