Kahit isang segundo lang…

Tagal ko na nag iisip kung ano ang pwede kong ibigay sa inyo, di naman pwedeng pera dahil di ko kaya…di rin pwedeng celfone at kelangan ko rin, Load? pwede ba ako magpasa load? Di pwede sorry 🙂 . Yun sanang bagay na kapag naibigay ko sa inyo eh pwede nyo rin ipasa sa iba na gusto nyong bigyan ng kung ano man ung ibibigay ko…

Naghalungkat ako ng mga luma kong entries, at nakita ko ang isanq quote na nagustuhan ng ibang blogger. Actually comment ko sa isang blogero yung quote di ko lang matandaan kung kanino, pero alam ko pag nabasa nya to maaalala nya na comment ko to sa kanya, sigawan mo lang ako kung ikaw ang napagsabihan ko nyan ah…

Eto na nga!!!…Gusto kong ipasa sa lahat ang isang quote na tumatak sa ibang blogerong tulad ko upang kahit isang segundo lang ngumiti naman tayo…Eto oh;

Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto pagbigyan mo
ang sarili mong maging masaya…
kahit isang segundo lang okey na un…

Sa lahat ng nasa blogroll ko, para sa inyo yan…at sana nga kahit sa dami ng problemang dumarating sa atin eh napangiti kita, kahit isang segundo lang…

Di ko inaasahan na ipasa mo to sa iba at gawing tag, pero kung napangiti kita, kahit isang segundo lang,wag ka magpasalamat, bagkus magpangiti ka rin ng iba…

Pahabol: nakita ko na!!! Hehehe na kay Jentot, salamat Deth

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nag iisip ka ba kung ano ang kaya mong ibigay para mapangiti ang iba? Wag ka na mag isip, dahil sigurado sa maitutulong mo o maibibigay mo dito sigurado ilang tao ang mapapangiti mo..

Click mo lang at basahin ang detalye, kelangan nila ang tulong mo…BatchMate ko nung HiSkul ang author ng blog kaya sigurado akong may patutunguhan ang bawat maibibigay nyo, ilang labi ang mapapangiti nyo…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ?superjaid? says

    ngayon ko lang nabasa ang comment mo na to kuya, bagong silang lang kasi ako sa mundong ito, but the quote is so heart warming, and touching, ung tipong tatamaan ka talaga at marami kang maiisip..salamat sa pagseshare kuya..napangiti mo ako, di lang isang segundo kasi babaunin ko na to gang pagtanda ko..pero matagal pa yun,bata pa ko eh,hehehe

  2. The Pope says

    Sa dami ng trabaho ko sa nakaraang dalawang araw, napangiti mo nga ako, kaya lang di ko na muna ito ipapasa sa iba, hayaan mong lasapin ko muna ng husto ang ngiti na dulot nito sa pagod kong mga mata.

    God bless.

  3. manik_reigun says

    naks. ayos to. lahat ng positibong bagay sa mundo, maliit man o malaki, ay mahalaga. kaya, salamats sa pagpapaaala ng pag ngiti. apir!

  4. abe mulong caracas says

    sapul!

    at napangiti moko di lang isang segundo…umabot siguro ng tatlong segundo.

    kidding aside…salamat!

    teka teka, kasama ba ko sa pinadalhan?

  5. chikletz says

    thank u kuya! i love your optimism 😀 akin muna yang kowt na yan. hehe.. itataga ko sa bato! huwaw may ganun? LOL!

    salamat ulit!

  6. DETH says

    sa pagkakatanda ko kay mareng jen mo ata nacomment to…tama ba ko? hindi ko na rin matandaaan…hehehe

    salamat sa smayl:D

  7. Lord CM says

    @superjaid…
    bagong silang talaga enoh? lolzz, tagal na yang comment ko na yan sa isang blogger, di ko lang talaga matandaan kung kanino..pero sana napangiti rin sya nung sinabi ko sa kanya yan…

    @The Pope…
    Kelangan mo na talagang mag relax pre, ilang araw mo ring inayos ang…alam mo na yun 😀 …

    @Manik_Reigun…
    Tama ka jan pre, basta positibo 🙂

    @Mulong…
    Hehehe 😀 kasama ka jan pre

    @Chikletz…
    Walang anuman po, basta wag mo lang itaga sa admirer mo ah lollzz

    @Jepoy…
    Ayos din!!! lolzz

    @Marco…
    Hanapin ko uli pre para sayo lolzz

  8. E??su?J says

    c0nfirmed!

    comment mo yan saken dun sa post ko nung uber ako sa pagdidiscern…nyahahha…

    pero salamat pare…
    naalala ko tuloy yung mga panahon na yun…
    tsktsk…

    tama na..baka mawala na naman ako..=))

  9. DETH says

    oha oha…wala pa kong memory gap…nyahahahaha!

    ayus to…kawawa naman saten, kalamidad na naman…tsk tsk, cge CM tingnan ko po yan…

  10. Lord CM says

    @Pogi…
    Nakita ko no, pati ngalangala mo lolzz

    @Jen…
    Hehehe 😀 hinalukay ko nga pahina mo at nakita ko to..hawak ka kay Bebe Pogi para di ka na mawala lolzz

    @Deth…
    Oo nga Deth, May2009 ko pa comment yan kay Jen eh…

    Di talaga maiwasan ang kalamidad eh, ang magagawa na lang natin eh tumulong..

  11. Life Moto says

    sad to say na minsan ang ilan segundo na yun ay ipinagkakait pa sasarili. dapat ma release kahit na saglit lang.

  12. Everlito (ever) Villacruz says

    sarap balikan ng nakaraan,,lalo na kung nakatatak nga..

    maiba ako..yung hiskul,yan ang pinakamasang araw din ang hindi makalimutan. teka mahanap nga rin yung ibang kalokohan ko nuon.

  13. RJ says

    Mahigit isang segundo mo akong pinangiti, Lord CM!

    BOTOLAN… Ito ang gusto ko rito sa blog mo, may kawang-gawa! Nakakatulong ka talaga; mabuhay ka! U

  14. Kosa says

    ahhhh
    kaya naman ngayun eh poging pogi na si Jentot..lols

    parang pwede nga rin na makuha yan. astig… sapul hanggang buto.

  15. Lord CM says

    @Life Moto…
    Yun na nga eh, sobrang busy at sobrang seryoso sa buhay nakalimutan ng ngumiti man lang…

    @Ever…
    Mukhang marami kang kalokohan nung hiskul ah lolzz

    @RJ…
    2 seconds ba? hehehe…

    @HNS…
    Oh Yeah?!!!patingin nga! 😀

    @Kosa…
    Oo nga no? ngayon ang saya na ni Jen, dati pinapangiti lang eh…pero ngayon, anjan na si BEBE POGI lolzz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *