KaBlogs Project…

Nitong mga nagdaang araw, ang KaBlogs Team ay nagpapalitan ng kuro kuro ukol sa isang proyektong makakapagpangiti hindi lang ng buong KaBlogs kundi pati na rin ang mas nangangailangan.

Kung ano man ang proyektong inihahanda ng KaBlogs Team, sa ngayon secret muna hehehe, pero may konting clue, eto na!!! “Katuparan ng Munting Pangarap” , parang awarding lang enoh…pero sigurado akong mas higit pa sa awards ang maibibigay ng proyektong ito..At syempre sa tulong ng mga sumusuporta sa KaBlogs sana’y maging matagumpay ang proyektong ito…

Bilang panimula, Isang napakabait na OFW ang nagdonate sa proyekto ng KaBlogs ng Php6,300.00, Isa rin po sya sa sumusuporta sa KaBlogs na ayaw magpakilala at baka raw dumami ang maging kaibigan nya…

Sa iyo, Butihing Binibini (naks!), sa ngalan ng bumubuo ng KaBlogs, kami’y nagpapasalamat at higit na natutuwa sa pagtulong na iyong ginawa…Ito’y magsisilbing panimula ng grupo upang mapagtagumpayan namin ang proyektong ito…

Bukas po ang KaBlogs sa lahat ng klase ng tulong tulad nito, at asahan nyong, isang araw mayroon tayong maisasakatuparan na munting pangarap…o sabihin na nating munting ngiti 🙂

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    naks naman… ang bait.. puwede bah akong maki-join dyan sa ka-blogs nyoh.. aliw naman.. makakatupad pa kayo nang mga munting pangarap… =)

    nde kc nag-update agad na may new post kah nah.. so 'unz…

    ingatz. Godbless! -di

  2. YanaH says

    sabi ko nga dun sa kabilang pahina.. obr der!

    more donations..
    more projects to come!
    hehehehe

    yey! for kablogs! hehehe

    more power!

  3. Mr. Thoughtskoto says

    hahaha, pwede magwild guess?

    hmmn, babae siya! maganda? sabi ni Blogusvox, taga UAE.

    Sino kaya sa kanila?

    hmmmn, ayaw kong magsalita baka mahuli ako at bawiin ang donation.

    hahaha. Go go go KABLOGS!

  4. Lord CM says

    @Yanah…
    More projects? Saka naman na mare, isa isa lang lolzz

    @Kenji…
    Ahek!!!Ang daming taga UAE ah..sino nga kaya? 😀

  5. Jee says

    sino kaya yun??? napapaisip tlga ako e… ndi kaya ako un?! lolz!!

    salamat talaga sa nag donate.
    kung taga UAE ka, sana makilala kita o kaya makita…para makahingin rin ako ng donasyon sau…nyahahahaha!!

    nweiz, go go Kablogs!
    sabi ko nga sau may mga tao dito sa paligid na nararamdaman kong magbibigay ng donasyon sa ating munting pangarap para sa munting ngiti… ano daw? nalito ako ah! hehehe…

  6. Mr. Thoughtskoto says

    Korek, kasi di ba isa sa mga clue ko, Maganda siya inside and out, eh Jee nanalo ka ng Ang Ganda mo Award, eh baka ikaw nga yun!

    Ikaw ang 2nd. hahaha…

    Check your emails Jee. Mukhang nalito ako one time, nasend ko sau kung sino yun eh, naforward ko yata.
    hahaha.. halungkat!

    by the way, Jee, kelangan mo ang account number? para sa donation mo? hehehe,,, ask CM.

  7. E??su?J says

    hahahaha

    ayuko manghula..
    anuverrr

    pero malakas ang gut feeling ko
    kung taga UAE yan
    taga-dubai banda
    (nakiayon sa mga nagsabi sa itaas na taga-UAE nga daw)

    hahahaha….

    goodluck sa project ng KABLOGS
    \m/ we rock…
    heheheheh

  8. ?superjaid? says

    Game ako dyan kuya, im willing to help kaso not financially kasi la pa akong work eh..but other than that, pwede ako,example pwede akong model ng logo ng project..hehe joke, shy ako sa camera eh, haha

    ambait bait naman nung unang nagdonate,

  9. Lord CM says

    @jen…
    UAE na naman?! Di man lang nyo ihula na PALAU naman 🙁 nyahaha lolzz, girl nga daw sabi ni kenji eh…

    Baka naman ikaw yun Mare?

    @SuperJaid…
    Model? parang mascot? lols jowk lang po…kakailanganin namin tulong mo Jaid pag naisaayos na lahat ng detalye, at syempre kaya mo yun 🙂

  10. batang'henyo says

    sabi ko na nga ba, mababait talaga ang mga OFW sa UAE.. harharhar…

    suporta din ako sa project na 'yan..im sure ok naman 'yan, sana matupad dito ang pangarap ko.. cheers…

  11. Lord CM says

    @BatangHenyo…
    Nyahaha, wala pang nag confirm na taga UAE nga ang first donor sa KaBlogs Project…Pero ung 2nd malamang dun na manggaling lolzz

    at alam ko ung pangatlong donor eh Henyo raw? tutuo ba? 😀

  12. The Pope says

    Maraming salamat po Butihing Binibi sa iyong pinagkaloob na donasyon para sa Kablogs. Sa iyong tulong magsisimula ang isang makabuluhang proketong "Katuparan ng Munting Pangarap".

    Salamat po, sana wag mo po akong makalimutan sa Pasko (hahahaha lolz).

    God bless you and your family.

  13. Jee says

    CM ano ba ang account number ng makapag donate na…

    …yung mga kakilala ko! lolz!!!

    @kuya kenji
    wala naman e! sayang! hehehe…
    eto na nga e…hinihingi ko na kay cm yung account number. hehehe…

    pde bang toys nalang ang i-donate ko? hihihihihi…. (pero hindi si yomiko ha? hehehe…)

  14. poging (ilo)CANO says

    sino kaya yun? taga uae ako, kaya lang binibini daw eh! kung pomopogi sana aaminin kong ako yun…nyahahaha

    parang kilala ko yung unang donor ah! teka nga, balikan ko inbox ng email ko, nandun si binibini..

    mabuhay kablogs!

  15. SEAQUEST says

    Anuman ang proyekto ng Kablogs alam mong ang mga munting anghel ang siyang mabibigyan ng mga biyayang intong mga ninais, hehehe, munti ngiti pala…sencia na carried away…Godbless more & to that Bb.

  16. Ruel says

    Munting pangarap..Cool ako dito..

    UAE is the most generous country in the world..Since nandito ako sa UAE parang gusto ko na ring magdonate..inshallah..Kaya lang gusto ko ring itago ang aking identity..

  17. abe mulong caracas says

    keep me updated naman bro sa mga projects nyo para di ako napag iiwanan…

    pero dun sa mga donation…teka at baka dun ako maiwanan dahil akoy hamak na mangggagawa lamang c",)

  18. ? Gello - kun` says

    mabuting gawain na nagdulot ng mabuting balita. 🙂

    maraming salamat din sa nagpadala ng donasyon para sa kaBlogs. 🙂

    ang saya naman nyan. ung pinadala daw nya ang prize sa kung sino ang makakahula kung sino daw sya :))

  19. bizjoker-of-the-philippines says

    nakatulog na naman ako! kaya nas ilalim na naman ang komento ko..

    Pasali nga… sa usapan!

    CM sabihin mo kung kailangan mo na ang bank account ko..dun ba ilalagay ang donations?

    saan ba may calamity?

    please enlighten me..

  20. Lord CM says

    @life Moto…
    Magpapasalamat na rin ako sayo, pauna lang baka kasi mag donate ka rin lolzz

    @Pogi…
    Hehehe 😀 Meron kang email nun pre, nakita ko nakalagay "POGI" lolzz

    @Seaquest…
    Ayun oh…Nasa Pinas si SeaQuest, makakatulong ka dito 😀

    @Ruel…
    Email ko na po ba ung account number? 😀

    @Mulong…
    Takte ka!!!kala ko magdodonate ka na hehehe

    @Gello…
    Hahaha, patay tayo jan kung gagawing premyo pa yung donation ni Binibini 😀

    @Bizjoker…
    Okey na pre, may sarili na kaming account number lolzz

    @Josha…
    Ang pagbabalik!!!Magdodonate na yan 🙂

  21. Francesca says

    k?k?tuw? ?ng progress ng K?blogs.

    kung me future projects p? ?ng K?blogs, susuport? din ?ko.

    ?ll the best to the te?m.

  22. isladenebz says

    Bahay at lupa? Mini-kotse at 1 low-cost housing unit? E2 po ba ang 'katuparan ng munting pangarap'?

    Whew! Ibang level na to talaga!

  23. Lord CM says

    @Patola…
    Darating tayo jan Pat 😀 … sa ngayon ang suporta nyo sa KaBlogs ay napakalakeng bagay na…kaya salamat sa lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *