KaBlogs – Katuparan ng Munting Pangarap

Bata pa lang ako pinangarap ko nang magkaruon ng mga medalyang gaya ng nakukuha ng ibang bata, tropeo na buong higpit na niyayakap, sertipikasyon na buong pusong ipinagmamalake sa mga kakilala, mga bagay na kahit simple lang ay nagpapatunay na magaling ako, may talino at may talentong hindi kaya ng iba…

Ngunit hindi lahat ng pangarap kayang tuparin sa isang iglap lamang, sa isang kumpas ng kamay o sa isang kisapmata lamang…Libre ang mangarap sabi nga ng ilan, ngunit tulad ng karamihan kailangan mong magbayad para lamang tuparin ito…Kung sa paanong paraan, si Bro at Ikaw lang ang nakakaalam…

Lumipas ang linggo, buwan at ilang taon na nakuntento na lamang ako sa mga pangarap, pangarap na kailanman hindi ko na inasahang magkakaruon ng katuparan…Hanggang sa dumating na lang ang araw, kung saan di ko inaasahan..Binigyan Nya ng katuparan ang lahat ng aking pinangarap…

Tunay ngang nariyan lang Sya upang pakinggan ang bawat pangarap ng isang nilalang, hindi man makamit ang minimithing pangarap pero siguradong may mas magandang kapalit ang lahat ng ito.

Kapalit na kung tutuusin ay mas higit pa sa medalya, tropeo o sertipikasyon…Kaya ngayon, mas higit akong nagpapasalamat sa Kanya, hindi dahil hindi ko natupad ang pinapangarap kong medalya, o inaasam na tropeo at sertipikasyon kundi dahil binigyan Nya ako ng mas higit pa sa pinangarap ko…

Wala na sigurong mas hihigit pa sa PAMILYANG ibinigay Nya sa akin. Gaya ng medalyang nakalapat sa dibdib, ang aking ASAWA’y habambuhay nakatatak sa aking puso…Gaya ng tropeong mahigpit na niyayakap, ang BUNSO kong maaari kong yakapin habambuhay…At gaya ng sertipikong pinagmamalake kaninuman, ang PANGANAY ko’y buong puso kong ipagmamalake kaninuman…

Hindi ko man napatunayang may galing akong higit sa iba, kuntento na akong andiyan SILA…Ang aking medalya, tropeo at sertipikasyon….sa katauhan ng aking PAMILYA…

Sa ngalan ng bumubuo ng KaBlogs Team, Ang bagay na minsan ko nang pinangarap ay buong puso namin inaalay sa mga napiling blogero na mahusay sa iba’t ibang kategorya ng pagbablog at patuloy na sumusuporta sa layunin ng KaBlogs

Hindi ko man nakamit ang munting pangarap, hayaan nyong ialay namin ‘to sa lahat…

KaBlogs WINNERS 2009

ACTIVE BLOGGER
MinDeth (OFW)
Blagblagan (Non-OFW)

ANG GANDA MO!
Wit’s Expression (OFW)
Princess Journal (Non-OFW)

ANG GWAPO MO!
Klasrum Ni Pajay (OFW)
A Journal of My Simple Life (Non-OFW)

ASTIG ANG BLOG MO!
The Chook-Minder’s Quill(OFW)
Balut & Natto (Non-OFW)

COOL BLOG!
Life’s a Piece of Keyk (OFW)
Hiraya (Non-OFW)

CREATIVE BLOG
“Panunumbalik ng Ulirat” (OFW)
Sino Si Badong (Non-OFW)

CUTEST BLOG
Jen’s Misadventures (OFW)
The Coffee Chic (Non-OFW)

FRIENDSHIP AWARD
“Panunumbalik ng Ulirat” (OFW)
Acongtatsulok (Non-OFW)

FUNNY BLOG
Hula Scoop atbp (OFW)
Tambay (Non-OFW)

GALING NG BLOG MO
Bizjoker-Of-The-Philippines (OFW)
KiddoMind (Non-OFW)

GREAT LAYOUT
Isla de Nebz (OFW)
Perspektib (Non-OFW)

INFORMATIVE BLOG
The Sandbox (OFW)
Sino Si Badong (Non-OFW)

INSPIRING BLOG
Gumamela sa Paraiso (OFW)
A Journal of My Simple Life (Non-OFW)

KIKAY MO NAMAN!
The Pink Tarha (OFW)
The Coffee Chic (Non-OFW)

MAINSTAY BLOGGER
Manilenya (OFW)
Yanah’s Life’s A Twitch (Non-OFW)

MOST READ
Desert Aquaforce (OFW)
I am Dencio (Non-OFW)

MOST VISITED BLOG
Trip Ni Kosa (OFW)
Xprosaic’s World (Non-OFW)

MS. CONGENIALITY
My Orange Vest (OFW)
Ang Buhay Ay Parang Sine (Non-OFW)

PROMISING BLOG
Binkay.Net (OFW)
Perspektib (Non-OFW)

SIKAT KA MARE!
Francesca in France (OFW)
Yanah’s Life’s A Twitch (Non-OFW)

SIKAT KA PARE!
Poging (ilo) Cano (OFW)
Ang Barakong Cup (Non-OFW)

SIMPLE PERO ROCK
Pamatay Homesick (OFW)
Pin(k)oy (Non-OFW)

SOARING BLOG
Batang Henyo (OFW)
Blagblagan (Non-OFW)

STUNNING BLOG
The Chook-Minder’s Quill (OFW)
I am Dencio (Non-OFW)

TOP COMMENTOR
Life Moto (OFW)
“BADIK” (Non-OFW)

Note : Kung isa ka sa mga nanalo, maari po kayong mag email sa KaBlogs123 at Gmail dat Com upang makuha ang Badge/Award na EKSLUSIBO para sa’yo…o kaya naman ay i-click ang link sa baba…Galing po sa KaBlogs Team ang Awards at hindi sa akin lang hehehe, taga post lang ako

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dyi says

    yeeppeee!! ang saya naman nito 🙂 salamat sa award at sa mga bumoto saken. naks! ef na ef ko ang pasasalamat weee! lolz!

    congrats sa mga napiling handugan ng munting regalo galing sa Kablogs family 🙂

    i love KabLoGs 🙂

  2. The Pink Tarha Team says

    Wow, thank you! We sure are kikays… we hope in a funny and witty way and not in a maarte kind of way, hehe.

    The Pink Tarha Girls appreciate the support the KaBlogs team has given us since the time we started our blog. We've been learning lots and gaining friends from all over the world because of your effort to gather Filipino expats in one cyber home.

    Good luck and more power to KaBlogs. Mabuhay ang mga OFWs!

  3. Lord CM says

    @Dyi…
    Nasurprise ka ba Jee? lolzzz

    @Patola…
    Salamat sa pagdaan at sa pagpuna sa aking pahina 😀

    @The Pink Tarha…
    Hehehe 😀 Syempre naman, in a positive way na kikay kaya kayo napili sa category na yan…Salamat sa pagdaan 🙂

  4. A-Z-E-L says

    salamat sa awards… talagang hindi ako ang gumawa ng badge na napunta saken… ang galing!

    salamat sa Kablogs team…

  5. chikletz says

    thank u kuya! yes naman.. damang dama ko pag ka congenial ko ah. parang si Sandra Bullock lang noh. haha!

    congratulations sa lahat ng nanalo 😀

  6. Lord CM says

    @Fjordan…
    Salamat din po sa pagsuporta sa KaBlogs 🙂

    @AZEL…
    Hehehe 😀 isa ka pala sa gumawa ng badge

    @Chikletz…
    Lolzz, Sandra Bullock ba? Hanap ka ni Arvin hehehe

  7. SEAQUEST says

    Salamat po sa award, hindi man ako magaling sa pagsulat at least yung pag titiyaga kong magbasa at makakita ng mga bagay na maaring magbigay aral sa buhay sa mga kaibigan nating blogero para sa akin ay malaking bagay na po….Salamat po sa iyo at sa iba pa salamat din at may God Bless you more….Godspid to all…

  8. poging (ilo)CANO says

    naiyak ako…hindi ako makapaniwala na makakatanggap ako ng ganitong award (sikat ka pare!)..maraming tenchu sa lahat…

    magpapacanton ako mamaya….

    salamat kablogs..

  9. apieceofkeyk says

    salamat po sa award kahit na ako ay hindi na gaanong aktibo sa blogosperyo. thanks for remembering me 🙂

    congrats po sa lahat ng nanalo at more power sa PEBA at Kablogs!

    ako rin, may 2 sertipiko na ipinagmamalaki. mas higit pa sa diploma na sana ay nakuha ko noong college ako 🙂

    ~ENJOY

  10. Mr. Thoughtskoto says

    Walang magproprotesta ha. hehehe. Salamat sa KABLOGS at kay CM at The Pope, kay Jen at kay Dyi at sa mga KABLOGS Elite na walang tulugan, mahabang pacensia, at hindi iniindang pagod para maisakatuparan ang pagbibigay ng mga munting citations at badges na ito.

    kahit wala akong award, huhuhu, bakit di napunta sakin at ANG GWAPO MO AWARD! hehe, okay na kay Pajay, inaamin ko na mas ka…

    Salamat CM and Congrats sa lahat ng nanalo!

  11. Badong says

    woohoo! maraming salamat po sa award! pagpalain pa ang ka-blogs!

    ps

    correection lang po, 'bahay ni badong' po talaga yugn title ng blog ko. hehe

  12. HARI NG SABLAY says

    naku ito pala ang ano, maraming salamat sa ano lord,tnx2 kukunin ko to pag mdyo mabilis na internet nakakabanas kasi koneksiyon dito,hehe tnx2 ulit… 🙂

  13. isladenebz says

    Lord CM, congratulations din sa yo sa napakataos-puso mong post.

    I can feel your sense of pride and love and honor for your family.

    Kumpara sa akin, mas higit ka pang panalo ng ilang libong milya…(walang halong biro yan!).

    Congratulations!

  14. Lord CM says

    Salamat sa lahat ng dumaan at patuloy na sumusuporta sa KaBlogs…

    Wag lang po nating kalimutang mag email sa KaBlogs para makuha ang inyong award na ginawa para sa inyo…

    Asahan pa po ng KaBlogs ang suporta sa lahat ng layunin ng grupo

  15. A-Z-E-L says

    aba… isa nga pala ako sa gumawa ng badge! lolz!

    gusto ni kuya kenji ng "ang gwapo mo" badge? bigyan ko kaya… nasaken ang layout nun eh! lolz!

    sayang ung Top Commenter, nireserve ko para sayo un eh.. di ka pala kasali sa pagpipilian! hahahaha!

  16. A-Z-E-L says

    @ Badong: header name po ang nakalagay sa badge.. since ang nakalagay po sa header mo ay SINO SI BADONG, un po ang nakalagay sa badge na nareceive mo…

    papalitan po ba natin? (may oras pa po ako… hehehehe!)

  17. A-Z-E-L says

    dahil F na F ko ang awards night na ito.. ayun at nagpost na po ako ng entry… sangkaterbang link sa kablogs ang ginawa ko! lolz! isinama ko na rin ang recruitment portion… hahahaha!

  18. Sardonyx says

    wow ang galing n'yo naman, kakatouch na meron pa akong nareceive na award….salamat, salamat! kailangan ba ng speech??? Sige eto…."speech!" hehehe salamat talaga! kakataba ng puso…hey ikaw pa rin ang panalo LordCM!! dahil may pamilya kang nagbibigay tagumpay sa'yo at mayron ka ring mga kaibigan na sumusuporta sa blog mo at sa kablogs team…mabuhay! hehehe

  19. The Pope says

    Napakakulay ng Kablogs, parang pasko, lahat ay masaya, sana ganito lagi dito.

    Congratulations to the winners, kayo ang nagbibigay kasiyahan at inspirasyon sa aming mga tagapagbasa dito sa blogospero. Salamat sa iyong mga makabuluhang panulat.

    Maraming salamat sa bumubuo sa KABLOGS sa pagbibigay halaga sa talento ng ating mga kababayang Pilipino na kasapi ng Kablogs.

    pagpalain kayo ng Maykapal.

  20. Rej says

    thank you po. hindi ko po alam kung pano ko napasali sa listahan pero isang karangalan po ito. salamat po uli! 🙂

  21. PaJAY says

    KAPAG GANITO NGA NAMAN ANG SIPAG NA PINAPAKITA NG SANG BLOGGER TULAD MO PAREKOY…HIGIT PA SA MGA AWARD NATO ANG DAPAT IBIGAY SAYO…MASYADONG NAKAKATATS ANG NICE MOVE MONG TO KASAMA ANG KABLOG NA MGA MIYEMBRO….APPRECIATED PAREKOY ANG AWARD NA BIGAY NYO….KASO MERON LANG SANA AKONG GUSTO…SA SUSUNOD PWEDE BANG CUTEST NA LANG AWARD KO?…..lols..

    KAMPAY PAREKOY!!! SALAMAT!!!!

  22. Kosa says

    pwede bang mamili ng award? lols
    jokeeeeee…

    sa lahat ng kablogs, nagpapasalamat ako sa pagiging bahagi ng byaheng baku-baku sa mga napiling bigyan pansin..

    sakay naaaaa..

  23. E??su?J says

    *pajay
    ano, gusto mo palit tayo ng award?
    ako na ang gwapo, ikaw na ang cute?
    hahaha..
    juk2 😀

    tunay ngang sobrang nakakauplift ng spirit (spirit? ano toh anime' na?hahah) kapag nakakatanggap tayo ng mga papuri o mga award na kagaya nitong pinamahagi ng Kablogs…

    at kagaya ni Jee, nagulat din ako sa results..hindi ko alam, may ganito pala kayong ginawa?
    =))

    congrats sa lahat ng bumubuo ng Kablogs, sa mga nanalo (you deserve it guys!)
    at mga future projects..
    ^^,
    (iboto nyo ko sa susunod na SK elections..)=))

  24. Jepoy says

    I hate you! Walang award ang pluma ni Jepoy! Hmp!

    Jowk lang!

    Congratumulations sa lahat ng bloggers na nabigyan mo ng award. Di ko kilala ang iba at baka mabisita ko sila one of these days para malaman kung baket sila may award at ako ay wala (Hindi parin maka move on?!)

  25. Mr. Thoughtskoto says

    Salamat sa mga comment. tats na tats din kami sa speech ng President ng Kablogs bago inanounce ang winners.

    At dahil alam namin may magtatanong tungkol sa awarding na naganap, I explained kung paano nagkaroon ng mga awards at citations ang mga bloggers listed above.

    Unang-una po, sa OFW dapat listed ka sa KABLOGS site aggregating list.

    Pangalawa sa Non-OFW Bloggers, dapat nakadisplay ang banner ng KABLOGS sa sidebar niyo, and you are also listed sa KABLOGS site.

    As we explained, it took as a month and a half sa nomination and collating the winners, pero ang planning took us maybe 6 months.

    Congrats po ulit sa lahat! Salamat sa Suporta kay CM at sa mga KABLOGS Team!

  26. Mr. Thoughtskoto says

    Sorry "it took us" pala… naduling na ako. may mga paputok pa dahil parang pasko! yehey!!!

    Salamat!

  27. Lord CM says

    Waaahhhh!!!Ang dami ko nang sasaguting comment, buti n lang anjan ang KaBlogs Team at AZEL, salamat sa inyo 🙂

    Sa lahat ng nagtatanong kung paano nangyaring napili ang inyong pahina, subukan ko pong gumawa ng entry para dito…

    Sa ngayon, ito'y surpresa lamang ng KaBlogs para sa lahat ng sumuporta, asahan nyong may mga susunod pa kung patuloy nating susuportahan ang KaBlogs…

  28. melai says

    bigla daw ako nakunsensya sa MAINSTAY BLOGGER AWARD NA YAN lol! waaaahh pakipitik ang tenga ko pls para naman magblog ako ng regular…..

    maraming salamat po!

  29. RhonB (aka Pinkoy) says

    Wow Lord! It's such an honor! Thanks so much sa pagpili sa Pinkoy bilang isa sa Simple Pero Rock awardees. Sarap ng feeling 🙂 Salamat sa yo at sa KABLOGS.

    KABLOGS rocks!

  30. Everlito (ever) Villacruz says

    salamas! este salamat! whippiiiii!

    i would like to thanks,boy nabarete for my hair and make up, also i would like to share this to all kablogs at sa lahat lahat.(sabay kaway na pang mis u, at medyo lumuluha sa galak..he he he)

  31. RJ says

    Taus-puso po akong nagpapasalamat sa KaBlogs sa iginawad na dalawang mga awards sa The CHook-minder's Quill! U

    MAbuhay ang mga taong nasa likod nito!

  32. vonfire says

    conratz sa lahat!

    nawa'y ipagpatuloy niyo lang ang pagpapaganda sa mga respective blogs niyo dahil kayo ang inspirasyon ng bawat neophyte na blogger like me! :}

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *